KABANATA 1
His eyes fluttered open as the yesterday’s happy scene became a distant dream. Kaagad na tumama ang paningin niya sa panghapon na sinag ng araw na makikita sa nakabukas nang bintana sa kaniyang harap. Nakatulog na naman siya sa kanilang sala habang yakap ang damit ng kaniyang asawa na noo’y hinihintay niyang makauwi mula sa maghapon nitong trabaho. Siya nama’y walang pasok ngayon bilang isang daycare teacher sa eskwelahang malapit sa kung saan sila nakatira.
“Ay, Sir Jian. Gising na po pala kayo. Tara at magmireyenda,” ang narinig niyang paanyaya ng pinakamalapit at pinakamatagal na nilang katiwala na si Manang Luz.
“Salamat po, Manang. Pupunta rin po ako kaagad riyan sa kusina.” Ngumiti siya rito at tinanguan naman siya nito bilang tugon bago umalis pabalik sa kusina.
Kinusot niya ang kaniyang mga mata. Naupo muna siya sa sofa kung saan siya nakahiga kanina, inalala ang kaniyang napanaginipan. In his dream, two men were holding each other’s hand. Nakatayo sila sa gilid ng dagat habang nakangiti na tinatanaw ang papalubog na araw kagaya ngayon sa nakikita niya sa labas ng bintana.
“Nakaka-miss naman ang panahong iyon,” bulong niya sa sarili.
Napatingin siya sa hawak na damit bago niya iyon inilapat sa kaniyang ilong. Ang paborito niyang amoy nito. Jian’s heart ached thinking that his smell that he could always smell around their house was slowly fading. Hindi siya manhid at lalong hindi siya bulag. The person he loved the most in the whole world was slowly turning into a stranger in his eyes. Minsan nga ay natatakot na siya sa tuwing magtatama ang paningin nila. Tila anumang oras ay hindi na siya nito kilala.
His lips quivered as he tried not to shed tears.
“What’s happening to us Felix?” may sakit sa boses niyang bulong sa sarili.
Their relationship was becoming dull day by day. Hindi niya akalain na ang pagmamahalang ipinangako nila sa isa’t-isa ay hanggang pagka-miss na lamang sa kaniya. Jian though na kapag kasal na sila, happily ever after na. Hindi niya akalain na roon pa lang sila mag-uumpisa ng tunay ni Felix. Kung saan kasal na sila, roon pa niya ito makikitaan ng pagbabago.
Felix was the sweetest man he ever met in his life. Si Felix ang una at huling lalaki na minahal at mamahalin niya. Oo, may mga doubts siya noon dahil straight si Felix. Ang patulan nga siya nito noon ay isa nang napakalaking himala para kay Jian. Ilang beses niya itong ni-reject dahil natatakot siya sa mga posibilidad kapag nahulog siya sa isang straight. But Felix proved to Jian that he was the most important person for him. Giniba nito ang matigas na pader na pinalibot ni Jian sa kaniyang puso. He took his heart in a heartbeat until they got married.
Tinignan niya ang kulay ginto na singsing na iyon sa kaniyang kamay. Infinite iyon at ang patunay ng pagmamahalan at mga pangako nila ni Felix. Parang kahapon lang nang marinig niya ang wedding bells. Kapwa sila nakasuot ng puting suite and tie. Everyone wished them happiness and everlasting love.
“I wonder where it went wrong.” Mapait siyang ngumiti.
Bago pa siya malunod sa kalungkutan at tapusin na naman ang buong maghapon sa kaiiyak ay tumayo na siya para kainin na lamang ang lungkot. Nagtungo siya sa kusina kung saan naghihintay na sa kaniya ang mga nakatatakam na miryenda. Sa pagkain ng mga iyon, biglang naisip ni Jian na gumawa ng cookies para sa asawa. Wala siyang alam sa mga iyon kung kaya ay magpapaturo siya kay Manang Luz. Napangiwi siya sa kaisipang magbe-bake siya ngayon, ngunit para kay Felix ay gagawin niya.
Tumingin siya sa orasan na naroon sa kusina at may isa at kalahating-oras pa bago umuwi si Felix.
“Manang!” tawag niya sa katiwala na noo’y nasa labas at winawalisan ang mga tuyong dahon.
Agad itong napatingin sa gawi niya nang marinig ang kaniyang pagtawag. Nakangiti siyang lumapit dito dahilan para kumunot ang noo ng matanda kahit pa napangiti rin na makita siyang mukhang masaya. Everyone around them was not blind; they could also see and feel the changes around Felix. Ilang beses na rin siya nakita ni Manang Luz na malungkot dahil doon kaya ang makita siyang masaya ay nakapangingiti rin sa kanila.
“Oh? Anong nangyari, ijo? Binuhay ka ba ng mga niluto ko?” biro nito na kinatawa niya.
Umakbay siya sa matanda at kumikislap ang mga mata na tinignan ito. Manang Luz weirdly gave him a look na para bang nababaliw na siya.
“Tama, Manang! Sobra akong binuhay. Dahil diyan, tuturuan mo akong gumawa ng cookies at isosorpresa ko ng isang masaganang mireyenda ang pagod kong asawa.”
Napangiti rin pabalik sa kaniya ang matanda at mukhang nasiyahan sa kaniyang sinabi. Hinawakan nito ang kamay niyang nasa braso nito at bahagya iyong binigyan ng hagod. Jian was happy that he got Manang Luz in his life. Naaalala niya minsan dito ang kaniyang ina na minsan na lamang niya makita dahil malayo ang naging lugar kung saan sila nanirahan ni Felix.
“Oh siya, sige. Sino ba naman ako para tumanggi sa mga ngiti mo na iyan. Masaya kami kapag lagi kang nakangiti, ijo. Kagaya noong una ka naming makilala.” Marahan nitong tinapik ang pisngi niya. “Mahal ka ni Felix. Sigurado ako at dala lang ng pabigat nang pabigat na trabaho kaya nagkakaganiyan siya. Alam mo na, buhay mag-asawa na ang mayroon kayo.”
“Salamat, Manang.”
“Oh siya, tama na ang drama at gagawin pa natin ang iyong sorpresa.”
Jian poured all his heart on making those cookies. Batid niya ay kahit doon manlang, maging kasintamis ulit kagaya noon ang asawa. Miss na miss na niya and dating Felix. Minsan ay nakikita niyang nagugulat din ito lalo na kapag masisigawan siya kung kaya ay naroon pa rin ang pag-asa sa puso ni Jian. Baka tama nga si manang sa mga sinabi nito. Walong taon na mula nang makasal sila. Mahabang panahon na rin ang kanilang pinagsamahan. Malabo nang masira ang lahat sa kanila, hindi ba? Nangako sila sa isa’t-isa na hanggang dulo, sila pa rin ang magkasama.
“Oh, nariyan na yata siya at naririnig ko na ang sasakiyan,” ani Manang Luz sa kaniya kung kaya ay mabilis niyang nilagay sa pinggan ang mga nagawang cookies.
Jian was proud seeing his masterpiece.
“Welcome home!” bati niya kaagad rito.
Mabilis siyang lumapit at tinulungan itong kuhain ang suite nito. Jian tiptoed and tried to give him a kiss ngunit buong puso itong umiwas. Napalunok si Jian ngunit inintindi niya na lamang dahil mukhang pagod ito. Manang Luz signalled him that it was alright at inabot sa kaniya ang mga ginawa niyang cookies.
“Mahal, ginawa ko pala ito para sa iyo. Alam kong pagod ka. Kain ka muna?” Jian excitedly motioned him the cookies.
Walang emosiyon nitong tinignan ang pinggan kung saan ang mainit-init pang mga cookies bago siya muling binalingan.
“Wala akong gana.”
Napaawang ang labi ni Jian at napatingin siya kay Manang Luz na noo’y pilit pa rin siyang nginitian sabay hagod sa kaniyang likod. Hindi siya susuko. Kahit kaunti lang, nais ni Jian na kahit dito manlang ay baka makita niya ulit ang dating Felix. Pinaghirapan niya ito at nagkandapaso-paso pa ang ilang mga daliri para lamang magawa ang simpleng mga cookies na ito. He was looking forward for a smiling Felix.
“Kaunti lang mahal, please?” pilit niya.
“Jian, pagod ako at may kailangan pang gawin. Kainin niyo na lamang iyan nila manang,” anito sabay talikod sa kaniya.
He was hurt hearing Felix called him by his name instead ng normal nilang tawagan, pero winaglit niya na lamang. Ngumiti pa rin siya sa harap nito kahit tila dinudurog na ang kaniyang puso.
“Kahit isa lang talaga. Pangako hindi na ako –”
“Sinabi nang ayaw ko, eh! Bakit ba ang kulit mo?” His voiced thundered all over their house na napalabas pa sa kusina ang ilan sa kanilang mga kasambahay.
Nabasag ang pinggan at kumalat sa sahig ang mga cookies dahil sa pagharap nito ay bigla na lamang siya nitong tinulak. Napasalampak maging si Jian sa sahig na kaagad naman nilapitan ni Manang Luz. Nanlalaki ang mga mata ni Jian, hindi makapaniwala sa ginawa ni Felix. Ni hindi siya nito pinagtaasan ng ganoong boses at sinaktan kailanman! Nang tiningala niya ito ay kita niya ang nagdaang guilt sa mga mata nito na kaagad ring napalitan ng inis.
“Felix, ijo! Bakit kailangan mo namang itulak ang asawa mo? Alam mo bang pinaghirapan niyang gawin ang mga iyan para lamang isorpresa ka?” Manang Luz roared at Felix.
“Kasalanan niya naman, masyadong makulit. Sinabi nang ayaw ko, eh!” sagot nito.
Nagkatinginan pa sila ng ilang saglit bago siya nito tinalikuran. Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa makaakyat ito sa ikalawang palapag ng bahay nila at pumasok na sa kanilang silid. Tinulungan siya ni manang na tumayo at hahabulin pa sana nito si Felix ngunit hinawakan na lamang niya si Manang Luz sa braso at inilingan.
“Ayos lang po, Manang. Hayaan niyo na.”
Bakas ang awa sa mga mata ng matanda para sa kaniya. Jian wouldn’t lie; his heart was hurting so much. Niyakap siya ni Manang Luz at mabilis din siyang napayakap nang mahigpit dito. Jian needed it so much. Gusto niyang lokohin ang sarili at isiping hindi iyon ang Felix niya, kung hindi ay ibang tao. But it was him. It was him and that was what killing Jian softly.
Bakit natin kailangang umabot sa ganito, Felix? Ang katanungang namutawi sa kaniyang isipan.