Episode 17

2148 Words
Naulit ng naulit ang pananamantala sa akin ng lalaking kidnapper. Kapag namatay na ang ilaw sa loob ng kwarto kung saan ako nakakulong ay hindi na matatawaran ang kaba at takot na nararamdaman ko. Wala akong naririnig sa kanya basta darating siya at papasok sa silid at bigla na niya akong pagsasamantalahan. Tinatali niya ang mga kamay ko saka niya rin lalagyan ng busal ang bibig ko para hindi niya na marinig ang lahat ng mga masasamang salita na maririnig niya sa akin. May pagkakataon na tinatakpan niya pati ang mga mata ko kapag may ginagawa siyang kababuyan sa akin. Hindi ko na rin talaga alam kung paano ako mananalangin para humingi ng tulong sa Itaas. Hindi na nga ako nagdarasal dahil para ako pa? Nangyari na yata sa akin ang pinaka worst na mararanasan ng isang babae. Kaya talagang gusto ko ng mamamatay. Iyon ang laging bukambibig ko. Ang mamamatay na ako pero bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako? Dalawa na lang din ang pwedeng mangyari sa akin. Ang mamamatay ako para makatakas sa lugar na ito o ang makaalis nga ako ng buhay pero baliw at wala na ako sa sarili kong katinuan. Iyon na lang ang tanging kahihinatnan ko. May pag-asa pa ba ako? Kahit makaalis pa ako ng buhay at matino ang pag-iisip ay may patutunguhan pa ba ang buhay ko? Wala na. Sirang-sira na ang buhay ko. Sinira ng walang puso at kaluluwang tao. Hindi man ngayon ang karma niya ay sigurado akong darating at darating ang panahon na babalik sa kanya lahat ng mga masasamang ginawa niya sa akin. Hindi ko man malaman kung anong magiging karma niya, basta ang alam ko ay mararanasan niya rin kung anong naranasan kong hirap at sakit. Iniiwanan pa rin ako ng mga pagkain at inumin ngunit hindi ko na talaga ginagalaw pa. Samut-saring amoy na ng panis na pagkain ang umaalingasaw sa silid na ito dahil wala na talaga akong pakialam kahit mapuno pa ng mga langgam at uod ang lugar na ito. Ayoko na ngang kumain. Maging tubig ay hindi na ako umiinom. Unti-unti ko na rin na pinapatay ang sarili ko dahil ganun na rin naman. Kahit mabuhay pa ako ay wala na ring saysay kaya mas mabuti pang mamamatay na lang Kung sana nga lang na may ibang gamit na pwede kong gamitin panaksak sa sarili ko ay ginawa ko. Kung may pwedeng gawing lason nilunok ko na para bumula na ang bibig ko pero wala talaga. Sinusunukan kong baklasin ang mga nakikita kong pwede kong gawing panakit sa sarili ko pero wala talaga akong makuha. Pirmis na lang akong nakahiga sa isang sulok habang ang mga damit ko ay hindi ko na pinagkaabalahan pa na ayusin. Basta nakahiga na lang ako at naghihintay ng kamatayan. May narinig akong ugong ng sasakyan pero wala na akong pakialam. Hindi lang isa ang sasakyan na dumating at huminto kapag daka. Sana lang sa pagkakataong ito ay may dala silang baril o kaya ay kutsilyo. Sana lang sa pagkakataong ito ay patayin na nila ako. Wala na akong pakialam kung paanong paraan pero wakasan na nila ang buhay ko dahil wala na rin namang kwenta. Naalala ko noong panahon na nagsumbong kami ng mga kasamahan ko sa police station para ipahuli si Mamu Jo. Nang malaman ng mga police ang tungkol sa paano kami na scam ay napagalitan pa kami kahit kami na ang naloko at na scam. Maling-mali raw na pumatol kami sa ganun dahil unang-una ay alam naman namin na ilegal ang magpagawa ng mga dokumento at mga valid ids sa kung sino lang. Nagtiwala at nagpadala raw kami ng pera sa taong hindi naman namin kakilala ng personal. Hindi ba raw kami aware sa mga scammer? Pwede nga rin daw kaming makulong kung tutuusin. Ang ilegal ay ilegal. At sinuman na gumagawa ng ilegal ay dapat na pinarurusahan. Naniniwala ang iba na scammer talaga ako. Samantalang ang iba ay naringgan kong ang talino ko naman daw pero bakit na scam ako? Wala akong kakampi. Wala akong mapagsabihan dahil may sakit si nanay. Kaya kinimkim ko na lang lahat. Noon ay gusto ko ng mamamatay sa sobrang kahihiyan na inabot ko. Paano pa kaya ngayon na naging biktima na ako ng isang rapist? Ilang ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na mapunta sa