Chapter 02
3rd Person's POV
"Happy birthday!"
Nanatiling nakaupo ang batang si Lucinda sa gitna ng napakaraming mga regalo. Mamahalin na mga toys, dress, jewelries and shoes. Kinantahan siya ng happy birthday ng mga maids, butlers at mga body guard niya.
Nakangiti ang mga ito— kumakanta at binabati siya ngunit sa paningin ni Lucinda para lang itong mga manequin at mga robot.
Walang buhay, walang pag-asa at sincerity. Binaba ng batang babae ang paningin. Tumayo ito— kinuha ang isang music box.
Binato iyon na naging dahilan para manahimik ang lahat. Biglang umiyak si Lucinda at sumigaw na gusto niya makita ang parents niya. Ang pangit ng kanta nila at iba pa. Ayaw niya sa mga ito.
Nagwala ang batang babae dahil sa sobrang frustration. Ayaw niya lahat ng iyon gusto niya makita ang mommy at daddy niya.
"Young lady, kumalma ka please," ani ni Marielle ang katulong na nagpalaki kay Lucinda. Nag-iiyak ang bata at paulit- ulit na tinanong kung uuwi ba ang parents niya.
"Pasensya na young lady ngunit nagbigay ng email ang daddy at mommy mo. Nasa Italy si Mr.Lucero dahil sa business trip niya nasa america naman si Mrs.Lucero para sa taping ng bagong movie niya," ani ni Marielle. Mas lalong umiyak ang batang babae. Gusto niya makita ang mommy at daddy niya.
Sumandal si Lucinda sa sandalan ng upuan at tumingin sa labas. Mula sa loob ng sasakyan nakita niya ang isang pamilya. Naglalakad ang mga ito magkahawak kamay.
"Old man, may asawa ka na ba at anak?" tanong ni Lucinda sa driver niya which is si Serkan.
"Wala," sagot ni Serkan. Napatigil si Lucinda at tumingin sa direksyon ni Serkan.
"Hindi ba masyado ka ng napag-iiwanan ng panahon? Wala ka bang balak mag-asawa?" tanong ni Lucinda. Bigla siyang na-curious.
"Kapag nakatira ka lang sa kalsada kahit maligo at magpalit ng damit hindi mo na maiisip tapos tatanungin mo ako kung may balak ba ako mag-asawa," ani ni Serkan na natatawa. Umismid si Lucinda at nag-cross arm.
"Masama ba magtanong?" banat ni Lucinda at tumingin muli sa labas. Ang haba ng traffic.
"Nabo-bored na ako dito. Dapat nagpahatid na lang ako sa private plane— ayoko ng traffic," reklamo ni Lucinda. Nailing na lang si Serkan.
"Saan mo ipaparada iyon sa bubong ng school building niyo," banat ni Serkan. Napairap si Lucinda.
"Duhh! May airport sa loob mismo ng university namin and may rooftop," ani ni Lucinda. Nanahimik si Serkan— napaisip tuloy si Serkan kung anong klaseng school meron si Lucinda. Iyon kasi ang unang pagkakataon na ihahatid niya si Lucinda since kakakuha niya pa lang ng driver license.
Hindi nga niya alam kung paano siya nakakuha 'non. Wala naman siyang pinirmahan either sinagutan. Hindi niya din sinabi pangalan niya. Basta tinuruan lang siya mag-drive then may card na sa kaniya na binigay.
May kinuha si Serkan sa bulsa ng suot niyang slack. Napatingin si Lucinda. May litrato niya iyon at may mga nakasulat.
"Your highness marunong ka ba magbasa?" tanong ni Serkan. Gumusot ang mukha ni Lucinda at tinanong kung nang-aasar ba siya.
"Nag-aaral ako malamang marunong ako magbasa! Idiot," ani ni Lucinda. May pinakita si Serkan.
"Anong nakalagay na pangalan ko dito?" tanong ni Serkan. Inagaw iyon ni Lucinda at tiningnan.
"Serkan Marcel Rufos," ani ni Lucinda. Kinuha iyon ni Serkan. Napataas ng kilay si Lucinda at tinanong kung anong meron sa driver license niya.
"Don't tell me fake iyang driver license mo kaya gusto mo ipa-check sa akin," banat ni Lucinda. Binalik iyon ni Serkan sa bulsa niya at tumingin sa labas.
"Ang mga tauhan ng mga daddy mo ang nagbigay sa akin nito. Pinatingin ko lang kung tama pagkakalagay nila ng pangalan ko," ani ni Serkan. Ang totoo ay pinasuri niya lang talaga kung driver license nadampot niya. Masyadong maraming card binigay sa kaniya ang secretary ni Mr.Lucero. Sa mga kulay niya lang ito natandaan.
Nang makarating sila sa university ni Lucinda. Kusang bumukas ang napakalaking gate. Pinasok ni Serkan ang sasakyan. Pinarada niya ito sa bakanteng parking lot.
Bumaba si Serkan at pinagbuksan ng pinto si Lucinda na nakakunot ang noo. Bumaba si Lucinda— nilapitan sila ng gwardya ng university.
May dumating na pulang sasakyan— huminto ito sa gitna. Bumaba doon ang isa pang body guard at binuksan ang pinto ng backseat. Lumabas ang isang babae na mukhang kaedaran lang din ni Lucinda.
"Hindi ka ba marunong magbasa? May pangalan na nakalagay diyan at warning sign!" bulyaw ng mukhang butler din ng kilalang pamilya.
"Kailan ka pa naging Fuentes, Ms.Lucero?" tanong ng dalaga at nag-cross arm. Tiningnan niya ang butler ni Lucinda at ngumisi.
"Tatay mo ba ito Lucinda?" natatawa na sambit ng babae. Sinabi pa nito na hindi ito marunong magbasa.
"Stop spokening nonsense Thea the b***h. Mukha ba iyang tatay ko?" ani ni Lucinda. Tumingin si Lucinda kay Serkan na ngayon ay nakatingin sa butler na kasalukuyang umuusok ang ilong habang nakatingin kay Serkan.
"Old man, malabo na ba mata mo? Hindi ito ang parking lot para sa mga Lucero. Tanggalin mo na ang sasakyan dito. Pagkauwi natin ipa-sanitize mo ang sasakyan na iyan. Mahirap na— marami pa naman pakalat-kalat na mga bugs at germs. Ma-exposed pa ako," ani ni Lucinda. Gumusot ang mukha ng babae doon na kaharap ni Lucinda.
"Hindi ako marunong magbasa," sagot ni Serkan. Napasapo sa noo si Lucinda at nilingon si Serkan.
"May i-bobo ka pa ba?" tanong ni Lucinda na kay pagkadisgusto sa mukha. Nilingon niya si Serkan na naka-pokerface.
"Hindi din ako pamilyar sa mga kulay at magbilang," sagot ni Serkan na mukhang walang pakialam. Biglang tumawa iyong babae— napatingin si Lucinda.
"Saan mo ba napulot ang lolo na iyan? Hindi marunong magbasa? Pababa yata ng pababa ang standard ng mga Lucero sa empleyado nila— kasing baba ng pagkatao mo ganoon," ani ng babae. Napa-pokerface si Lucinda.
"Sa liit ng utak na meron ka. Hindi mo maiintindihan na hindi lahat may pagkakataon na matutong magbasa," banat ni Serkan. Natahimik ang babae at biglang tumawa si Lucinda. May paghawak pa ito sa tiyan dahil sa nakitang reaksyon ni Thea.
Kung matalas ang dila ni Lucinda. Bomba naman ang nilalabas ng bibig ni Serkan. Ilang beses na si Lucinda nasampulan 'non.
"Ikaw! Hindi mo ba kilala kung sino ang binabangga mo!" bulyaw ng butler. Nilabas nito ang baril at tinutok sa ulo ni Serkan.
Nabitin ang sasabihin ni Lucinda nang maagaw ni Serkan ang baril. Sinipa niya sa tuhod ang butler na kasing body build lang din ng katawan ni Serkan.
Napaluhod ito at napasigaw sa sakit. Nabali ang buto sa paa ng butler. Kinalas ni Serkan ang baril at binitawan. Nahulog ang mga iyon sa sahig.
Natahimik sila either si Lucinda. Lumingon si Serkan.
"Excuse me your highness. Aalisin ko na dito ang sasakyan," ani ni Serkan. Wala na ito sa mood— iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Lucinda na napikon si Serkan. Hindi niya alam sa kung anong dahilan.
"Ituturo ko na kung saan ka paparada."