Zillione’s POV
Maaga akong umuwi para maghanda ng dinner para sa amin. Aayain ko uli si Grey kahit milyong beses na niya kong tinatanggihan. Hindi ko alam pero ginagampanan ko lang ang responsibilidad ko sa kanya bilang asawa.W ala naman sigurong masama roon hindi ba? Mukhang naiisip ko na ang mga susunod na mangyayari mamaya. Aayain ko siyang kumain tapos tatanggihan na naman ako. Mamaya na lang, busog pa ako, hindi ako gutom, kumain na ako ano kaya diyan ang mga isasagot niya? Tapos susungitan pa ko tsk tsk .Basta dapat pilitin ko siya mayroon din akong naiisip bukod roon gagawan ko siya ng trap. Napailing na lamang ako as if naman kakagatin niya yon but to think na no vampire can resist a blood . Bahala na mamaya.
Grey's POV
"Grey nagluto ako ng dinner kain tayo?" Napatigil ako sa pagaayos ng neck tie ko nang marinig ang kanyang boses.
Ilang beses ko bang ipamumukha sa kanya na ayaw ko kumain kahit siya pa ang nagluto . Hindi iyon ang gusto ko.
"Mamaya nalang" sagot ko sa malamig na tono.
Lumapit naman siya sakin.
"Aalis ka nanaman ? Saan ka pupunta?" tanong niya at inagaw ang neck tie sa pagkakahawak ko at siya na ang nag ayos.
"Sa trabaho san pa ba?" sagot ko.
Napatingin ako sa kanya. Matangkad ako sa kanya ng kaonti.
I can smell her sweet scent especially the scent of her blood. Gusto ko siyang kagatin ngunit kailangan kong pigilan ang aking sarili.Ibang iba ang amoy ng dugo niya sa pangkaraniwang tao. Masyadong espesyal. Tinignan ko siya sa mga mata dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko na lamang siyang atakihin.
Mga mata niyang itim na itim, mala kulay rosas niyang mga pisngi, mapulang labi, napaka among mukha at napakagandang hubog ng katawan. Kung makikita siya ng Goddess Aphrodite ay malamang na magagalit ito sa kanya dahil dadaigin niya ito sa ganda.
Napapikit ako. Tila ba sinusubukan ako ng aking sarili.Diretso kong naaamoy ang kanyang dugo.
"Sa trabaho?Ganitong oras? Gabi na ganyan ba ang oras niyo?" tanong niya ulit at hinawakan yung gilid ng labi ko.Kinuha ko ang kamay niya at inilayo saka binaba.
She ask so many questions na halos lahat tinatanong. Napatingin ako sa orasan ala sais na. I need to go.
"Zillione, I'm the boss and I can go to work whenever I want understand? I got to go," sabi ko sa kanya at tumalikod na
"Uuwi kaba?" tanong nito
Zillione POV
"Uuwi kaba?" tanong ko .
"Yes," sagot niya ng hindi man lang humaharap sa akin at bumaba na . Kung ako ang tanong siya lagi ang sagot.
Sumunod ako sa kanya pababa.
"Grey, can you taste the food I cooked?" tanong ko
Nagisip ito ng saglit bago sumagot.
"Where?" tanong niya sa akin.
Tila ba nagkaroon ng buhay ang aking loob sa sinagot niya.
Hinatak ko naman siya agad sa kusina .
Nasa harap namin ngayon ang dalawang mangkok. Isang adobo at isang hilaw na dugo. Sinadya ko talaga na tabihan ng hilaw na dugo ng baboy. Hinawakan niya yung kutsara at akmang sasalukin yung hilaw ng dugo pero biglang napatigil.
Nakatingin lang ako sa bawat kilos niya at hinihintay ang susunod niyang gagawin.
"Gross," sabi niya at tinikman naman yung adobo.
Nabuhayan ako ng kaonting pag asa sa sinabi niya ngunit ang buhay na ito ay tila maliit na apoy ng kandila na hinihipan pa ng hangin. Walang kasiguraduhan at maari pang mamatay ng tuluyan.
“Kamusta ang lasa?” tanong ko rito.
“Walang lasa,” sabi nito at binaba na ang kutsara saka lumabas ng kusina.
Napakunot ang noo ko at agad tinikman ang adobo.
Masarap naman ha. Alam kong hindi ako kagaling magluto pero masarap naman siya. Sumalok uli ako ng isang kutsarang sabaw saka tinikman upang makasiguro. Tsk pasado naman sa akin ang lasa nito.
Masyado namang mataas ang standard ng lalaking iyon.
Lumabas naman ako ng kusina upang ihatid siya paalis ngunit pag labas ko ay nakalabas narin ang kotse niya. Nagsasara na siya ng gate.
Napatingin pa ito sa akin bago tuluyang isara ang gate namin.
Umakyat na ako matapos kong kumain.Inilagay ko ang natirang ulam sa ref.Ngayon ay nasa sa kwarto na namin ako.
Hihintayin ko siya bumalik.
>>>>Fast Forward
Mag uumaga na pero wala pa rin si Grey. Akala ko ba ay uuwi siya? Sabagay wala naman eksaktong s**o tang sinabi niya at hindi rin eksakto ang pagkakatanong ko sa kanya. Oo uuwi siya pero walang sagot kung kailan. Maaaring bukas o mamaya or sa isang linggo o kaya naman ay sa susunod na buwan. Napipikit na yung mga mata ko sa antok. Dalawang kape na rin ang nainom ko gusto ko uli kumain dahil nagugutom na ako .
Maya Maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto kaya napaayos naman akong bigla. Hindi ko man lang napansin na dumating na pala siya. Ni' hindi ko narinig ang pagbukas ng gate at ang makina ng kanyang kotse.Siguro ay dahil sa antok ko.Pumasok si Grey at lumakad patungo sa higaan. Tumingin lang ito sakin at pagkatapos humiga na. Yun lang? Wala man lang I’m home? Or goodmorning? O hindi niya ba ako tatanungin kung bakit gising pa ako? Sabagay paano niya namang malalaman na hindi ako natulog kung di niya naman alam na hindi pa ako natutulog pwede niya akong tanungin bakit ang aga kong gumising pero late naman lagi siya ng gising kaya di niya alam kung anong oras ba talaga ako gumising. Talagang hindi palatanong itong lalaki na ito unti unti na naman tuloy akong nagtataka. Hindi ba siya nagtatanong dahil wala siyang pakialam or hindi niya talaga ako tinatanong sa mga bagay bagay dahil alam na niya. Agad akong napatingin sa kinaroroonan ni Grey. Malinis ang mukha nito at walang bakas ng kahit ano di tulad nung isang gabi. Matiwasay na itong nakapikit at natutulog.
Siguro ay iidlip muna ako at oras na siguro upang sundan siya mamaya para malaman ko kung saan ba talaga siya pumupunta.Kung sa kompanya nga ba niya o sa iba. Imbes na misyon ang naiisip ko ay ibat ibang mga bagay ang naiisip ko. Hindi kaya sa gabi nasa ibang bahay siya?S a babaeng tunay niyang mahal? At sa umaga uuwi siya sa akin? I mean sa bahay niyang totoo.Ano ba Zillione walang kinalaman yon. Dahil siya ang primary suspect niyo isa lang ang dahilan na dapat isipin. Sa umaga siya umuuwi upang magpahinga at sa gabi siya lumalabas upang mambiktima ng mga tao. Bakit? Dahil isa siyang bampira.