Nanlaki ang mata ni Alexis sa sumunod na tinuran ng lalaki. "Alexis why you lied to me. I love you but you bound to caught me," anang nito. Hindi niya alam kung tulog ba ito o nagkukunwari lamang dahil nakapikit pa rin ito. Kinabahan siya dahil sa mga sinabi nito ay napagtanto niyang alam na talaga ng lalaki ang kanyang pakay. Maging ang tunay nitong pangalan ay alam na rin nito. Kanina ay hinintay lamang niyang sumbatan siya nito pero hindi nito ginawa. Tumayo na siya nang tuluyang nakawala sa pagkakayakap nito. Agad na pumanaog sa banyo at nag-imis para sa usapan nila ng ginang. Nabungaran niya itong nagkakape sa sala nang bumaba siya. "Iha, mabuti naman at gising ka na. Halika na," anito akay sa kanya sa padulog sa mesa. Mukhang masarap ang pagkaing nakahatag sa mesa dahil amoy p