PINIPILIT ni Ava na hindi ipakita ang kabang nararamdaman habang hinihintay nila ang sample ng wine na ginawa ni Ava sa loob ng kaniyang opisina. May tiwala naman siya kay Azi, pero hindi niya maiwasang kabahan dahil importanteng kliyente nila ang nakasalalay dito.
Tahimik lang din si Camilla na nakaupo sa sofa. Hindi pa ulit sila nakakapag-usap matapos ang tagpo ng araw na iyon, ayaw na lang din niya pag-usapan.
Parehong bumaling ang tingin nila sa bumukas na pinto at iniluwa ni'yon si Azi, kasama nito si Henri ang assistant ni Jefferson.
"Ito na ang sample ng wine na ginawa ko at ito naman ang orihinal na wine na ginawa ng dalawa mong vintner." Inilapag nito sa center table ang dalawang bote.
Binuksan ni Henri ang wine na ginawa nila Jefferson at isa-isa silang sinalinan sa mga baso nila bago iniabot sa kanila ni Camilla ang baso at pagkatapos ay ininom nila iyon at nilasahan ng mabuti.
Nang maubos nila ang laman ng baso ay muling sinalinan ni Henri ang mga baso nito, ang wine na si Azi ang gumawa. Agad niya iyong tinikman. Nanlaki ang mga mata niya at nagkatinginan sila ni Camilla at sabay na napangiti. Kalasang-kalasa iyon ng orihinal na brand ng unique.
"Ayos ba?"
Sa sobrang saya ay hindi niya napigilang yakapin si Azi. "I know you can do it!"
"Good job, Azi!" si Camilla.
"Lahat ho kami napabilib ni Sir Azi, Ma'am Ava," si Henri.
"Of course, asawa ko kaya 'to," puno ng pagmamalaki niyang sabi.
"I'm glad I impressed you, Baby."
"Alam ko naman na magagawa mo 'yan."
"So, we can proceed now, Ava?" si Camilla.
"Yes. Makayaya na natin ito hanggang sa katapusan. Salamat ulit, Azi."
"Anything for you, Ava."
Tumikhim si Camilla habang may kapilyahan ito sa mukha. "Sige love birds, lalabas na kami ni Henri." Inaya na ni Camilla si Henri na lumabas.
"Kailangan ko na rin bumalik sa factory, Ava," anito
"Okay, umh... Gusto kong makabawi sa tulong na ginawa mo para sa Secret Garden. How about... kumain tayo sa labas mamayang gabi?"
"Ava, ginawa ko iyon para sa'yo, hindi para sa kumpanya mo."
"Salamat pa rin."
"Welcome." Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi at tinugon niya iyon.
"Tonight, baby?" tanong nito nang pakawalan ang mga labi niya.
Tumango siya. "Be ready, handsome."
"I'm born ready, gorgeous." Pareho silang natawa.
"Sige na, kita na lang tayo mamaya."
"See you." Muli siya nitong kinintalan ng halik sa mga labi niya bago ito umalis sa opisina niya.
PAGKALABAS ni Azi sa building ng Secret Garden ay tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Bryan ang tumatawag sa kaniya.
"Bry, napatawag ka?"
"Pasensya na kung bigla akong napatawag sa'yo."
"May problema ba?"
"Si Irene kasi sinugod sa hospital, naabutan siya ni Selena sa kubo na walang malay habang may laslas ito sa pulso," pagbibigay inpormasyon nito sa kaniya.
"What?!"
"Ngayon nasa hospital siya, pinagpipilitan niyang umuwi na dahil ayaw niya doon. Paulit-ulit niyang sinasaktan ang sarili niya, Señorito. Magpapagamot lang daw siya kapag pinuntahan mo siya."
Mariin niyang hinilamos ang sariling mukha. Hindi na dapat siya magkaroon ng kaugnayan o pakialam kay Irene, pero hindi naman makakaya ng kunsensya niya kung pababayaan lang niya ito.
"I can't right now. Sabihin mo sa kaniya, magpagaling siya dadalawin ko siya pagkatapos ng kailangan kong gawin dito sa Manila."
"Sige, Señorito Ako muna ang bahala sa kaniya," iyon lang at naputol na ang tawag.
Ano kaya ang naisip ni Irene kung bakit tinangka nitong patayin ang sarili? Marahas siyang nagbuntong-hininga bago sumakay ng sasakayan at patakbuhin pabalik sa factory.
HABANG lumilipas ang oras ay excited si Ava sa magiging date nila ni Azi mamaya. Kung date ba kung maitatawag iyon. Excited siya kasi ito ang kauna-unahang karanasan niya na may lalaki siyang kasama sa paglabas.
Nang sumapit ang ala-singko ay nagpadala siya ng mga damit niya kay Shanti.
"Ano ba ang mas bagay sa akin?" tanong niya habang isa-isang tinitingnan ang damit na dala nito.
"Saan ba ang lakad, Señorita at bigla kang nagpadala ng mga damit mo rito?"
"May date kami ng asawa ko."
"Aba! Dahil ito ang unang pagkakataon mong makipag-date dapat maganda ka sa paningin ng asawa mo. Teka, ito ang bagay sayo." Tinaas nito ang isang kulang cream na off shoulder dress na hanggang kalahati ng hita ang haba ni'yon.
"Dapat maaakit sa'yo ang asawa mo habang magkasama kayo, alam mo na kung saan patungo iyon," pilyo nitong sabi.
Umiling-iling siya. "Sa tingin ko hindi `yan magugustohan ni Azi. Maypagka-conservative ang lalaking `yon."
"Ganu'n ba?" Ngumuso ito. "How about this one?" Tinaas naman nito ang kulay puting halterneck dress na hanggang sakong naman ang haba ni'yon.
"Ito simple lang pero elegante tingnan."
Kinuha niya iyon mula sa kamay nito. "Susukatin ko." Pumasok siya sa banyo para sukatin iyon. Nang makitang bagay nga sa kaniya ay lumabas na siya sa banyo.
"Oh, diba? Perfect! Aayusin ko pa ba ang buhok mo?"
"Please Shanti." Naupo siya sa sofa at sinimulan na nitong ayusin ang buhok niya.
"Masaya ako dahil nakikita kitang masaya, Señorita sa piling ng asawa mo. I have never seen you so happy like this."
Natigilan siya. Masyado ba siya transparent para makita na masaya siya ngayon? Hindi rin naman din niya gustong makipagplastikan at sabihin na hindi siya masaya.
"Thank you, Santi."
Nang matapos siya nitong ayusan ay agad na rin itong nagpaalam sa kaniya dahil may event pa raw ito na pupuntahan.
Pagsapit ng ala-sais ay dumating si Azi sa opisina niya.
"Hi!" bati niya rito. Hinihintay niyang pupunahin nito ang ayos niya pero wala siya narinig ni isang papuri sa bibig nito.
"Let's go?" anyaya nito sa kaniya.
"Okay."
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya pagkasakay nila sa sasakyan.
"Umh... Ava, I have something to tell you," anito imbis na sagutin ang tanong niya. Nakikita niya ang kaibahan ng awra nito ngayon kanina.
"Go ahead."
"I need to go back to La Union tomorrow night."
"May emergency bang nangyari sa ubasan mo?"
"It's not about my vineyard. Si Irene kasi pinagtangkaan niya ang sarili niya. I need to be there."
Nawala ang mga ngiti niya sa labi at pilit na tinatakpan ang lungkot na nararamdaman. Naglu-look forward siya ngayong gabi habang ito iba ang nasa isip. Gusto niyang magalit, pero ano ba ang karapatan niya para gawin iyon? Oo may nangyari sa kanila pero alam naman ni Ava na hindi sapat na batayan iyon para seryosohin na nila ang pagpapanggap nila bilang mag-asawa.
