Third POINT OF VIEW Napahawak ang isang babae na may itim na buhok na nakatali ng patatirintas sa kanyang lalamunan. Uhaw na uhaw siya ngayon at hindi malaman kung paano papawiin ang uhaw na iyon. Ang kanyang mata ay mga pula habang nasisinagan ng maliwanag na buwan. May bahid ang kanyang gilid ng labi ng dugo. Hindi sapat ang dugo ng hayop na kanyang ininom at alam nila na kahit ilang hayop pa ang kanilang paslangin at katayin ay hindi nito mapapawi ang kanilang uhaw. Kailangan nila ng dugo na magpapawi sa kanilang uhaw. Hindi dugo ng hayop ngunit dugo ng isang tao. Napakamot ang kasama niyang babae na mahaba ang buhok at kulay abo. Ang buhok nito hanggang sa kanyang bewang. Katulad niya ay pula rin ang buhok nto. Kamot ito ng kamot sa balat habang nakalabas ang matutulis na pangil. “D