ganitong sitwasyon? Narinig kong bumukas ang pinto ng silid pero nanatili na lamang akong nakapikit. Kung ang kidnapper na rapist na naman ang dumating ay bahala na siya. “Kunin niyo yan at dalhin na rito!” boses ng lalaking kidnapper na nanggaling sa labas ng bahay. Naramdaman kong hinawakan ang magkabila kong braso at saka na ako dahan-dahan na inilalayan para nga makalabas ng bahay. Nanghihina na ako kaya hindi ko na magawa pa na itaas man lang ang nakalaylay kong leeg. “Sinong gusto niyong mauna na mamatay sa inyong dalawa?” tanong ng lalaking kidnapper. Sinong dalawa? Sino ang isa. Nakasalampak ako sa damuhan at hindi ko talaga makuhang itaas ang leeg ko para makita kung anong nangyayari sa paligid. “Kahit patayin mo ako ay wala ng magbabago pa.” Isang boses ng lalaki ang sumagot at malapit lang sa akin ang tinig. Ibig sabihin ay magkatabi lang kaming dalawa. Siya ba ang lalaki na dinukot din at pinahirapan ng lalaking kidnapper? Buhay pa rin pala siya hanggang ngayon. Malamang na ikinulong siya sa ibang lugar. “Wala na talagang mababago tulad ng inaasahang kamatayan mo!” sigaw ng lalaking kidnapper. Ngunit may tumawa. “Akala mo ba ay nakaganti ka na? Kahit patayin mo ako ng paulit-ulit ay wala ka ng magagawa pa. Kung inaakala mong kawawa ako ay mas kawawa ka-” Napatingin na nga ako sa pinanggagalingan ng boses. Nakita ko ang isang lalaki na sinasakal ng isa pang lalaki. May lubid na nakalaylay mula sa itaas na nakatali sa puno at habang sakal ng lalaking kidnapper ang lalaki ay kanya ng inabot ang lubid at saka pinulupot sa leeg ng lalaki. “Ngayon ay tingnan nating kung makapagsalita ka pa kapag lumaylay na ang dila mong hayop ka!” galit na galit na sambit ng lalaking kidnapper. Ang lalaking may nakataling lubid sa leeg ay pilit na kumakawala ngunit unti-unti ng umaangat ang kanyang katawan sa lupa habang nahihirapan na talaga sa kanyang sitwasyon. Agad kong ibinaling sa damuhan na kinasasadalakan ko ang paningin ko. Hindi ko kayang panoorin na may binibigting tao sa harap ko. “Kunan niyo ng buong video at ipadala sa mga kamag-anak niya nang maramdaman din nila kung anon naramdaman ko.” Utos ng lalaking kidnapper. Hindi ko maringgan ng kahit anong pagdaing ang lalaking nakabigti. Ngunit sa pamamagitan ng kanyang anino sa damuhan kung saan ako nakatingin ay nakita ko ang pagkisay ng kanyang katawan indikasyon na wala na siyang buhay. “Okay na, sir. Nakunan ko ng video ang kanyang kamatayan.” Sagot na ng isa sa kanyang mga tauhan. Bigla akong kinabahan. Kahit gusto ko ng mamamatay ay nakadama pa rin ako takot dahil ilang sandali na lang ay ako na malamang ang bibitayin. “Ibaba na ang bangkay!” Natigilan na ako sa pagkakataong iyon. Nanigas na ang katawan ko at pigil na ang paghinga ko. Napapikit pa ako ng biglang may bumagsak na malakas sa tabi ko. Ang bangkay ng lalaki. Nakalawit nga ang kanyang dila na indikasyon na nahirapan siyang huminga dahil nanlaban pa siya para mabuhay. Ang lubid na nakatali sa kanyang leeg ay ang pamilyar na lubid na saksi sa mga naging paghihirap namin sa kamay ng kidnapper at kanyang mga tauhan. Matapos alisin ang lubid na nakatali sa leeg ng bangkay ng lalaki ay hinila na ito palayo. “Ikaw? Wala ka bang sasabihin baka ka mamamatay? Aaminin mo na ba ang naging kasalanan mo?” untag sa akin ng lalaking kidnapper. Nakatayo siya sa harap ko pero wala na akong panahon para pag-aksayahan pa na tingalain pa ang mukha niya na natatakpan namam ng face mask. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay gumapang ako para kunin ang lubid na ngayon ay nasa damuhan pa rin. Nang makuha ko ang lubid ay tiningnan ko muna ito at saka ko na ipinulupot sa sarili kong leeg. Matapos kong gawin ay pumikit na ako naghihintay na itaas na ng kung sino ang lubid para matapos na talaga ang buhay ko. “Matapang ka, ha. Dapat lang talaga na tanggapin mo na ang kamatayan mo dahil wala ka na rin naman talagang patutunguhan pa,” ani sa akin ng kidnapper ngunit hindi na ako nagmulat pa ng mga mata. Ayokong ang mukha niyang nagkukubli ang siyang makikita at maalala ko sa ilang minuto na lang na nalalabi sa buhay ko. Ngunit nagsalita ako. “Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ko ay hindi ako aamin sa kasalanan ko na binibintang mo dahil isa akong inosente. At matapang talaga ako. Matapang ako hindi kagaya mo na hanggang ngayon ay itinatago ang mukha.” Matapang kong sagot. Ngunit humalakhak lamang ang lalaking kidnapper. “Ang dami mong sinasabi! Itaas ang lubid! Tingnan natin kung hanggang saan kakayanin ng tapang mo kapag kinakapos ka na ng hininga!” Maya-maya nga ay unti-unti ng umaangat ang katawan ko kasabay na ng pagsikip ng pagkakapulupot ko sa lubig sa leeg ko. Pero nahihirapan man ay hindi na ako nanlaban. Mas mabuti ng maluwag na tanggapin para huwag na akong mahirapan pa sa kakawag na wala na rin naman akong magagawa. Hindi nagtagal ay nakabitin na talaga ako at kinakapos na ako ng hininga. “Thank you, Lord. Salamat at tapos na po ang paghihirap ko,” mahina kong bulong ng pasasalamat. Ngunit kung kailan malalagutan na talaga ako ng hininga ay bigla na lang akong lumagpak sa damuhan na sahig. Inubo ako ng inubo at hinahabol ang hininga ko. Ngunit nasa isip ko ay kung anong nangyari at hindi ako tinuluyan na ibigti? “Anong pinagsasabi mo?! Ipaliwanag mo kung bakit kailangan mong ipatigil ang pagpatay ko sa babaeng yan?!” sigaw ng lalaking kidnapper sa kung sinong pinapagalitan niya. “Sir, heto na ang resulta ng pag-iimbestiga ko,” ang sagot ng lalaking nahahawig ang tinig sa lalaking nagbigay sa akin ng gamot. “Anong resulta na pinagsasabi mo? Hindi ba ang babaeng yan ang itinuturong scammer?!” “ Sir, lumabas sa imbestigasyon na wala talaga siyang kinalaman na scam lang ang pinasok niya. Wala siyang alam na peke ang lahat ng mga dokumento at mga ids na pinapa-proseso niya. May mga records at mga kuha sa cctv camera na nagreport talaga siya sa police station at nagtungo rin sa isang sikat na tv station para humingi ng tulong sa nangyari sa kanila. Kanila dahil lumalabas nga na may mga kasamahan siya na nagreklamo at iisang tao ang itinuturo na nakilalanlang nila sa alyas na Mamu Jo. Lumabas din sa imbestigasyon na nakausap din nila ang pamilya nitong alyas Mamu Jo pero wala ang suspek at mukhang sanay na sa ganung gawain ang buong pamilya ng alyas Mamu Jo dahil lahat sila ay may mga criminal records. Drugs, stafa at marami pang iba.” Kung ganun ay lumabas din ang katotohanan na wala talaga akong alam sa mga nangyari at naloko rin ako. “Sir, nagkamali rin ako na agad nagtiwala sa iisang taong pinagtanungan ko sa lugar kung saan nakatira ang babaeng yan. Bumalik ulit ako sa lugar at nagtanong-tanong muli. At ang natuklasan ko ay ang taong napagtanungan ko ay kilala bilang mapanira ng kapwa sa kanilang lugar. At ang mga sinabi niya tungkol kay Zhang ay may mga kulang, may mga sobra at kanya lang na dinagdagan.” Kung ganun sino ang taong napagtanungan? Bakit ginawa? “Ang sinasabi mo ba sa akin ngayon ay inosente talaga ang babaeng ito at wala siyang kasalanan? Ganun ba, ha?!” paglilinaw ng lalaking kidnapper. “Yes, sir. Walang siyang kasalanan at nagtiwala lang siya na tunay o legit ang online processing. Nabaon siya sa utang dahil kung kani-kanino pa pa siya lumapit para pambayad sa mga taong pinababalik ang pera na siya ang tumanggap pero hindi siya ang gumamit. Idagdag pa ang mga pambili ng gamot ng nanay niyang matagal na pa lang may cancer at hindi kailan lang gaya ng sinabi ng taong napagtanungan ko.” Nagpapasalamat ako na lumabas na ang katotohanan na isa talaga akong inosente. Hindi ako manloloko. Hindi ako sinungaling lalo na hindi ako scammer. Pero bakit may mga taong nais yata akong mapahamak talaga? Pero sino ang taong napagtanungan nila at siniraan ako ng husto? Hindi ba naisip ng taong yon sa pwedeng kalabasan ng maling impormasyon na ginawa niya at pagsisinungaling niya? Nakakatulog kaya ng mahimbing at matiwasay ang taong yon matapos niyang sirain ang buhay ko? At ano na ang mangyayari sa akin?. Pakakawalan na ba nila ako o papatayin na lang din ng tuluyan?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD