TININGNAN ni Ava ang sekretarya niyang si Mona pagkabasa sa presentation na pinagawa niya. Tinawagan niya ito kagabi para gumawa ng presentation para sa mangyayaring meeting bukas ng umaga.
Nagbuga siya ng hangin at galit na nilapag ang papeles sa ibabaw ng office table niya.
"Ilang taon ka ng nagtatrabaho sa akin bilang sekretarya ko, Mona? Three years? Pero hindi mo pa rin magawa ng tama ang trabaho mo! Ngayon lang ulit ako pumasok, tapos ganiyan pa ang isasalubong mo sa akin?!"
"I'm sorry po, Ma'am Ava. Uulitin ko na lang po ulit."
"Ang init naman ng ulo mo." Nabaling ang tingin niya kay Azi na pumasok sa opisina niya.
Kinuha ni Azi ang mga presentation na ginawa ni Mona at iniabot nito sa sekretarya niya. "Sige na kumain ka muna bago ipagpatuloy ang trabaho mo."
"S-salamat po, Sir." Yumuko ito at nagmamadaling lumabas sa opisina niya.
Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Azi. "Kinakausap ko pa siya pinalabas mo agad siya. Pinapakialaman mo ang pagdisiplina ko sa mga empleyado ko, Azi."
"Pero sa ginagawa mo lalong hindi nila magagawa ng tama ang trabaho nila. Hindi sila makakapag-focus sa dapat nilang gawin. Kung gusto mo na makuha nila ang gusto mo, ituro mo sa kanila ng maayos, hindi iyong sisigawan mo sila. Tangahaling tapat na nga ang init pa ng ulo mo."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ba nasa factory ka, bakit ka nandito?"
Tiningnan nito ang suot na orasan pambisig. "Tanghali na. Kaya siguro mainit ang ulo mo dahil sa gutom. Kumain na tayo, saan mo gustong kumain?"
Inis na sinandal niya ang likod sa backrest ng swivel chair niya. "Tinatamad akong lumabas."
"Pero hindi pwedeng hindi ka manananghalian, Ava. anong gusto mo? Tell me, ano na lang ang bibili."
Nahihiwagaan si Ava sa ibang pakitungo ni Azi sa mga oras na iyon. Bakit hindi nito sinasabayan ang pagsusungit niya? Dahil ba sa nangyari sa kanila kagabi?
"Namiss ko kumain ng karne ngayon. I want steak."
"Okay. Babalik ako kaagad," anito pagkakuwan ay lumabas na ito sa opisina niya.
Doon naman pumasok si Camilla sa opisina niya na may pang-aasar na suot sa mukha nito.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya rito.
"Dahil nagawang pakalmahin ni Azi ang isang naghihimutok na bulkan, at nagpaawat naman ang bulkan na ito."
Iling-iling na inirapan niya ito. "Ewan ko sa'yo, Camilla."
"Anong kailangan mo, bakit ka nandito?"
"Tumawag si Dad sa akin."
"And?"
"Nakarating na sa kaniya ang tungkol sa inyo ni Azi, kaya gusto ka niyang makausap."
Nangunot ang noo niya. Sa dami na ng ginawa niyang desisyon sa buhay niya ngayon lang siya nito gustong makausap. Sa anong dahilan naman kaya?
"Dad was a little angry. Hindi siya sangayon sa pagpapakasal mo kay Azi."
Lalong nangunot ang noo niya. "Kailan ko pa hiningi ang opinyon ng ama mo, Camilla? Bakit bigla naman ata ang pagkakaroon niya ng pakialam sa buhay ko?"
Nayuko ito. "Pagpasensyahan mo na lang ang ama ko, Ava. Kung magkaharap man kayo, ako na ang humihingi ng pasensya para sa kaniya."
Nagbuga siya ng hangin. "Don't worry kakausapin ko siya ng maayos at ng may paggalang."
Natigil lang ang pag-uusap nila nang makabalik na si Azi mula sa pagbili nito ng pagkain. "Kumain ka na ba, Camilla? Saluhan mo na kami," paanyaya ni Azi rito.
"Kumain na ako, salamat. Sige mamaya na lang, Ava," anito na umalis na.
"Mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan ninyo. Naka-istorbo ba ako?"
Mabilis siyang umiling. "Tungkol lang naman sa taong mukhang gusto ng mangialam sa buhay ko."
"Si Dalton ba ang tinutukoy mo?"
"No. Ang kapatid sa labas ng ama ko." Marahas siyang nagbuntong-hininga. "Huwag na lang natin siya pag-usapan. He's not worth my time, kumain na lang tayo." Tumayo na siya at tinulungan na lang ang binata sa paghanda ng kanilang makakain sa lamesa.
Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay nagpaalam na si Azi na babalik na ito sa factory. Susunduin na lang daw siya nito pagkauwian na.
Dahil sa abala rin siya sa sarili niyang trabaho ay hindi na rin napansin ang oras. Mula sa laptop ay tumaas ang tingin niya sa bumukas na pinto. Isa sa mga taong hindi niya gustong makita ang pumasok at nasa likod nito si Camilla.
Peke niya itong nginitian. "Uncle Agustin." Tumayo siya at lumapit dito para salubungin ito ng yakap. Pero sampal sa mukha ang isinalubong nito sa kaniya. Sa ganu'ng tagpo rin na iyon ang nasaksihan ni Azi.
"Dad!"
"I thought you are different from other women, but what you did is an embarrassment to our family!" sikmat ng tiyuhin niya sa kaniya.
Kahit masakit ang ginawa nitong pagsampal sa kaniya ay binaliwala niya iyon at buong tapang na sinalubong niya ang galit nitong tingin sa kaniya.
"Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan para pakialam mo ang mga desisyon ko sa buhay?" Patuya niya itong nginitian. "Our family? When have you been part of our family? Baka nakakalimutan mo, sampid ka lang sa pamilyang sinasabi mo! You should be thankful to me because I acknowledge you as my family which I shouldn't do!"
Nalalaki ang mga mata nito habang natitigilan sa mga sinabi niya. Alam niyang masakit ang mga nasabi niya, pero hindi niya pinagsisisihan kung ano man ang mga nasabi niya. Kabutihan ang ipinakita niya sa pamilya nito kahit hindi naman dapat, pero ganito pa ang isinukli nito sa kaniya.
"You—,"
Muling umangat ang kamay nito para muli siyang sampalin, pero ang kamay ni Azi ang pumigil sa tangka nitong pagsampal sa kaniya.
"Who the hell are you?!" galit na binawi ng tiyuhin niya ang braso mula kay Azi.
"Hindi ko na hahayaan na muli mong saktan ang asawa ko!"
"Ahh... Ikaw ang hampas-lupa na pinakasalan ng pamangkin ko."
"Dad!" awat ni Camilla sa ama nito.
"Get out of my office, now! Simula sa araw na ito, hindi na kita kinikilalang kamag-anak ko. Wala ka na rin karapatan na umapak pa rito sa kumpaniya ko," aniya na tinalikuran na ang mga ito.
Narinig niya ang yabag palabas ng opisina niya, kaya alam niyang umalis na ito.
"Ava..." it's Camilla.
"I don't want to talk to you right now, Cam."
Nagbuga ito ng hangin. Hndi na ito nagsalita pa at hunakbang na ito palabas sa opisina niya. Nang wala na ito doon kumawala ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi dapat siya umiiyak ngayon, pero hindi niya mapigilan ang umiyak.
Tinuruan siya ng kaniyang ama na maging matigas at maging matapang, pero ang isa sa kahinaan niya ay ang kaniyang pamilya.
Lumapit sa kaniya si Azi at mahigpit siyang niyakap at walang isang salitang narinig mula rito. Nang kumalma na siya mula sa pag-iyak ay inalalayan siya nitong maupo sa mahabang sofa.
Binuksan ni Azi ang pinto ng may kumatok sa pinto ng opisina niya. Pagbalik nito ay may bitbit na itong supot na naglalaman ng ice cream.
"Ano `yan?"
"Ice cream."
"Para saan?"
"For you, para gumaan ang pakiramdam mo."
"Ano ako, bata?"
"Bakit hindi mo subukan?" Iniabot nito sa kaniya ang isang cup ng ice cream. Wala siyang choice kundi ang tanggapin iyon.
Nang sumubo siya ng ice cream totoo ngang gumaan ang pakiramdam niya kahit na papaano.
"Salamat dito," aniya na muli na namang tumulo ang mga luha niya. Wala pa kasi ni isa ang gumawa sa kaniya ng ganito.
"Umiiyak ka na naman."
"I can't help it." Inirapan niya ito. "Ano nginingiti-ngiti mo dyan?"
"Masaya lang ako na nagawa mong ipakita sa akin ang side mo na iyan na hindi mo magawang ipakita sa iba, Ava."
Nagkibit siya ng balikat. "Noong nabubuhay pa ang ama ko, bawal akong umiyak lalong-lalo na sa harap niya. Dahil tagapagmana ako ng Secret Garden, hindi ko raw dapat ipakita sa iba na mahina ako. Hindi ko raw dapat ipakita ang kahinaan ko, kundi gagamitin iyon laban sa akin para mapabagsak ako. Kaya kapag nalulungkot ako or naiiyak, nagkukulong lang ako sa kwarto ko at umiiyak na mag-isa."
Hindi niya inaasahan ang pagyakap sa kaniya ni Azi. "I'm here now. Hindi mo na kailangan umiyak ng nag-iisa. If you need a shoulder to lean on just tell me, ipapahiram ko sa'yo ang balikat ko."
Hindi na siya sumagot at lihim na lang na ngumiti. Sabay nilang inubos ang binili nitong ice cream. Sisiguraduhin niyang pupunuin niya ng maraming ice cream ang refrigerator niya pagkauwi nila.
KINABUKASAN, nang magising si Ava ay wala na sa tabi niya si Azi. Nang bumangon siya ay nakita niya sa may dining area ng kwarto niya ang pagkain na nandoon para sa kaniya. Napangiti siya dahil nag-abala na naman si Azi na paglutuan siya ng umagahan na dapat siya ang gumagawa ni'yon.
Umalis siya sa ibabaw ng kama at nang mauupo na sana siya ay nakita niya si Azi na nasa veranda habang may kausap ito sa cellphone nito. Why does this man look so handsome?
Tatawagin niya sana ito nang marinig niya ang sinabi nito. "How many times do I have to tell you that I don't need his f*cking money?"
Napahinto siya sa sinabing iyon ng binata. Kita niya sa mukha nito ang galit. Sino naman kaya ang kausap nito at galit na galit ito?
"Kung ano man ang gawin ko sa buhay ko ay wala na siyang pakialam. When mom died, inisip ko na rin na wala akong ama!"
Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. "What my wife has got to do with this conversation? Ano ngayon kung isa siyang Ventura?"
Alam niya na napasok siya sa usapan. Pero bakit naman kaya?
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo o sa sasabihin niya. Ava has nothing to do with it! I'm warning you, stay away with my wife!"
Nang makita niyang wala ng kausap si Azi ay mabilis siyang tumakbo pabalik sa kama at nahiga. Hindi tuloy maalis sa isip niya ang katanungan na... Sino ba talaga ang lalaking napangasawa niya? Ano ba talaga ang pagkatao ni Azi Devera?
Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ng veranda ay bumangon siya at binigyan ito ng pekeng ngiti at ngumiti ito pabalik sa kaniya.
"How's your sleep?"
"Okay naman. Thank you."
"Dinalhan ulit kita ng umagahan mo. Kumain ka na habang naliligo ako, para pagkatapos ko ikaw naman."
"Ikaw kumain ka na ba?"
"Oo tapos na." Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa banyo.
Wala silang imikan habang nagmamaneho ito papunta sa kumpanya. Marahil wala pa rin ito sa mood dahil sa pakikipag-usap nito kanina.
"We're here," anito ng huminto ang sasakyan sa harap ng building ng Secret Garden.
"Susunduin na lang kita mamayang tanghalian," sabi pa nito.
"Kaya mo na bang pumunta ng mag-isa sa factory? Gusto mo bang samahan kita—,"
"Kung gagawin mo iyan maiilang lang ulit sa akin ang mga empleyado mo."
"Ganu'n ba? Okay."
Akmang bababa na siya nang pigilan siya ni Azi sa braso. "Bakit?"
Walang salita na hinawakan siya nito sa batok at mabilis na kinintalan siya ng halik sa kaniyang mga labi.
"Wala namang tao para gawin mo `yan," aniya para pagtakpan ang hiyang nararamdaman.
"Hindi ko kailangan ng audience para gawin ko `yan sa asawa ko."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Huwag mong sabihin sa akin na gusto mo na ako?"
"Gagawin ko ba `yon kung hindi?"
Nangunot ang noo niya. "Gagawin ang alin?"
Tumaas ang sulot ng labi nito."You want me to name it, Ava?"
Inirapan niya ito. "You are mischievous, Azi Devera."
"And your are beautiful, Mrs. Ava Ventura, Devera."
"I know," puno ng pagmamalaki niyang sagot.
Napapiksi siya nang sapuin nito ang pisngi niya kung saan dumapo ang palad ng kaniyang tiyuhin. "Next time, don't let other people to hurt you again, Ava." Marahan siyang tumango bilang sagot.
"Maging matapang ka ulit at palaban. Stay the way you are, Ava. Okay?"
"So, okay lang sa'yo kahit sinisigawan ko ang mga empleyado ko?"
"Ganu'n ka na bago pa kita nakilala, bakit gugustohin kong baguhin mo `yon?"
"Pero kahapon lang pinagsabihan mo pa ako sa paraan ng pagdisiplina ko kay Mona. Well, may tama ka rin naman doon. Don't worry, hahabaan ko pa ang pasensya ko."
Pinisil nito ang baba niya. "Sige na, pumasok ka na, male-late na tayo pareho sa trabaho."
"I will," sagit niya at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa mga labi. Imbis na itulak niya ito palayo ay sinalubong niya ang paghalik nito sa kaniya.
Bago pa sila parehong makalimot ay inilayo na ni Azi ang mga labi nito sa kaniya. "I want to taste you more, Ava. Pero kailangan na nating pumasok. nasa'yo kung gusto mong ipagpatuloy natin ito—,"
Mabilis niyang binuksan ang pinto. "See you later." Pagbagsak niyang sinara ang pinto. Hindi mawala sa mga labi niya ang ngiti habang nakasakay siya sa elevator.