03

1140 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Serkan, anong nangyari? Bakit puro sugat ka?" tanong ng babae na nasa 20s pa lang at tumakbo palapit sa batang lalaki na nasa anim na taong gulang. Isa na lang ang suot nitong tshinelas. May pasa sa mukha at puno ng galos. Lumuhod ang babae at hinaplos ang pisngi ng anak. "Iyong mga bata sa labas mama. Lagi nila sinasabing bayaran ka na babae. Wala akong ama dahil kaladkarin ka na babae. Kung sinu-sino daw na lalaki ang kasama mo," ani ng batang si Serkan. Naitikom ng babae ang bibig at niyakap ang anak. "Sa susunod huwag mo na sila pansinin okay?" ani ng babae. Umiyak ang batang lalaki at sinabing hindi siya papayag na ganunin na lang ang ina niya ng ibang tao. Lumambot ang expression ng babae matapos marinig iyon galing sa anak. Para mabuhay ng babae ang kaisa-isang anak at makakain. Kailangan ng babae pumasok ng tatlong magkakaibang trabaho. Janitress sa umaga, magtitinda ng bulaklak sa hapon at waitress sa gabi sa isang bar. Hindi totoong binibenta niya ang katawan sa pera. Iniingatan pa din niya ang dignidad para sa anak at ayaw niya buhayin ang anak gamit ang pera na galing sa maduming paraan. Nagsisikap siya kahit sobra ng pang-aabuso iyon sa katawan niya. Pinatahan ng babae ang anak. "Serkan." "Oy tanda!" Napaupo ayos si Serkan matapos marinig ang boses ni Lucinda. Napalabas siya ng sasakyan matapos makita ang babae sa labas ng sasakyan. "Kanina pa kita tinatawag akala ko patay ka na," ani ni Lucinda na ngayon ay naka-cross at at nakatingin ng masama kay Serkan. Umikot ang butler patungo sa backseat at binuksan ang pinto para kay Lucinda. Sinabi ni Serkan na nakatulog siya sa paghihintay matapos ang klase ng babae. Halos 3 minutes na nakatayo si Lucinda sa labas ng sasakyan dahil wala sa kaniya nagbubukas ng pinto at hindi bumababa si Serkan. Pumasok si Lucinda sa sasakyan at napairap na lang. Hindi na siya nagsalita. Baka kasi mainit pa ang ulo ni Serkan siya ang mapagbuntunan o hindi matuloy ang gala nila sa araw na iyon. Pagkasara ni Serkan ng pinto. Napatingin si Lucinda matapos may lumapit na babae sa sasakyan nila. Kilala ito ni Lucinda— isa ito sa mga empleyado ng ama niya. Nagtaka si Lucinda kung ano ang ginagawa doon ng babae. Kinausap nito si Serkan. Lumingon si Serkan sa sasakyan. Tinted iyon at hindi naririnig ni Lucinda ang pinag-uusapan sa labas since medyo malayo ang dalawa sa sasakyan at mahina ang boses ng dalawa. Napataas ng kilay si Lucinda matapos makitang tumawa iyong babae. "Itong matandang ito. Nagawa pa makipaglandian sa oras ng trabaho," ani ni Lucinda na biglang nairita. Sa inis ni Lucinda hinampas niya iyong bintana. Gumawa iyon ng ingay— napatingin si Serkan na nagpaalam na din sa kasama nitong babae. Lumapit si Serkan sa sasakyan at umikot. Binuksan ang driver seat at sumakay. "Kailangan ba natin dumaan sa hospital your highness?" ani ni Serkan. Nagingilid ang luha ni Lucinda habang hawak ang kanan na kamay. Hinampas niya ang bintana. "f**k off! Huwag mo ako kausapin!" galit ma sigaw ni Lucinda. Napa-pokerface si Serkan. Minsan hindi niya maintindihan ang isip ng mga kabataan sa mga panahon na iyon. Nag-drive na palabas ng university. May tinahak na daan si Serkan na hindi naman pamilyar kay Lucinda. "Oy tanda. Hindi mo naman ako isa-salvage dahil inistorbo kita sa pakikipaglandian mo kanina diba?" tanong ni Lucinda. Pakaunti kasi ng pakaunti ang mga tao. "Kapag ba nakipagusap ako sa babae pakikipaglandian agad iyon? Kung balak kitang i-salvage noong isang linggo ko pa ginawa iyon— hindi ako maghihintay ng mahigit walong oras sa labas ng school niyo," ani ni Serkan. Napatigil si Lucinda matapos huminto ang sasakyan sa isang bakanteng lote. Binuksan ni Serkan ang pinto. Kumunot ang noo ni Lucinda at tiningnan si Serkan. "Anong ginagawa natin dito?" ani ni Lucinda. Bumuga ng hangin si Serkan at sinabing kailangan ni Lucinda magbihis. "Pagbibihisin mo ako dito? Are you out of mind!" bulyaw ni Serkan at lumabas. Medyo maraming tambay doon— napayakap si Lucinda sa katawan niya. "Malapit lang dito iyong bahay ko. Doon ka magbibihis. Wala akong sinabing dito," pagtatama ni Serkan. Tumingin siya sa side ng mga tambay. Napa-pokerface si Serkan at inaya si Lucinda. "Walang makakagalaw sa iyo dito. Tara na," yaya ni Serkan. Tinungo niya ang compartment ng sasakyan. Binuksan iyon at nilabas ang mga susuutin ni Lucinda. Nagtago si Lucinda sa likod ni Serkan. Lumapit iyong mga tambay na nandoon. "Pareng Serkan. Nawala ka lang may anak ka na— mukhang mayaman nadawit mo ah," ani ng isa sa mga ito. Sinara ni Serkan ang compartment. "Hey! Mukha ba kaming magkamukha!" bulyaw ni Lucinda habang nakatago sa likod ni Serkan. Tiningnan sila ni Serkan. "Anak ito ng boss ko," ani ni Serkan. Tumawa ang dalawa sa mga ito. "Kinidnap mo ba? Magkano palitan? Baka naman maaari kami makihati," ani ng isa sa dalawa at ngumisi. Tinulak ni Serkan ang mukha ng isa sa tatlong lalaki at nilampasan ito. "Huwag niyo siyang pag-interesan," ani ni Serkan. Sumunod si Lucinda kay Serkan. Natatakot si Lucinda sa mga lalaking iyon dahil mukha siyang hinuhubaran ng mga ito sa tingin. Lumapit sila sa isang maliit na bahay na gawa sa tabla at yero. Napangiwi si Lucinda. "Bahay ba ito ng aso o kabayo?" tanong ni Lucinda. Maliit iyon at pangit ang tiyura. "Bahay ko ito. Kung ayaw mo pumasok diyan para magbihis. Dito ka na lang sa labas magbihis at hayaan mong panoorin ka ng mga adik dito sa kanto," banat ni Serkan. Nilingon ito ni Lucinda at gusot ang mukha na sinigawan ito. "Bakit kasi dito mo ako dinala! Bakit hindi sa shop o sa mall!" sigaw ni Lucinda. Hinilot ni Serkan ang bridge ng ilong. "Binilin ng daddy mo na huwag kang ilabas ng walang disguise. Hindi ka pwede magpakita sa maraming tao na naka-uniform," sagot ni Serkan. Inagaw ni Lucinda ang paper bag. "Ngunit ayoko dito! Ang baho at super dumi!" reklamo ni Lucinda. Nagsukatan sila ng tingin ni Serkan. "Magbibihis ka dito bata o hindi na tayo aalis?" tanong ni Serkan. Naitikom ni Lucinda ang bibig. "Gurang! Hindi ako bata!" bulyaw ni Lucinda. Pumasok ito sa nakabukas na pinto. Napakamot sa likod ng ulo si Serkan. Napaisip si Serkan kung gaano nga ba kagusto ni Lucinda pumunta sa labas. Bakit gustong-gusto nito ma-experience katulad ng mga normal na tao na nakikita niya sa labas? "Ang batang iyon— hindi ko talaga siya maintindihan madalas." Tumalikod si Serkan sa nakasara na pinto. Tinanggal niya ang suot na necktie at coat. Binuksan din nito ang tatlong butones ng suot nito na puting longsleeve at ginulo ang buhok niya. Tinupi niya ang longsleeve niya hanggang sa siko at tumingin sa paligid. Maya-maya narinig na lang niya tumili si Lucinda. "Serkan! Kyaah!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD