--Sacha--
"CONGRATULATIONS, you are six weeks pregnant"
bati ng doctor sa kanya. Matapos i-explain sa kanya ang dahilan ng pagdurugo niya, nagbigay pa ito ng advice at reseta saka umalis na rin.
Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib dahil biglang nanikip ang paghinga niya. Bakit ngayon pa? She can't believe that she's carrying a baby..nagdadalang-tao siya na may dugong LA EME.
Kung hindi sana niya nalaman ang katotohanan, masaya siguro siya ngayon dahil magiging Ina na rin siya ngunit kabaligtaran ang nararamdaman niya. Tanner betrayed her. He lied to me!
Nabaling ang atensyon niya nang bumukas ang pinto. Si Tanner. Bigla naman nagdilim ang mukha niya pagkakita sa huwad niyang asawa.
Bakas din sa itsura nito ang pagkatuliro, narinig niyang ang malakas na paghinga nito.
"Wag kang lalapit--"
tiim ang bagang na sabi niya.
Ngalingaling sungalngalin niya ang ngalangala nito sa matinding galit.
Napabuntong hininga ito saka napasabunot sa buhok na para bang nahihirapan magsalita.
"P-Paano ka..Paano ka nabuntis?--"
Napailing-iling pa ito tila naguluhan din sa sariling tanong.
Napamulagat si Sacha dahil sa tanong ni Tanner. Mas lalong nagpuyos ang kalooban niya. Siraulo ba 'to? Tinatanong siya kung paano ako nabuntis?
"Nilunok ko lang naman ang t***d mo kaya ako nabuntis! Puñeta ka!"
sarkastikong sigaw niya kay Tanner.
Parang gusto niyang alisin ang suwero niya na nakakabit sa kamay niya at sugurin ang lalaki. Ang damuho na 'to..kapal ng mukhang tanungin siya!
"No--baby. Im sorry, that's not what I meant."
malungkot ang mukhang saad ni Tanner.
"--don't baby me! I'll file an annulment asap..ayokong magkaroon pa ng kahit anong koneksyon saiyo!"
hiyaw niya habang nakakuyom ang mga palad.
"--but that's my child also! Wala akong intensyon na saktan ka..goddamn it! Would you please listen to me first?--"
puno ng iritasyon sabi ni Tanner.
Pero nanatili siyang bingi, sarado ang utak niya sa lahat ng sasabihin nito.
Para saan pa ba ang paliwanag nito? Anak ito ni Don Luis Horquez, kaya malamang sa malamang balak din nitong patayin siya.
Umiling siya.
"Get out!--My hencher and my men will be here in any minutes. Bibigyan kita ng ultimatum, umalis ka na bago ka pa nila maabutan..and don't ever show me your face! I hate you!"
nanggigigil na sigaw niya. Kulang umusok ang ilong niya sa sobrang galit.
"Okay..pagbibigyan kita sa gusto mo--pero babalik ako dahil anak ko rin yan batang dinadala mo..at hindi mo ko mapipigilan."
seryosong giit ni Tanner sa kanya saka mabilis na lumabas at umalis.
Nang makalabas ito saka lang niya naramdaman ang panghihina.
Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. For the first time in her life, nakaramdam siya ng takot. Hindi para sa sarili kundi para sa inosenteng buhay na nasa sinapupunan niya.
Napahimas siya sa maliit pa niyang tiyan. Anong gagawin ko? She's really scared. Kaya niya ba maging isang Ina?Oh god! Natuptop niya ang bibig dahil sa labis na hinagpis na nararamdaman.
Muling bumukas ang silid at nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ni Zeki nasa likuran naman nito si Fuji.
Mabilis siyang nilapitan ni Zeki at niyakap. Humagulgol siya. Hindi niya sukat akalain na pupuntahan siya ng kambal niya.
"--sshh..I know everything. stop crying"
pang-aalo ni Zeki sa kanya.
Hiyang-hiya siya. Nagpadalos-dalos siya sa mga desisyon. Ano na lang ang mararamdaman ng magulang nila sa kabilang buhay. Mas lalo pa niya hinigpitan ang paghapit sa beywang ni Zeki.
"--meron pang mas bad news. Nagpautos si Don Luis na ipapatay ka sa lahat ng professional assassin sa halagang fifty-million-dollar. You have to be very very careful--"
kapagkuwa'y bigkas ni Fuji.
Humiwalay siya ng yapos kay Zeki. Nagsalubong ang mga kilay niya. So, ginawa siyang Manhunt. Wow! Kinuyom niya ang mga palad.
"I don't care!--di ko sila uurungan. Bago pa sila makalapit sa'kin..baldado na sila."
nanggagalaiting wika niya.
"Sacha, you are pregnant! at sa paanong paraan ka lalaban? di ka ba nag iisip."
tiim ang bagang na wika ni Zeki sa kanya.
Shit! Anong gagawin niya? hihintayin na lang ba niya mabaril siya sa ulo ng walang kalaban-laban?
"--you'll be staying in White Fence. Fuji will be your side anywhere, anytime..and the rest of the Cartels will be the watchman and lookout outside the Mansion. Hindi ka pwedeng lumabas, mas lalong hinding-hindi ka na pwedeng lapitan pa ng 'fake husband' mo"
ma-awtoridad na utos ni Zeki.
Huminga siya ng malalim.
"I want abortion--"
malamig niyang wika.
Kung nagulat si Zeki, ganoon din ang gulat ni Fuji dahil sa sinabe niya.
Wala na siyang choice. Makakasagabal lang ang baby na ito. Sooner or later, kailangan niyang lumaban para ipagtanggol ang sarili niya. Paano siya lalaban kung buntis siya? Pakiramdam niya ito ang sugo ng kamatayan niya.
Bigla siyang naiyak muli.
the baby is innocent, Sacha! its blessing!
"Are you insane?--"
nakangiwing wika ni Zeki.
"are you out of your mind?--that baby is innocent! its your baby--paano mo naisip na patayin ang sarili mong anak?!"
hindi makapaniwalang paasik na sabi ni Fuji.
Litong-lito na rin siya. Wala na siya tamang huwisyo. Panay pa rin ang pagtulo ng mga luha niya.
"I-I don't know."
nangangatal na anas niya sa pagitan ng pag-iyak.
"Ikaw ang babae. Ikaw ang may katawan. Anak mo 'yan. So, ikaw bahala. Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo--"
malamig na sambit ni Zeki. Humarap ito kay Fuji.
"--dalhin na agad si Sacha sa White Fence."
Tumango naman si Fuji. Wala pang ilan sandali ay nakalabas na siya ng hospital.
Kasalukuyang nasa private plane na sila, pauwe ng Los Angeles. Humiwalay na rin si Zeki sa kanila. Delikado kasi kung may makakita rito. Kailangan na rin nito bumalik sa Faroe Island.
Sa buong byahe ay tahimik lang siya. Nag-mumuni muni siya. Inaalala niya ang mga masasayang araw na kasama niya si Tanner. Muli na naman siyang naluha.
I should not love him..
Hindi niya pa rin akalain na ang taong mahal niya ang siyang magdadala sa kanya sa kamatayan. Mariin siyang napapikit..hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya.
Kaya nang makarating sila sa White Fence, sangkaterba ang mga bantay sa loob at labas ng Mansion. Para siyang reyna na kailangan ng ingatan at bantayan.
Naupo siya sa malambot na couch sa salas. Ahh! Nag-inat pa siya ng likod.
"Do you have anything you want to eat Miss White?"
magalang na tanong ng Head Chef.
Ngumiti siya saka umiling. Wala siyang ganang kumaen. Gusto niya lang mahiga at matulog.
"Dapat doon ka sa kwarto mo mahiga, Sacha--"
napatingala siya kay Fuji ng makalapit ito. Umiling siya.
"--pakisabi sa Majordomo na itapon ang kama ko at palitan ng bago."
utos niya.
Ayaw niyang mahiga doon. Naaalala lang niya si Tanner. Umayos siya ng higa sa mahabang couch at humikab. Inaantok talaga siya.
Bago pa niya ipinikit ang mga mata naramdaman pa niya ang mabining halik ni Fuji sa tuktok ng ulo niya.
"Sleep well--"
narinig pa niyang bulong ni Fuji.
Bukas na siya mag iisip kung ano bang gagawin niya...sa unborn baby niya.
Im sorry my baby, Mommy is so scared of you.
(❛◡❛)✿