NAPATIGIL SI ALEXIS sa pagpunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Gawa na rin siguro ng pagbubuntis niya ang palagiang pag-inom ng tubig. Uhaw na uhaw siya kaya kahit mabigat ang katawan ay pinilit na tumayo. Nang palapit na siya sa kusina kung saan malapit sa sala ng bahay ni Greg ay naulinigan niya ang dalawang tinig na nag-uusap. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para tuluyang makinig sa usapan ng mga ito. Nagitla siya nang marinig ang pangalan ng babaeng nasa larawan. Habang matamang nakikinig ay hindi niya namalayang umiyak sa pinatutunguhan ng usapan ng dalawa. "Czaryna, ex-gf o ex-wife kaya ni Greg," anas sa sarili dahil hindi niya narinig lahat ang usapan ng mga ito. Pero alam niyang parte ito ng nakaraan ng binata. 'Mahal pa ba kaya niya si Czaryna,' biglang tano