CHAPTER 3

1642 Words
Savannah’s Hay, lokong James na ‘yun talagang inuubos niya pasensya ko, huh. Hindi pa rin niya ako tinatawagan. Ano gusto niya? Ako manunuyo sa kanya? Pwes, hindi, no! Sa loob ng limang taon ngayon lang niya nakalimutan ang Birthday ko. Bahala nga siya sa buhay niya! Hindi ako mag-me-message sa kanya, bahala siya manigas. Pero hindi ko rin natiis, kinain ko rin ang sinabi ko dahil nag-text pa rin ako pero dumaan na ang isang oras wala pa rin itong reply sa akin. Nag-try akong tawagan ito pero wala pa rin. Hindi niya sinasagot. Nakakainis na talaga siya! Bahala na talaga siya sa buhay niya! Hay! Napatigil ako sa pag-iisip nang may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko. "Hello, Darren, napatawag ka?" "Hi, Savannah. Busy ka ba today? Magpapasama sana ako sayo sa mall, eh." Aba ano naman kaya ang naisipan ng isang ito at ako ang inakit? Bakit hindi ang magaling niyang kaibigan na si James ang tinanong niya? "Darren, kasi nag-aayos na ako ng gamit pabalik sa Condo ko, eh. Sa iba ka na lang magpasama. Sorry." Ewan ko pero parang may naamoy ako rito kay Darren. Masyadong mahinhin kalalaking tao tapos never pa nagka-girlfriend. Minsan iniisip ko kung bakla ito, eh. Pero kung titingnan naman siya lalaking-lalaki ang itsura niya. Bestfriend ito ni James at sila ang laging magkasama. Daig pa nga nila ang mag jowa dahil parati silang magkasama. Siguro ganu’n talaga kapag mag-bestfriend hindi mapaghiwalay. "Sige na, Sab. Samahan mo muna ako. Madali lang naman tayo. Gusto mo ihahatid pa kita sa condo mo pagkatapos?” Hay, mukhang mangungulit lamang ang isang ito. Sige na nga at masamahan na. "Okay, sige na payag na ako. Sunduin mo na lamang ako rito sa bahay." "Okay, Sab. Papunta na ako diyan. Salamat,” masaya nitong paalam. Inayos ko na ang iba ko pang mga gamit dahil linggo na ngayon at bukas simula na naman ng trabaho. Hay, matatagalan na naman ata ang pag-uwi ko rito at panigurado tambak na naman ang trabaho ko. Mabuti na lang at hindi na gaano masakit ang katawan ko. "Teka, akala ko ba pupunta tayong mall, Darren? Ano ginagawa natin dito sa park? Pinagloloko mo ba ako?” Nagtaka ako at dito ako dinala ni Darren sa park. Ano naman ang gagawin namin dito? Aba, loko talaga ang isang ‘yun imik ako ng imik wala na pala sa likod ko. Tatalikod na sana ako nang bigla namatay ang lahat ng ilaw. Kinilabutan ako at baka may multo rito sa park. Wala ako makita at talagang madilim. Naku naman, bwesit na Darren ‘yun. Malilintikan talaga ‘yun sa akin mamaya. Hahakbang na sana ako nang biglang may nagliwanag sa likod ko na naging dshilan kung bakit kaagad ako lumingon at ganu’n na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang isang malaking screen kung saan may record video na puno ng mga pictures ko at meron din doon na kasama ko si James at pareho kaming nakangiti habang tumutogtog naman ang favorite namin kantang ‘Ikaw at ako’. Bigla na lang may nagsalita at nakita ko roon si James na nakangiti sa akin. "Babe, alam kong naiinis ka sa akin dahil akala mo nakalimutan ko ang special na araw mo. Hindi, babe. Sinadya kong hindi ka batiin dahil gusto ko ako ang huling babati sa’yo ng happy birthday. Gusto ko na malaman mo na mahal na mahal kita. Salamat sa lahat ng pagtitiis at sa lahat ng mga pagkukulang ko na inintindi mo. Salamat dahil lagi kang nandiyan sa tabi ko handang suportahan at alalayan ako. Salamat dahil may isang ikaw para sa akin. " Hindi ko mapigilan mapaluha ng very light dahil sa sinabi ni James at dahil na rin siguro sa pa-surprise ng mokong na ito. Maya-maya ay unti-unti itong lumapit sa akin at bigla na lang ito lumuhod sabay ng pagluhod nito ang pagtulo ng mga luha niya. "Babe, hindi ko na papatagalin pa. Will you marry me?" Hindi kaagad ako makasagot dahil parang umurong bigla ang dila ko pero nalinawan din ako ng magsigawan ang mga tao sa paligid. "YES, BABE! YES NA YES!" Lalo pang lumakas ang sigawan ng mga tao at nandoon din pala ang mga kaibigan ko at kaibigan ni James pati na rin ang aming mga magulang kaya pala sabi ng kasambahay namin wala sila Dad at may pupuntahan raw. Iyon naman pala rito ang punta nila. "I love you, babe, so much,” wika ni James sabay halik sa noo ko. Oo sa noo na naman. Laging sa noo niya ako hinahalikan. Kakainis nga pwede naman sa labi pero sa loob ng limang taon laging sa noo niya ako hinahalikan. Ano ako, lola? Na kapag hindi sa noo sa pisngi? O baka sadyang nirerespeto lamang ako ni James? "I love you too, babe." Kinuha nito ang kamay ko at inilagay doon ang may diamond na singsing at saka niya ako niyakap ng mahigpit. Bigla rin nag-unahan ang maraming fireworks na kay gandang pagmasdan. "Congrats, friend,” bati ng mga kaibigan namin at ganun din ang mga magulang namin na parehas may mga ngiti sa mga labi nila. "Thank you, friend. Grabe kayo. Bakit hindi niyo sinabi sa akin na may ganitong pa ek-ek pala itong si James?” "Ay, naku, friend kanina lang din namin nalaman, noh. So, paano ba yan, friend, malapit ka na ikasal again.” Napatingin naman ako kay Carol. Anong again na sinasabi nito? Hindi pa naman ako nakakasal sa tanan ng buhay ko. Ngayon pa lang sana at kay James ‘yun na matagal ko ng nobyo. "Oh. Bakit, friend, limot mo na ba na kinasal ka noong isang gabi? Para ka ngang ewan that time, eh. Ikaw pa itong atat na atat makasal. Hindi ba, Jhen, Luzil?” sambit ni Carol na tawang-tawa. "Oo nga girl at take note, huh, ang gwapo ng kunwaring asawa mo nu’ng gabing ‘yun,” gatong na sabi ni Luzil at tumawa rin. ‘Di ko alam kung matutuwa ba ako sa mga pinagsasabi ng mga ito o maiinis. Anong kinasal ako at sa gwapong lalaki pa? "Teka nga. ‘Di ko kayo ma-get, eh. Ano bang pinagsasabi niyo? Anong kasal? Anong gwapong lalaki?” nakakunot noo kung tanong sa tatlong bruhang ito at kung makangisi kasi ang tatlo parang kilig na kilig pa. "Ay, si Ateh. Limot nga siguro sobrang lasing ka na kasi, eh. Ang wild mo, girl. Talagang sumama ka pa kay kuya na gwapo." "Oo nga, iniwan mo na kami at umalis na kayong dalawa. Sabi mo pa iihi ka lang, eh, pero hindi ka na bumalik." "True, girl, at buti na lamang ang gu-gwapo ng mga kaibigan nu’n si fafa pogi, girl. Makalaglag panty din,” malanding tinuran ni Jhen. Hindi na ako nakatiis at hinila ko ang tatlo kong kaibigan sa isang tabi habang abala naman si James sa pakikipag-usap sa mga magulang niya at magulang ko na syempre kasama na naman ang bestfriend niyang si Darren. Epal talaga, parang tuko ang isang ‘yun. "Hoy, kayong tatlo, ano ba sinasabi niyo? Wala ako maalala that night, okay? Ano bang nangyari ng gabing ‘yun? Pakipaliwanag nga, aber." Nakataas pa ang isang kilay ko na ikinatuwa ng tatlo kaya naman lalo tumaas ang kilay ko sa inis. "Hay, ewan ko ba. Bakit naging kaibigan ko pa kayong tatlo? Diyan na nga kayo!” Bigla naman ako hinila ni Luzil. "Okay, okay. ‘Wag ka na magalit, soon to be bride. Okay? Ganito kasi ‘yun. Nagpa-party-party na tayo kagabi tapos may isang lalaking lumapit sa’yo na lasing na rin at muntikan kana mabastos, girl, pero buti na lang at dumating itong si kuya pogi na makalaglag panty,” kwento ni Carol. Ano ba itong si Carol puro na lang si makalaglag panty. Kapag lang talaga hindi ‘yun gwapo, yari ito sa akin talaga then bigla naman ako may naalala. Hindi kaya ang sinasabi nito ay ‘yung lalaking manyak na kasama ko sa hotel? Bigla ako kinabahan. Naalala ko na may sinasabi rin ang lalaking ‘yun na game na game raw ako at ang mga kaibigan ko. "Teka, ang sinasabi mo ba na lalaki ay ‘yung matangos ang ilong na medyo kulot ang unahang buhok na may balbas na manipis lang. Maganda ang mga mata na kulay dark brown at ang mga labi ay mapupula pa, heart shape ang itaas at makapal ang ibabang labi?” "Tumpak friend at matcho rin siya, friend, ang hot niyang tingnan. Naku, walang sinabi ‘yang si James mo doon kay pogi,” sagot ni Carol at tumawa. "Grabe ka sa future husband ko, huh. Sabunutan kaya kita babae ka, gusto mo?” Buang na ata itong kaibigan ko tumawa lang ng tumawa at nag-peace sign pa. "Sorry naman, gurl, talagang mas pogi kasi ‘yung asawa kuno mo kagabi, eh." Ayan na naman si asawa, ano ba sinasabi nila? "Ano ba ‘yang asawa na ‘yan, huh? Paulit-ulit naman kayo, eh,” naasar kong sabi. "Gurl, kasi kinasal kayo kagabi. Iyon hindi mo ba talaga maalala? Ang nagkasal pa nga sa inyo ay si Rico, e. Remember Rico, ‘yung classmate ng pinsan mo na ngayon ay judge na rin? Nagkataon na kaibigan ‘yun ni kuyang pogi so ayun kinasal kayo kagabi tapos kami kunwari ang saksi." "Whatttt!!! Totoo ba ‘yan? Lagot na paano kung totoo ‘yung kasal na ‘yun? Ano ba yan nakakainis naman,” nagpapanik kong sabi. Napakamot ako sa batok ko nang bigla naman dumating si James at si Darren kaya nagseryoso na ang mga kaibigan ko. Kailangan ko malaman kong totoo ba yung kasal na ‘yun pero sa isang banda mukhang hindi naman siguro ‘yun totoo. Hindi naman mukhang tanga ‘yung lalaking ‘yun para pumayag na makasal sa babaeng hindi niya kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD