CHAPTER 4

1376 Words
Jake's POV " Ohh, Hi! Rico. Napatawag ka.?" " Pare! pwede ba tayo'ng mag usap importante lang." " Pare! Busy ako ngayon e. About saan ba 'yan.?" " Pare!, Urgent ito e." Bakit parang balisa ata itong si Rico, Base sa boses niya. " Okey! sige Pare, Mag kita tayo mamayang dinner." Naalala ko nanaman ang babaeng 'yon Savannah, 'yon ang pangalan niya naalala ko nang gabing 'yon.Game na game siya sa kasal-kasalan namin.At kilala pala nito si Rico, Ang kaibigan kung Judge.Mukhang problemado ang babaeng 'yon nung gabing mangyari ang lahat nang 'yon. Kaya siguro madami itong nainom pumayag agad ito makasal kami kahit na biruan lamang at noon lang niya ako nakita at nakilala. Ngunit kahit biruan lang ang kasal na 'yon parang totoo na din.Akala ko Game na game siya di ko naman akalain na Ako pala ang makakauna sa babaeng 'yon. Nagpasama lang itong pupunta sa restroom pero mukhang nahihilo na ito kaya inakit ko siyang sa hotel na lamang kami tumuloy. Pumayag naman siya agad ang akala ko nga gawain ng babaeng 'yon ang sumama kung kanino lalaki lang.Laking gulat ko na lang na virgin pa pala ito. Pati ang paraan niya ng paghalik ay halatang 'di ito bihasa.Wala na akong nagawa dahil sobrang naakit din ako sa babaeng 'yon. Bukod sa maganda ito maganda din ang katawan nito.Halos perpekto ang shape ng katawan niya. Alam kong nagulat siya ng magising ito mukang 'di niya alam ang mga pinag gagawa namin. Dahil siguro sa sobrang kalasingan ang totoo 'di ako masyado lasing no'ng time na 'yon. Talagang na attract lang ako sa babaeng 'yon.Ilang araw na ang lumipas pero 'di man lang ito tumawag sa akin siguro wala lang sa kanya ang namagitan sa amin. Pero 'di pa rin mawala sa isip ko ang mukha niya gabi-gabi ko itong napapanaginipan. Kamukha nito si Liza Soberano, Isang sikat na actress.Medyo nakonsensya din ako paano kung may boyfriend na ito at malaman na 'di na ito virgin. Haizt bakit ko ba iniisip nanaman ang babaeng yon.Napailing iling na lang ako at itinutok ko na ulit ang attention sa aking laptop. " Pare!, Ano ba 'yon importanteng bagay na 'yan." Ano ba itong si Rico, Parang tanga lang ang mukha 'di mapakali may hawak itong brown envelop. " Hoy! Pucha naman Rico ano ba!. Kanina ka pa ganyan ano bang nangyari pare may problema ba.?" " Pare!, Sorry sobrang sorry talaga 'di ko naman akalain na aabot sa ganito e." Biglang kumunot ang noo ko ng iaabot nito ang brown envelop sa akin. Agad ko naman itong kinuha sa kamay ni Rico. " Naku! Naku! Pare,sorry talaga pero Wag kang mag alala gagawan ko ng paraan 'yan para mapawalang bisa agad." Nagulat ako ng makita ang isang marriage certificate at legit 'yon. 'Di ako makapaniwala na totoo ang kasal namin ni Savannah.Napangiti ako bigla 'di na ako makokonsensya sa nangyari sa amin nung gabing 'yon dahil totoong kasal kami.Ang tanging kailangan kong gawin ay hanapin ang babaeng 'yun. " Pare! Are you okey? Bakit naka ngisi ka pa 'di ka ba galit.?" Napatingin naman ako kay Rico,na mukang kabado pa rin. " No! pare atleast 'di na ako makokonsensya sa ginawa ko." Muka nagulat naman ito sa sinabi ko.Nanlaki pa ang mga mata nito na nakatingin sa akin. " Anong ibig mong sabihin pare.! Ohh My!!, Anak ng titing pare wag mong sabihin may nangyari sa inyo ni Sab." " Alam mo ba pare ilang araw na ako nakokonsensya dahil 'di ko naman akalain na virgin pa ang babaeng 'yun sa edad niya kasi Twenty seven at sa mga kinilos niya nung gabing 'yun akala ko game na game siya.Maalay ko bang inosente pa 'yun sa mga ganoong bagay." " Gago ka talaga pare!. Lasing lang si Sab, no'n 'di 'yun mahilig gumimik birthday daw ni Sab, nung gabing 'yun. Pare gago ka talaga May boyfriend 'yun.Ibig sabihin to-torpe torpe talaga itong si James." Bigla ako nainis ng marinig na may boyfriend pala talaga ang babaeng 'yun. Sabagay sa ganda at sexy nito 'di malabong may nobyo na siya.Pero sorry na lang sa Boyfriend niya ako nauna kay Savannah at asawa ko na ito. " Well sorry na lang sa boyfriend niya.Syaka pare ginawa naman namin 'yun e kasal na kami diba Teka paano pala nangyari na naging totoo ang kasal kasalan na 'yan." "Kasi pare 'di ba galing ako sa opisina nung araw na 'yun. May kinasal ako lima bago dumeretso sa bar. e dala ko pa rin yung mga papeles ko nagkataon na may natira akong registration form para sa marriage contract.Ang kunwari kasal kasalan niyo na pinirmahan niyong dalawa at ng mga kaibigan niya at ang tropa na naging saksi e napasama nga sa files ko kaya ayon na-iregester ng secretary ko sa munisipyo." " Kung ganon pare totoo talaga kasal kami ni Savannah." Sumilay ang ngiti sa aking labi.Hindi ko alam pero masaya akong malaman totoo ang kasal na 'yon. " Oo pare mukang ang saya mo naman ata loko ka talaga. Kabadong-kabado pa naman ako handa na nga ang mukha ko para masapak mo e. Tapos tuwa ka pa pare wag mung sabihin gusto mo si Sab." " Well maganda siya pare and 'di ba problema ko ang fix marriage na ginawa ng parents ko ngayon 'di na nila ako mapipilit basta basta. Ang kailangan ko lang makausap ko si Savannah." Tumango tango lang si Rico alam ng tropa na ayaw ko sa fix marriage na ginawa nang magulang ko.Ayaw ko makasal sa babaeng 'di ko mahal at gusto.Kahit biglaan lang ang kasal namin ni Savannah aaminin kong na attract talaga ako dito una ko pa lang ito makita sa bar.Ewan ko pero may kakaiba ako nararamdaman sa babaeng 'yun na 'di ko maipaliwanag. " So paano 'yan pare pag nalaman ni Sab ang tungkol sa kasal na 'yan. Tingin mo ba papayag siya baka magwala 'yon pare.Strikto pa naman ang magulang non ang pagkakaalam ko sabi ni Drick, solong anak si Savannah." Bigla ako napaisip sa sinabi ni Rico. Paano ko nga ba ipapaliwanag ang kasal namin na totoo pala.pero sa sinabi ni Rico na estrikto ang magulang nito may naisip na agad akong paraan para mapapayag ito sa mga gusto ko. " Gago ka talaga Rico!. Kasama ka sa problemang ito noh!. Kaya tutulungan mo ako mapalapit kay Savannah." Napatingin naman ito sa akin na habang nagtatanong ang mga mata.Alam ng tropa na mahilig ako sa babae siguro nagtataka ito kung bakit ako masyado interesado kay Savannah. " Wait lang pare 'di ko magets dont tell me gusto mong ituloy ang kasal niyo na ito. Paano kung ayaw ni Sab may boyfriend yung tao pare." "kaya nga tutulungan mo ako pare na mapalapit kay Savannah eh.Pag nalaman niya sabihin mo 'di ganun kadali ang mapawalang bisa ang kasal namin.Syaka sino ba yang boyfriend niya siguro naman mas mayaman ako sa lalaking 'yun." Kung sino man ang Boyfriend niya na 'yun sorry siya pero akin lang ang Asawa ko.Napailing nanaman si Rico alam na nito ang mga pinaplano ko at alam kong tutulungan ako nito. "Haist! okey okey pare kung 'di lang kita kaibigan talaga ohhh. Aalamin ko kay Drick kung saan nakatira si Sab para makausap natin siya." Ang tinutukoy nitong si Drick ay ang pinsan ni Sab mas matanda ako ng tatlong taon kay Sab. sa barkada tatlo na ang pamilyado at tatlo din ang single pa rin at isa na ako doon. "Thank you pare!. Buti na lang na-irehistro yang kasal na 'yan." Ewan ko pero parang nagbunhi ang kalooban ko ng malaman na tunay ang kasal namin ni Savannah.Totoong asawa ko pala ito. "Siraulo ka talaga pare ha ha d'yan ka na nga baka iniintay na ako ni leslie. " Si leslie ang Asawa nito na parang tigre sa katarayan .Ito lang ang nakapagpatino sa gagong barkada kong ito kung babaero ako mas lalo na itong si Rico. Buti na lang nagbago na ito simula ng makilala si Leslie. "Akin ka na Savannah." Wika ko sa aking sarili. Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko para mapalapit sa babaeng 'yun. Hindi na rin ako mapipilit ng mga magulang ko maikasal sa babaeng hindi ko gusto.Ang tanging kailangan kong gawin ay mapalapit kay Savannah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD