Nasa kuwarto niya si Greg. Hawak ang two way radio na siyang tanging komunikasyon sa kanang kamay na si Karyo. "Hello! Anong balita?," aniya sa kausap. "Sir, nasa account mo na ang bayad ng mga Intsik. May problema tayo Bossing," bawing balita nito. "Ano na namang problema 'yan Karyo. Pumalpak na naman kayo," inis na sagot rito. "Naku hindi Bossing si Congressman Chavez, pumuputak sa medya," anito sa isang pulitikong kliyente. "Bakit? Hindi niyo ba binigyan ng babae. 'Yan lang naman ang katapat ng pulitikong 'yan eh," inis na inis na sabad sa kabilang linya. "Binigyan namin Bossing pero tumanggi, gusto na raw tumuwid," anang pa ni Karyo. Mas lalo siyang nainis sa sinabi ng kanang kamay. "Tuwid, Bobo! Ngayon pa! Tapos idadawit ang negosyo ko, kung 'yan ang gusto niya pwes uunahin ko