Chapter 6:

1189 Words
Napagpasyahan niyang, patulugin muna ang babae para hindi na ito pumalag pa. Kailangan niyang mailayo muna ito para hindi masangkot pa at gagawin niya ito bago pa tuluyang makapasok sa buhay niya ang taong nagtatangkang ihulog siya sa bitag ng mga ito. Tunog ng telepono ang gumambala sa dibdibang pagpaplano nila ni Karyo. "Hello!," ani ni Karyo. "Talaga!, sure ilang babae ba?," sunod na tanong ni Karyo sa kausap sa telepono. Ngising-ngisi ito habang binababa ang aparatus. "Bossing, milyon na naman ito," nangigigil na baling nito sa kanya. "May mga grupo ng mga Chinese man na pupunta rito sa Pilipinas next week at gusto nilang mamili sa mga babae sa site ang gusto nilang makasama habang narito sa bansa," paliwanag nito sa kanila. Maging siya ay napangiti rin sa magandang balita. "Sige, pumunta ka sa 'kural' at ihanda ang mga babae," tukoy sa bahay kung saan nakatira ang mga babaeng pinagpipilihan ng mga kliyente nila. Binansagan nila itong kural para hindi masyadong halata sa iba. "Sure Bossing," anang ni Karyo habang nakangisi. "So anong plano niyo doon sa babae sa taas Bossing hindi ba natin isasali sa pagpipilihan. Tiyak marami ang may gusto kahit malaking halaga," dagdag pa ni Karyo. Nainis na si Greg sa tinuturan ng kausap kaya hindi maikaila ang pagkunot ng ulo niya. "Sabi ko nga Bossing, sa'yo lang siya," anito habang nahintakutan sa pagkakalukot ng mukha niya. Pinahanda niya ang gabihan ng babae. Sa gabing ito rin niya isasakatuparan ang paglilipat sa babae. Kaya matapos ihanda ni Manang Nena ang pagkain nito ay inuslit niyang lagyan ito ng pampatulog. Nabigla si Alexis sa biglaang pagbukas ng pintuhan. Niluwa ulit nito ang isang matandang babae na may hawak ng tray at si Greg. Gaya kagabi, pagkalapag nito ang tray ay agad na umalis. "Come eat," yaya ni Greg sa kanya. Wala siyang nagawa kundi saluhan ang pagkaing nakahatag. Nagtaka siya dahil hindi ito sumalo sa kanya. "I had a dinner meeting before I went home," anang nito. Napaismid siya. 'Tinatanong ko ba?,' anang ng suwail na isip. Matapos kumain ay parang hindi niya mapaglabanan ang antok. Halos hirap siyang manatiling nakadilat ang mga mata. Kaya mabilis na hinagilap ang kama bago pa siya bumagsak. Maingat na pinangko ni Greg ang babae saka tuluyang sinakay sa sasakyan patungong pantalan ng Batangas kung saan ang barko patungong Mindoro. Kinabukasan napabalikwas si Alexis nang magising siya at maalala ang nangyari kagabi. Agad na ginala ang maningin nang mabungaran ang bagong kuwartong kinalalagyan. "Nasaan ako?," tanong sa sarili. Mas napamura pa siya nang makitang nakadamit pantulog na siya samantalang hindi siya nakapagpalit kagabi. Mabilis ang ginawang pagsiyasat sa lugar. Tumanaw sa bintana at nakita ang terasang kanugnog ng kuwartong kinaroroonan, agad na siniyasat ang sliding door. Bumukas ito at tumambad ang napakagandang tanawin. Tanaw ang asul na asul na dagat. 'Putsa, nasa isla pa yata kami ah,' anang niya nang halos puro tubig ang nakikita. Mabilis na hinanap ang maliit niyang bag, natuwa siya dahil nakita niya ito kalapit sa isang lamesa. Binuksan at kinuha ang maliit na cellphone upang kontakin ang mga kasamahan pero laking dismaya niya na wala ring signal sa lugar na kinaroroonan. Tinungo ang pintuhan at sinubukan kung bubukas ito. Tuwang-tuwa siya ng bumukas ito. Sinara ulit at inayos muna ang sarili bago tuluyang lisanin ang lugar. Hindi siya pwedeng maburo lang doon. Sinuyod ng mata ang kinalalagyan habang nasa terasa. 'Ano ito! Hindi na ito Tagaytay ah,' inis na anang ng isip habang sinisipat at karagatang nakapalibot sa kinalalagyan. Bumalik si Alexis sa loob ng silid. Nasumpungan ang nakapinid na pintuhan. Agad na binuksan kaya laking tuwa niya nang bumukas ito. Mabilis ang mga paa habang tinalunton papalayo sa bahay. "Isla nga," aniya sa sarili ng mapagtantong tatlong bahay lang ang nakatirik sa islang iyon. Bumuntong hininga siya. Wala siyang matakasan, marunong siyang lumangoy pero hindi niya kakayaning languyin ito hanggang sa kabilang isla. "Buwisit ka stone man. May makita lang akong ebedinsya hindi akong mangingiming patayin ka. s**t!," nanlulumong napaupo sa buhanginan. Samantala, nasa terasa rin ng kanunog na silid ni Greg ng matanawan ang babaeng tumatakbo papalayo. 'Alexis,' bulong sa sarili. Batid niyang naghahanap ito ng matatakasan. Kita niyang hindi ito mapakali. Pabalik-balik hanggang matanawang parang bata itong napaupo sa buhanginan. Agad na pumanaog at puntahan ang dalaga. Papalapit ba siya dito nang mabungaran na kausap nito ang katiwalang si Mang Nestor. "Naku, ineng. Buwanan kong may dumaong na bangka dito. Ang may-ari kasi ng islang ito ay minsanan lang din pumarito, minsan sakay pa siya ng private chopper," anang ng matanda sa babae. Nakita niya ang pagbagsak ng balikat ng dalaga. Nang mapansin siya ng matanda ay agad na yumukod ito. "Magandang araw po Sir, naku Sir nagtatanong ang kasintahan niyo po kung paano makakaalis dito sa isla," bigay alam ng matanda dito. Nabigla si Alexis sa biglang pagyuko ng matandang kaharap. Agad na binalingan ang nasa likod ng malamang naroon ang lalaki. Tumalim ang titig nito sa kanya ng sabihin ng matanda ang pinag-uusapan nila. "Sige po Sir, Ma'am. Mauna na po ako," paalam nito sa kanila. Tumalikod na si Alexis pabalik sa bahay na pinanggalingan ng marinig ang boses ng lalaki. "If your trying to escape, don't insist. Hindi ka makakatakas," anito. Napatigil siya pero hindi siya nagsalita. Wala na siyang narinig na salita nito kaya pinagpatuloy ang paglalakad. Bigla nitong hinablot ang braso niya dahilan para masubsob siya sa matitipunong dibdib nito. Agad na hinuli ang mukha niya upang sibasibin ng halik. Tinikom ang bibig at inipon ang lakas. Isang malakas na suntok sa panga ng lalaki. Hindi nakahuma si Greg sa pag-atake sa kanya ng babae. Malakas ang suntok nito dahilan para mabitawan niya ito. Malalaki ang hakbang ni Alexis na pabalik sa kabahayan. "Hayop ka Stone Man kung anuman ang plano mo hindi ka magtatagumpay," inis na saad ni Alexis sa sarili habang nagkulong sa kuwarto. Maya-maya ay narinig ang boses ng lalaki sa labas ng pintuhan niya. "Alexis, open this door," malakas na utos nito. Hindi siya tumalima. "Huwag mo akong gagalitin," dagdag pa nito. "Pakawalan mo muna ako Greg," arteng sumamo niya. 'Shit..palpak pa yata ang plano namin. Hindi kaya alam ni Stone Man na isa akong undercover,' analisa sa sarili. Nahikamos ang mukha habang nakaupo sa gilid ng kama niya. Maya-maya ay nakita niyang binubuksan nito ang pintuhan. Napatanga siya sa dalawang mukhang nabungaran. Isang matandang babae at si Greg. "Salamat Manang," anang ni Greg sa matanda saka umalis. Napalunok siya ng silang dalawa na lang ni Greg ang naiwan. "Mabait akong tao Alexis pero kapag ginagalit ako, bumabangis ako. Kaya huwag mo akong subukan," inis na turan ni Greg sa kanya. "Alam ng mag-asawang katiwala ko ay girlfriend kita kaya kumilos ka ayon sa papel na iyon. Binili na kita kaya akin ka lang. Akin. Maliwanag ba?," matigas nitong wika. 's**t ka, hindi ako kagaya ng mga babaeng binibenta mo Greg. Lintik lang ang walang ganti,' aniya habang titig na titig sa kanya ang lalaki. "Mag-ayos ka na at nakahanda na ang almusal sa kusina. Mamaya ay ipapasyal kita sa kabuuhan ng isla," malumanay na nitong sabi saka tuluyang nilisan ang kuwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD