Chapter 28 Tatlong oras na ang lumipas simula ng dukutin sila Heaven at Knight ng mga di kilalang lalaki na ang pakay ay si Devil na gagamitin siyang pain para makuha ang sinasabi ng nakausap niyang hawak nito. Sa tatlong oras na lumipas ay mas dumodoble ang pag-aalala ni Heaven para kay Knight na hindi niya alam kung saan ito dinala ng mga dumukot sa kanila. Nanginginig sa takot si eaven hindi para sa kaligtasan niya kundi para sa kaligtasan ni Knight. Kanina pa din siya nag-iisip ng kung anong gagawin niya para makatakas at mapuntahan si Knight para iligtas ito pero wala siyang maisip na dapat gawin dahilan para hindi siya mapakali sa kwartong kinalalagyan niya. Kanina pa siya palipat-lipat ng pwesto at hindi siya –matigil sa sa paglalakad niya dahil na rin sa pag-aalala niya