THIRD PERSON POINT OF VIEW Matalim ang mga mata na nakatitig si Misti sa mga nasa baba nila ngayon. Na sa loob sila ng isang malaking salamin na hugis tatsulok na hindi ganoon kataasan. Kumbaga ay lugar iyon upang obserbahan ang mga nangyayari sa loob ng white room. Tinignan niya ang mga bampirang nakaluhod habang mga nakagapos. Hindi niya akalain na may koneksyon si Zillione sa mga lahing ito. Hindi niya rin inaakala na ang isang Zillione Trinix ang siya pang magtratraydor sa kanila dahil sa pagkakaalam niya ay isa ito sa mga may pinakamatinding galit sa mga bampira. Ayaw niya sanang sayangin ang isang tulad ni Zillione dahil katangi tangi ang lakas nito ngunit kung hindi ito susuko at kung hindi magbabago ang isip nito ay wala na siyang magagawa kundi kasama siyang patayin. Nar