--Tanner--
IT WAS TOO SUDDEN. Masyadong mabilis ang mga pangyayare kaya hindi niya naisip na mabubuntis si Sacha. Darn! Ang akala niya kasi ay may iniinom itong pills kaya hindi na siya nag-abalang gumamit ng condom. Oh stupid!
Mabilis niyang tinawagan si Zhera.
Sinabe niya rito ang pagbabago ng plano niya.
"Did something happen?--"
tanong agad ni Zhera.
"Sacha is pregnant, that's happened"
aniya.
Biglang tumahimik si Zhera ng ilan segundo saka tumikhim.
"congratulations?--"
Bumuntong hininga siya. Hindi niya kayang i-explained ang nararamdaman niya. Somehow, he feel happy because he will be a father..but all his plans will be ruined. Idagdag pa na labis siyang nag-aalala para kay Sacha.
"I need to see my father..I have to stop him. Hindi ako papayag na mapatay si Sacha..she's carrying my child."
nakakuyom ang mga kamay na wika niya.
"Don Luis is in Colombia..feel free to visit. You can tell her that your wife is Sacha White..maybe he would let Sacha in your hands."
makahulugang turan ni Zhera.
May punto ito. Baka sa ganoon paraan mapigilan niya ang manhunt na utos nito kay Sacha. Ayaw niyang mapahamak ito lalo na ngayon nagdadalang tao ito sa anak nila.
Nang matapos ang tawag, mabilis siyang kumilos para pumunta sa Columbia.
Gusto pa rin niyang ituloy ang binabalak ngunit may konting pagbabago. Labas na sa plano niya si Sacha..gagawin na lamang niya ang lahat upang makuha ang tiwala ni Don Luis.
Huminga siya ng malalim.
Alam niyang matindi ang galit ni Sacha White sa kanyang totoong ama na si Don Luis Horquez kaya naman naiintindihan niya kung galit na galit din ito sa kanya. Lalo pa't aminado siyang nagbalak talaga siyang dalhin ito kay Don Luis.
Wala na siyang sinayang na sandali nagbyahe kaagad siya patungong Columbia. Si Zhera mismo ang sumundo sa kanya sa airport at dinala siya sa malaking Mansion. LA EME Mansion.
"I said you were coming. He looks excited, but you still have to go through the DNA results. That was Don Luis' order--"
pagpapaliwanag ni Zhera sa kanya.
Tumango-tango naman siya.
"What if the DNA results turned into negative?--"
"He will kill you right away--"
Zhera gives him a scary stare.
"--any last message to your wife and unborn baby?"
sarkastikong tanong nito nang makalabas sa kotse. Sumunod din naman siya. Napalingon siya sa malaking Mansion, pinagmasdan niya ang buong paligid. Maaliwalas ang lugar, tahimik ngunit nagtataka siya bat walang mga bantay.
Nahulaan siguro ni Zhera ang tumatakbo sa isipan niya kaya nagsalita ito.
"Snipers are all around."
Oh! that's why!
Nagkibit balikat na lamang siya saka kalmadong pumasok sa loob ng Mansion. Dinala siya ni Zhera sa isang silid.
"They will take DNA samples from you. Just wait here..so when the result comes out--then Don Luis will face you."
seryosong saad ni Zhera.
He just rolled his eyes and nodded.
"Whatever--"he murmured.
Matagal na niya kakilala si Zhera pero wala man lang kabuhay-buhay ito kausap. Ni hindi man lang ngumi-ngiti ito pag nagsasalita. May lahing robot yata ang babaeng ito. Napailing na lang siya.
Hindi pa naman siya naiinip sa pag aantay ng may isang nurse ang kumuha ng blood sample niya at nagpunas ng parang cotton buds sa loob ng bibig niya. Sinabihan pa siya na magpahinga muna sa silid habang inaantay ang resulta.
Pahiga siyang nahiga sa kama, ginawa niyang unan ang isang braso niya habang nakatingala sa kisame. He deeply sighed. Kamusta na kaya si Sacha? Aminin man niya o hindi, nasanay na siya sa presensya nito. Maging sa pagtulog hinahanap-hanap niya ang amoy ng buhok nito.
Mariing napapikit siya. Bigla niyang na miss ang asawa, sana lang ay nasa maayos itong kalagayan. Hindi maalis sa isip niya ang magandang mukha ni Sacha hanggang sa makatulugan niya ang pag iisip dito.
*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈
NAGISING SIYA sa isang malakas na tunog. Parang putok ng baril--at sunod-sunod. Nagmadali siyang lumabas ng silid, sinundan lang niya ang pinangagalingan ng putok ng baril hanggang sa makarating siya sa likuran bahagi ng Mansion. Naroon siya Zhera kasama ang isang naka-wheel chair na matandang lalaki. May limang lalaki ang nakahandusay at meron pang tatlong babaeng nakaluhod tila nagmamakaawa na umiiyak.
"Por favor, no nos mates.."
"Tenemos hijos. por favor déjanos vivir!"
"Te lo ruego. no me mates!"
nagsusumamong sigaw ng tatlong babae. Subalit, nagmistulang bato si Zhera, isa-isa nitong pinagbabaril sa ulo ang tatlong babae, hanggang sa duguan na bumagsak ito sa lupa.
Maraming beses na siyang nakakita ng ganitong pagpatay. Normal na lang sa kanya ang ganitong bagay. Pero ayaw niya pa rin pumatay ng inosenteng tao.
Napansin siguro siya ni Zhera kaya lumingon ito sa gawi niya. Mamaya ay may ibinulong ito sa matandang nakaupo sa wheelchair. Marahan siyang lumapit sa dalawa, isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mukha ni Don Luis.
"--my son."
paanas na wika nito.
Ito na ba si Don Luis Horquez? Isang nanghihinang matanda na nakaupo lamang sa wheelchair. Payat ito tila may iniindang sakit. Kabaligtaran ito ng Don Luis na nasa isip niya.
Itinaas ng Don ang kamay nito upang hawakan siya. Bahagya siyang lumuhod upang maabot nito ang mukha niya.
"--my son..I am..very..sorry..ple-please forgive me..I am..not..a go-good father..to..y-you..I've..been looking for..you..for so lo-long..because..I want..to..see..you..be-before I die.."
utal-utal na anas ng kanyang biological father habang hinahaplos ang pisngi niya.
He was speechless. He couldn't believed it. Don Luis is dying.. What the? Nagtatakang lumingon siya kay Zhera. Why she didn't tell this to me? All along he was planning how to kill his biological father and now..everything seems so improbable.
Huminga siya ng malalim. Patuloy lang sa pagtitig sa kanya ang matanda para bang namamangha na makita siya.
"I don't know how to forgive you. I want you to know that--Im still mad at you. No matter how sorry you were, it doesn't differ all of your wrongdoing..You may rest in peace in hell."
malamig na bigkas niya sabay tayo at tinalikuran ito. Wala na palang saysay ang lahat ng plano niya.
Bumalik siya sa silid na pinanggalingan niya. Tuliro pa rin siya sa lahat ng naganap. Nonsense na ang plano niya tapos galit pa sa kanya si Sacha? What now?! bullshit!
Mayamaya ay bumukas ang pinto ng silid niya. Si Zhera.
Matalim niyang tinignan ito.
"Why you didn't tell me?Why?"
asik niya rito.
"To see you is his last wish-- If I tell you, will you still come?"
seryosong tugon ni Zhera.
No. Hindi siya pupunta. Kung nalaman niya iyon, malabong puntahan niya si Don Luis kahit libing nito wala siyang interest na puntahan.
Tiim ang bagang tumitig siya sa babae.
"--when he died what will happen?"
paasik na tanong niya. grabe! ang sarap mambigwas dahil sa inis na nararamdaman niya.
"--You will be in charge of LA EME because Judas is dead. That's your main plan..right?"
nakataas ang kilay na sabi ni Zhera.
Yeah! That's my ultimate plan...pero oras na siya ang humawak ng LA EME, magiging malabo na para sa kanya ang makipaglapit kay Sacha.
Paano si Sacha? Paano ang baby namin?
Oh god!
"What will happen to Don Luis' order? Will he stop it?--"
bigla niyang naitanong.
"Every words and commands coming from you will be equivalents to Don Luis words..you are now the superior here..Master Tanner"
Parang atomic bomb sa pandinig niya ang sinabe ni Zhera. He is now the headman of LA EME. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit parang may kulang?
Fūck!
잘자~⋆。˚⋆。˚