"Do what ever you want, Azi," walang emosyong sabi niya.
"Ava..."
"Umuwi na tayo."
"Ava—,"
"Nawalan na ako ng gana."
Nagbuntong-hininga ito at minaniobra ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
MAAGANG nagising kinaumagahan si Ava pero mas maaga pa rin nagising sa kaniya si Azi dahil wala na ito sa tabi niya. Umalis siya sa ibabaw ng kama at dumiretso sa banyo para maligo.
Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ay eksakto naman na pumasok si Azi bitbit ang umagahang hinanda nito para sa kaniya.
"Let's eat—,"
"Sa opisina na lang ako kakain. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga."
"Are you sure?" kunot ang noong tanong nito.
"Actually, hindi ko gusto `yang mga niluto mo. And one more thing, huwag ka nang dumaan sa opisina bago ka bumiyahe pabalik sa La Union. You don't have to do that." Walang paalam na hinihakbang niya ang mga paa palabas ng kwarto.
Hanggang ngayon masama pa rin ang loob niya sa binata. Pero sino ba siya para piliin nito? Kahit hindi naman sabihin ni Azi ay kita naman niya sa mga mata nito na mayroon pa rin itong nararamdaman para sa dati nitong nobya. Ang tanga lang siya dahil nagawa niyang isuko ang bagay na matagal niyang iningatan kahit pa kay Dalton.
Tinuon na lang ni Ava ang sarili sa trabaho para hindi na niya iniisip pa ang binata. Halos makaligtaan niya ang kumain ng tanghalian, pero hindi niya alintana iyon.
"Ma'am Ava?" si Mono.
"Anong kailangan mo?"
"Si Sir Azi ho nasa linya, gusto raw niya ho kayo makausap. Hindi ninyo raw ho kasi sinasagot ang tawag niya—,"
"Ayoko siyang makausap."
"Ho?"
Galit niya itong tiningnan. "Bingi ka ba? Ang sabi ko ayaw ko siyang makausap!"
"S-sasabihin ko po bang ayaw mo siyang makausap?"
"Tanga ka ba? Gusto mo bang ulitin ko pa sa'yo? Get out!" sikmat niya rito, kaya dali nitong sinara ang pinto.
Buntong hingang sinapo niya ang noo at pagkakuwan ay isinandal ang likuran sa backrest ng swivel chair niya at mariin na ipinikit ang mga mata.
Muli siyang napadilat ng bumukas ang pinto ng opisina niya. Lalo siyang nawala sa mood nang makita kung sino ang pumasok.
"Anong ginagawa mo rito, Dalton? Get out!"
Tatawagan sana niya si Mona sa intercom para tumawag ng security guard, pero pinigilan siya nito sa kamay.
"Ano ba, Dalton?! Let go of me!"
Hinila siya nito at nanlaki ang mga mata niya nang marahas siya nitong inihiga sa sofa at pinaghahalikan sa leeg.
"Dalton!"
Ang mga kamay niyang nanlalaban ay mabilis nitong nahuli at itinaas sa kaniyang ulohan. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang walang habas na pinunit nito ang suot niyang blusa.
"No! Dalton!"
Pero hindi siya pwedeng magpadala sa takot kailangan niyang manlaban. Ibinuhos niya ang natitirang lakas at palakas niya itong tinuhuran sa p*********i nito.
"You son of a b***h!" anito na malakas siyang sinampal.
Muli niya itong sinipa at nagtagumpay naman siya na mailayo ito kaya dali siyang tumayo at tumakbo palabas ng opisina.
"Ma'am, ano hong nangyari sa'yo?!" gulantang tanong ni Mona nang makita ang ayos niya.
"Call a police, right now!"
"Y-yes, Ma'am."
Agad na tumawag ng saklolo si Mona. Wala pang ilang minuto ay umakyat ang mga security guard at agad na dinakip si Dalton.
"I'm not through with you, Ava!" sigaw ni Dalton habang kinakaladkad ito palayo.
"Damn you!"
Nang mawala na ito sa paningin niya wala siyang malay na bumagsak sa sahig.
KAKAIBANG amoy ng paligid ang nagpagising kay Ava. Nasapo niya ang noo nang bahagyang kumirot ang sentido niya.
"Ma'am Ava, kumusta na ho ang pakiramdam ninyo?" nag-aalala si Mona na lumapit sa kaniya.
"Natawagan ko na ho si Ma'am Camilla, papunta na ho siya."
"How about my husband— never mind."
Bakit pa nga ba niya natanong ang isang iyon? Aiguradong nasa byahe na ito pauwi. Syempre mag uunahin nito ang babaeng mahal nito kaysa peke nitong asawa.
Sabay silang napabaling ng tingin ni Mona sa pinto nang bumukas iyon.
"Ava!" Hingal na lumapit sa kaniya si Azi at mahigpit siya nitong niyakap.
"God! I'm sorry for leaving you. Nasa byahe na ako nang matanggap ko ang tawag ni Camilla." Bahagya siya nitong inilayo. "Why the hell didn't you call me?!"
Nayuko siya. "Ayokong abalahin ka pa."
"What the hell are you saying?! Ava, I'm your husband!" sikmat nito sa kaniya.
"Pero uuwi ka sa La Union para sa kaniya! Ano naman ba ang laban ko sa babaeng `yon?!" Sa nangyari sa kaniya ay hindi na niya napigilan pang bumuhos ang emosyon niya.
Nagbuga ito ng hangin. "Mona, pwede bang iwan mo muna kami?" tanong nito kay Mona.
"Yes, Sir."
Mahigpit siyang muling niyakap ni Azi habang hinihimas siya sa likuran. "Hindi dahil sa mahal ko siya kaya ako uuwi. Kahit iyon lang ang tulong na maibigay ko sa kaniya. You are more important to me, Ava. Buti na lang tinawagan ako ni Camilla."
"Sinungaling! Walang ibang laman ang isip mo kundi ang babaeng iyon. Pinaghandaan ko ang date natin kagabi tapos bigla mong ipapasok ang babaeng iyon."
Hinawakan siya nito sa baba at marahan iyong itinaas. "Akala mo ba hindi ko napansin na nag-ayos ka para sa akin? You are look beautiful last night, Ava."
"Okay lang naman kung si Irene ang piliin mo, Azi. Wala naman tayong relasyon na kailangan mong ingatan."
"Ava, kung papipiliin ako sa inyo ni Irene, ikaw ang pipiliin ko. Hindi ko pa alam kung ano ba itong nararamdaman ko para sa'yo, pero isa lang ang alam ko, masaya ako kapag nakikita kang masaya. Malungkot ako kapag nakikita kang malungkot at higit akong nasasaktan kapag nakikita kitang nasasaktan. Kaya huwag ning iisipin na mas pipiliin ko si Irene. Oo, minahal ko siya noon pero noon iyon at kung ano man ang meron sa amin ay matagal na iyong tapos. Sa ngayaon wala akong gusto kundi ang makasama ka, Ava. Kung gusto mong dito na lang tayo sa manila, we will stay here. Ako na lang ang uuwi para bisitahin ang ubasan," mahaba nito paliwanag.
Mabilis siyang umiling at sinapo ang pisngi nito "You don't have to do that, Azi. Ayokong ialis ang agila sa pugad niya."
"Pero—,"
"Pareho tayo ng nararamdaman. Hindi ko rin alam kung ano itong nararamdaman ko para sayo, basta nagseselos ako kapag may ibang babae ang nauugnay sa'yo. Gusto kong tuklasin kung ano ito na ikaw ang kasama ko, Azi."
Hinalikan siya nito sa noo. "Yes, we will going figure it out."