Episode 11

1614 Words
Napabalikwas ako sa malalim na pagkakatulog ng maramdaman na may parang humampas sa katawan ko. “Madali ka lang pa lang gisingin.” Boses ng lalaking dumukot sa akin sabay pagkalampag na isang bagay na nagpapitlag pa sa akin. Nang mahimasmasan ay napagtanto kong malamang na balde ng tubig ang bagay na kanyang ibinagsak. Ang tila humampas sa katawan ko kaya ako ay nagulat ay tubig. Kaya namang basang-basa ang katawan ko. “Anong karapatan mong matulog ng mahimbing gayong may taong namatay dahil panloloko mo!” sabay ipit na naman ng malakas niyang kamay sa aking panga. Namatay? Sino nga kaya ang tinutukoy niyang namatay gayong wala naman akong nabalitaan na namatay ng nadamay sa panloloko rin sa akin ni Mamu Jo? “Wala akong alam sa sinasabi mo kung sino ka man. Alam ko na hindi ka pa rin maniniwala pero hindi talaga ako nagsisinungaling. Hanapin mo si Mamu Jo na siyang tunay na scammer na siyang nanloko sa akin.” Giit ko na naman. Hindi ako titigil hanggat hindi niya ako pinaniniwalaan. Ngunit isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko. Dahil nanghihina na ang katawan ko ay talaga namang nahilo ako. Pakiramdam ko nga ay natanggal na ang ulo ko sa leeg ko. “Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita ang itinuturo mo na sigurado akong niloloko mo lang ako. Siguradong pinagplanuhan mo na ito mula pa lang sa umpisa para may idahilan ka sa kung tatanungin ka.” Madiin niyang paratang. “Hanapin mo siya o kaya ay hanapin mo ang mga naging kasamahan ko na naloko rin ng taong yan. Maniwala ka, hindi ako masamang tao. Naghangad lang talaga ako ng konting kita pandagdag sa pambili ng gamot ng nanay ko.” Ngunit lalo lang niyang diniinan ang pag-ipit sa panga ko. “Manahimik ka sa kakabintang sa ibang tao dahil lalo lamang akong nagagalit sayo!” panggigil niya sa akin. Ang mga taong galit ay sarado talaga ang utak sa kahit na anong paliwanag ngunit hindi ako titigil hanggang sa paniwalaan niya na ako. “Ikaw ang itinuturong salarin! Ikaw ang itinuturong nanloko kaya ikaw ang may kasalanan. Pero gaya ng sabi ko, papahirapan kita hanggang sa unti-unti kang mamamatay na hayop ka!” sigaw niya sabay balibag na naman sa mukha mo ngunit tumama naman ang ulo ko sa pader na nasa likod ko kaya hilong-hilo na talaga ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang lubid na nakatali sa akin at iniisi kong kinakalas niya sa pagkakatali sa akin. Lumuwag nga ang pagkakatali niya sa akin. Nakahinga ang mga kamay ko sa mahigpit na pagkakatali maging ang mga binti ko. Marahas niyang kinakalas ang lubid at talaga namang nalalamog ang katawan ko dahil patang-pata na talaga ako. “Alam mo ba kaya ko itinali sa katawa mo ang lubid na ito?” tanong niya habang patuloy sa pagkalas ng lubid sa katawan ko na siya rin naman ang may gawa. “Hindi mo alam, hindi ba? Hindi mo alam kasi wala ka namang pakialam. Ang mga tulad mong masamang tao ay hindi talaga iniisip ang masamang dulot ng panloloko niyo. Hindi rin kayo titigil hanggat may nakukuha kayong pera sa mga tao kaya naman matutuwa pa ang mga naloko niyo kapag nabalitaa na nabawasan ang mga katulad mong scammer,” aniya sa akin. Nang kaya ko ng ikilos ang mga kamay ko ay aabutin ko na sana ang tela na nakapiring sa mga mata ko ngunit isang malakas na hagupit sa binti ko ang nagpadaing sa akin sa sobrang sakit. “Ganyan nga! Gusto talaga kitang marinig na dumaing sa sakit!” asik niya sa akin at saka na naman ako hinagupit ng lubid na inalis niya sa pagkakatali sa akin. Halos hindi na naman ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. Ganito siguro ang pakiramdam ng nilatigo. “Lulumpuhin kita hanggang sa hindi mo na magamit ang mga binti mo dahil ginagamit mo rin naman sa walang kwentang gawain!” sabi na naman ng taong dumukot sa akin at hinagupit na naman ako. Nagpagulong-gulong ako sa sakit na naramdaman ko. “Tama na, pakiusap,” sabi ko na sa mahinang boses. Ngunit hindi pa rin siya tumigil at pinaghahataw pa ako sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko. Pilit na lang akong gumagapang baka sakaling makatakas kahit napaka imposible naman. Ngunit sa kakaikot ko ay nakapa ko ang kanyang paanan at saka ako yumakap sa isa niyang binti. “Tama na, tama na. Maawa ka sa akin. Hindi talaga ako ang taong manloloko,” pagmamakaawa ko sa lalaki. At kahit pilit niyang pinapagpag ang kanyang binti ay talagang kumapit ako ng mabuti para hindi ako makabitaw sa kanya. “Bitawan mo akong hayop ka! Wala kang karapatan na magmakaawa lalo na ang hawakan ako ng marumi mong kamay!” sabay tadyak ng isa niyang binti sa likod ko. Ilang ulit niya akong malakas na tinadyakan kaya napabitaw na ako sa pagkakakapit sa kanyang binti. “Kahit anong pagmamakaawa mo ay hindi talaga ako maaawa dahil sa malaking kasalanan na nagawa mong hayop ka! Kulang ang buhay mo pambayad sa buhay na nawala sa akin kaya talagang pagbabayaran mo ng doble at triple!” galit na galit na naman siya sa akin. “Pahihirapan kita! Pahihirapan hanggang sa magkalog-lasog ang katawan mo!” “Kung inaakala mong ligtas ka na sa panloloko mo ay nagkakamali ka!” “Pagababayaran mo ang lahat!” Inirit na ako ng ubo dahil talagang sunod-sunod niya akong pinagsisipa na naman. “Sir! Tama na yan! Baka mapatay mo na!” Biglang may ibang boses akong narinig kasabay ng pagtigil ng pananakit sa akin. “Kahit mapatay ko ang hayop na babaeng yan ay wala akong pagsisihan dahil nakatulong akong mabawasan ang manloloko!” sagot ng lalaking dumukot sa akin. “Tara na nga sa labas!” pag-aya na ng ibang boses ng lalaki sa lalaking walang humpay na nananakit sa akin. Hindi na ako makagalaw. Bakit ba sa dami na ng tinamo kong brutal na pananakit ay nananatili pa akong buhay? Sana naman sa pagkakataong ito ay bawian na ako ng buhay. Malaya ko na sanang matatanggal ang piring sa aking mga mata ngunit bugbog na bugbog naman ang katawan ko sa sobrang sakit. “Ang sakit,” mahina kong daing. Basang-basa na ang tela na nakapiring sa mga mata ko dahil wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak na ng umiyak. Kahit hindi nga ako naiiyak ay basta na lang akong napapaluha. Maya-maya ay bumukas na naman ang pinto. Manhid na ako sa sakit kaya bahala na siya kung sasaktan niya na naman niya ako. “Gagamutin ko lang ang sugat mo, Miss,” ang narinig ko. Hindi siya ang lalaking dumukot sa akin. Siya malamang ang umawat kanina habang pinapatay na ako sa bugbog ng tinawag niyang sir. Binuhat ako ng bagong dating na lalaki at saka ako dahan-dahan na inilapag sa malambot na higaan. May kama pala sa kung saan ako nakakulong. Napapaigik ako habang nililinis na ng lalaki ang mga sugat ko. “Tulungan mo ako, pakiusap,” ani ko na sa lalaki. Ngunit wala akong natanggap na s**o nguniy patuloy lang siya sa paggamot sa mga sugat ko. “Hindi ako manloloko.” Dagdag ko pa pero dahil nanghihina na talaga ako ay pati yata tinig ko ay nawala na. “Miss, mag-iiwan ako ng mga pagkain, tubig at damit pamalit. Magpahinga ka na para kahit paano ay makabawi ka ng lakas. Iiwan na kita,” wika ng lalaki. Pinilit kong igalawa ang kamay ko para pigilan sana siya na iwan ako ngunit nakaalis na siya bago pa ako makakilos. Durog na yata talaga ang lahat ng mga buto ko sa katawan at lamog na lamog na ang mga kalamnan ko. Iniwa niya ako na hindi na nakatali ang mga kamay at paa kaya kailangan ko na lang makabawi ng lakas para makagawa ng paraan para makatakas. Kahit kumikirot ang buo kong katawan ay pinilit ko na lang na makatulog. Tama. Dapat na akong matulog para makapagpahinga na. Biglang sumigid ang sakit sa katawan ko kaya naman napadaing na lang ako. Napahawak ako sa balikat ko. Napansin kong nakatulog nga ako ngunit hindi ko lang alam kung nakatulog nga o nakaidlip lang. Nang mapagtanto ngang malaya ng nakakagalaw ang aking mga kamay ay hinawakan ko na ang tela na tumatakip sa aking mga mata. Ganun na lang ang pagpikit ko ng mariin ng salubungin ako ang mga paningin ko ng napakaliwanag. Unti-unti ko ng sinanay ang mga mata ko sa liwanag kaya naman sa ilang beses kong pagkurap ay nakita ko na ang lugar kung saan ako nakakulong ng ilang araw na rin ngunit hindi lang ako nakakatiyak kung ilan na talaga. Isang silid. Kulay puti ang buong paligid dahil kulay puti ang kulay ng pintura at maging ng tiles sa sahig. Nagkalat ang kulay pulang mantsa sa sahig gawa ng aking dugo. Walang kahit na anong gamit sa loob ng silid maliban sa kama na hinigaan ko. Isang maliit na lamesita kung saan may nakapatong nga na pagkain at mga bottled water. At isang electric fan. Biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya tangka na akong tatayo para maglakad patungo sa pagkain at tubig ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako ng madapa ako. Wala yatang lakas ang mga binti ko para suportahan ang katawan ko para makapaglakad. Namamaga rin ang mga binti at hita ko kaya para makarating ako sa nais kong puntahan ay gumapang ako. Pilit kong iginapang ang katawan ko dahil uhaw na uhaw na ako. Masakit pa ang buong katawan ko ngunit kailangan kong gumapang. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayong malaya na akong nakakagalaw at nakikita ang buong paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD