Mula sa pagiging masigla ay mabilis na naging matamlay ang awra ni Nathalia. Tila natauhan siya na kailanman ay hindi puwedeng magtagpo ang langit at lupa na katulad nila ng kanyang hinahangaang boss.
Lutang ang kanyang isip habang naglalakad siya papunta sa isang cafeteria na malapit sa building kung saan siya nagtatrabaho. Medyo risky ang kanyang trabaho dahil sa finance department siya ng kompanya nakapasok at hindi lang basta kompanya, it's a holding company that holds different known companies. Sa madaling salita, mother company sila kaya naman ay nanliliit siya sa sarili. Bilyonaryo pala ang kanyang hinahangaang tao.
Napalingon siya sa katabing Starbucks ng pinasukan niyang cafè. Malakas din ang loob na makipagkompetensya ito sa sikat na coffee shop. Sabagay ay iyon ang puntahan ng mga katulad niyang 'di afford ang gintong presyo ng kape.
“Expresso and Croissants.”
"Ang aga-aga mainit agad ang ulo mo. Gusto mo ba ng cold—"
“Hot! All hot please.”
Kumuha siya ng bayad at kaagad kinuha ang order pagkatapos. Wala siyang planong makipaghuntahan sa malanding cashier na 'yun dahil may mga nakapila pa sa kanyang likuran. Humanap kaagad siya ng puwesto para makaupo ng maayos at saktong malapit iyon sa glass wall ng cafè. Nakikita niya ang mga dumaraan na halos lahat ay naghahabol ng oras. Tipikal routine ng mga simpleng tao na katulad niyang nagtatrabaho.
Tinikman na niya ang palagi niyang ino-order sa coffe shop na iyon. Minsan pa siyang umaasam na sana ay gawa iyon sa sikat na mga cafè tulad ng Starbucks, Dunkin' Donuts at Coffee Project kung saan ay puwede rin siyang makapag-chill habang nagkakape. Sarap siguro ng buhay kapag ganu'n. Siyang pangarap ng simpleng babae na katulad niya.
“Kaya bawal na akong magkagusto sa kanya.” Napahinga siya ng malalim. Inspiration lang naman sana pero nauwi sa expiration dahil isang malaking kahangalan.
Sinulyapan niya muna ang mumurahing relong pambisig at napangiti nang makita ang oras. Malabo pa siyang mahuli. Tinandaan niya rin ang sinabi ng big boss nila na punctuality is a must kaya palagi na siyang maagang nagigising. Mabuti na rin iyon dahil hindi siya makipagsiksikan sa sasakyan sa umaga at maghabol ng oras para hindi ma-late sa trabaho.
Muli siyang tumanaw sa labas nang bigla ay napansin niya'ng nagsitakbuhan ang mga tao. Kamuntik na siyang mapatayo sa pagkaalarma kung hindi lang sa babaeng may dalang payong. Umuulan pala at dahil doon ay napamulagat siya. Wala siyang payong na dala.
Mabilis na inubos niya ang kanyang binili at lumapit sa pinto. Paano siya makatatawid sa kabilang kalsada ng hindi nababasa? Ayaw niya namang tumakbo dahil matatalsikan ang kanyang uniporme at baka madulas pa siya. Naiinis siya dahil kanina ay maaliwalas naman ang panahon pero ngayon ay biglang kumulimlim.
“Sino naman kaya ang sawi sa pag-ibig at nakidalamhati ang langit?”
Hindi naman siya iyon dahil hindi naman siya umiiyak. Crush lang naman ang mayroon siya kaya maaari pang ignorahin.
Muli siyang napasulyap sa kanyang relo at nanlaki ang mga mata nang makitang sampong minuto na lang ang natitira at oras na ng kanyang trabaho.
“Bakit ang bilis naman yata? Kainis na ulan 'to, eh!”
Wala na siyang choice kundi ang takbuhin ng mabilis ang kabila. Wala naman siyang nakikitang tao na kung saan ay puwede siyang makisukob dahil may mga partner naman. Saka palakas na ang ulan kaya kailangan niyang magmadali. Hindi naman marami ang dumaraang sasakyan kaya safe siyang makatatawid.
Nagbilang muna siya ng tatlo sa kanyang isip bago siya tumakbo patawid sa kabilang kalsada. Ngunit nagitla siya nang sa kanyang pagtawid ay may motorsiklong mabilis na humarurot papunta sa kanyang direksyon at mababangga na siya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla at pagkataranta nang bigla siyang madulas sa kalsada at napasubsob sa maruming tubig. Saka siya nakarinig ng nakaririnding ingay ng mga gulong at ang sigawan ng mga tao sa paligid.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Malakas ang kabog niyon at humihinga pa naman siya. Kinapa niya ang bawat parte ng kanyang katawan at kompleto pa naman. Napamulagat siya sa naisip. Hindi kaya kaluluwa na siya?
“D*mn you, assh*ole! I will make sure to rot you in jail!”
Mabilis na napalingon siya sa taong galit na nagsalita. Ganu'n na lamang ang pagkahindik niya nang makita ang yuping kabilang bahagi ng magara nitong sasakyan at ang sirang motorsiklo na nakulayan ng pulang likido sa tabi. At ang ikinapanginig ng kanyang kalamnan ay ang galit na nakikita niya sa lalaki roon sa taong nakahandusay na halos wala ng malay. Kinuwelyuhan pa nito at minura gayong nanghihina na.
Napakurap-kurap siya at hindi makahuma. Kung hindi ba siya nadulas ay siya ang mababangga at hindi ang sasakyan ng lalaki? Ni Edam Javier Castelo? Paano pala kung siya ang nabangga?
Hindi niya namalayan na nag-uunahan na ang mga luha sa kanyang mga mata. Natatakot siya, naaawa at nagagalit. Samot-saring emosyon na hindi niya alam kung sino ang dapat sisihin. Kung nabangga ba siya ay may tutulong sa kanya? Kung wala, it would be her last day on earth.
But angel in disguise ang kanyang boss. Pero sa nasaksihan niya kanina ay hindi ito mukhang anghel. Wala itong awa sa taong naghihingalo na nga ay minumura pa. Naguguluhan na siya. Dapat siyang magpasalamat dahil kung tutuusin ay pangalawang buhay na niya iyon pero naroon ang bagong damdamin na nabuhay sa kanyang kaibuturan para kay Edam, takot.
“Miss? D*mn! Do you want to go to the hospital or what?”
Napabaling siya rito at nakita ang sinserong pag-aalala sa mukha nito.
“Sir? Natawagan na namin ang pinakamalapit na police station at ambulansya.”
Napabaling dito ang atensyon ni Edam bago nagsalita. “Okay! Get the umbrella. Maglalakad na tayo papunta sa office.”
Bigla siya nitong binuhat at naglakad patawid sa kabilang kalsada. Ang dalawang tauhan nito ay nakasunod sa kanila habang pinapayungan sila ni Edam ng isa pang tauhan nito. Halos hindi siya humihinga habang karga siya nito na pang-bride style. Ni hindi siya makatingin sa mukha nito na sobrang lapit sa kanyang mukha. Ang tanging nagawa niya ay ang pumikit at kung puwede sana ay tuluyan na siyang himatayin sa kaba.
Namalayan niya na lang na nasa harap na sila ng private office nito. Naiwan sa labas ang mga tauhan ni Edam at silang dalawa lang ang nasa loob ng opisina nito. Ibinaba siya nito sa couch ng walang pag-iingat kaya roon na siya napadilat ng mga mata.
“I thought you were unconscious? Are you feeling better now or you want me to call a doctor—”
“No, no! O-okay na ako! Salamat.” Nataranta siya sa kung ano ang dapat sabihin dito. Tila labag sa loob nito ang tulungan siya at ganu'n ito magsalita. Nakaramdam siya ng inis dito pero kinimkim niya iyon. Iniisip niya pa rin ang bright side. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa siya. Hindi man niya alam ang eksaktong nangyari pero siguro ay may purpose. Nadulas siya kaya hindi siya ang nabangga? Pero paanong ang sasakyan nito ang nabangga?
“I think you are not okay. Baka my galos ka sa katawan o baka may trauma ka—”
“No, Sir! I mean, late na po ako sa trabaho. Kailangan ko na pong magmadali.” Tumayo siya at inayos ang basang damit at magulong buhok.
“Nang basa ang mga damit? I'll excuse you. Which department are you in?” pigil nito sa kanya habang hawak ang mobile phone nito. Nakatingin ito sa kanya na hinihintay ang kanyang sagot. Napayuko siya bigla. Hindi niya kayang salubungin ang matiim nitong mga titig.
“Finance department, Sir.”
Nabigla siya nang tumama sa kanyang katawan ang inihagis nitong coat. Napatitig siya rito sa nagtatanong na mga mata.
“Go to the washroom and clean yourself. Hintayin mo ang pinabili kong uniform,” wika nito at iniwan na siya sa couch. Lumayo ito sa kanya para kausapin ang kanyang supervisor.
Doon lamang siya nakahinga ng maluwag. Bumalik ang kakaibang kaba na naramdaman niya para kay Edam. Saka ang boses nito na parang may gayuma, ang sarap sa tainga. It was intense that made her to forget everything. Nakalimutan niya na namang magpasalamat for the second time.
Mayamaya ay bumalik ito na seryoso ang mukha. Iniwasan niyang mapatitig sa mga mata nito. Naroon pa rin ang kaba sa kanyang dibdib.
“Wait in here for the uniform and leave my office after you've change.”
Nabigla siya sa sinabi nito at nasundan na lamang niya ito ng tingin nang lumabas sa sariling opisina. Hindi niya alam kung saan ito pupunta pero lihim na rin siyang nagpasalamat dahil nabawasan ang tensyong naramdaman niya.
Iginala niya ang paningin sa loob ng opisina nito. It was majority in neutral colors, black and white that represents his personality. A mysterious bachelor that she wanted to explore.
Nang makarinig ang katok sa pinto ay bahagya siyang nataranta. Paano kung mamukhaan siya ng mga empleyado roon?
Narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya nagtago siya sa likod ng couch. Ilang sandali pa ay sumara ulit ang pinto. Nakiramdam muna siya bago tumayo at tinungo ang pinto. Nakita niya ang isang paper bag sa sahig at kaagad niyang kinuha. Pumasok na siya sa washroom saka nagbihis. Napangiti siya nang makita ang uniporme na kasya sa kanya. Saglit pa niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.
She is plain. Sa unang tingin ay hindi siya mapapansin pero kung titigan ng matagal ay may tinatagong sariling ganda. May karisma siya na mahirap ignorahin ng sinumang makakasalamuha niya.
‘Ginayuma mo siguro ako, Nat. Lagi kitang naiisip, eh!’
Naalala pa niya ang sinabing iyon ng kanyang kaibigan na kapitbahay niya lang din. Hindi lingid sa kanya ang pagpapalipad-hangin nito na iniignora lamang niya. At least hindi niya ito pinapaasa kaya nanatili itong mabuting kaibigan.
Lumabas na siya sa washroom dala ang kanyang pinagbihisan at dumiretso na sa pinto. Baka babalik na ang boss niya at makita pa siya roon.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Nagmamatyag siya sa paligid. Wala naman dumaraang empleyado kaya walang makakakita sa kanya.
Maingat na lumabas na siya saka inisinara ng marahan ang pinto at huminga ng malalim bago tinungo ang elevator. Hinintay niyang bumukas iyon.
Pagkabukas ay napahinto siya sa pagpasok sa loob ng elevator. Nagkatitigan sila ni Edam na may blangkong anyo.
Those cool grey eyes!
Biglang binundol na naman ng kaba ang kanyang dibdib. Wala rin siyang makapa na sasabihin sa kanyang boss na naging tagapagligtas niya ngayong araw. Coincidence man o hindi, ang binata ang kanyang naging anghel. Lalo lamang lumalim ang lihim niyang paghanga rito.
Tinapunan lamang siya nito ng blangkong tingin bago ito tumuloy sa opisina nito. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng lungkot. Nasaktan siya sa paraang ipinapakita nito na para bang estranghera siya at hindi nito nakasalamuha gayong kanina lamang ay tinulungan pa siya.
Nakanguso si Nathalia na pumasok sa loob ng elevator. Hindi na siya papasok ngayon sa trabaho lalo pa at wala na siyang gana dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya. Pagkarating sa ground floor ay diretso siyang naglakad palabas ng building at nagpasyang umuwi na. Palagay niya rin ay sumasama na ang kanyang pakiramdam dala na rin marahil sa naramdamang matinding kaba kanina noong nangyari ang insidente.
Pag-uwi sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang pinsan na si Nasser at kapitbahay na si Clayton. Hindi niya pinansin ang mapanuksong tingin ng kanyang pinsan habang sinisiko ang katabi nitong si Clayton.
“Wala namang bagyo bakit umuwi ka? Walang pasok?” dinig niyang tanong sa kanya ni Clayton sa himig panunukso. Sumagot siya pero hindi ito hinarap.
“Ang dami ko ng tatay. Si Papa, ikaw at si Nasser.” Napahagikhik ang dalawa sa kanyang tinuran.
“Hindi nga. Bakit kasi umuwi ka ngayon? May nangyari ba?” tanong naman ng kanyang pinsan. Umiling siya dahil ayaw niyang magkwento at nagpaalam na magbibihis na sa kanyang silid.
“Masama lamang ang pakiramdam ko. Puyat kasi ako kagabi dahil may ginawa akong research,” pagsisinungaling na lamang niya. Ayaw niyang magsabi sa dalawa sa nangyari kanina dahil baka patigilan siya sa kanyang trabaho. Masyadong protective ang mga ito sa kanya kaya tuloy ay wala pa siyang kasintahan na nagugustuhan niya. Hindi lingid sa kanya na may gusto si Nasser sa kanya pero ayaw niya ng kaibigan at wala siyang espesyal na nararamdaman dito.
Pagdating sa kanyang silid ay kaagad siyang nagbihis. Tutulong na lamang siya sa kanyang ina sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke.