KABANATA 2

1816 Words
KABANATA 2 Maingat at walang ingay na pumasok si Jian sa kwarto nila ng kaniyang asawa. Manang Luz helped him to tidy things that scattered earlier at hanggang ngayon, nakararamdam pa rin siya ng kirot sa kaniyang dibdib. Sinusubukan niya namang intindihin si Felix, kaso habang dumaraan ang mga araw, Jian couldn’t help but to feel less important to his husband. Tila ba ang pagmamahalan na dati ay nag-aalab, ngayon ay unti-unti nang natutupok. Nang tuluyan na siyang makapasok sa kanilang silid, nakita niya itong payapa nang natutulog sa kanilang kama. Nakasuot na ito ng roba at nasisiguro ni Jian na nakaligo na ito. Bumuntong-hininga siya at niligpit ang mga medyas nito at necktie na naroon pa sa sahig. Nakita niya rin ang isang baso ng wine sa lamesa nila roon na hindi pa nauubos. Kinuha niya iyon at sabay ring niligpit. Loneliness crept in Jian’s heart habang tinitignan ang nahihimbing na asawa. Naglaro sa utak niya ang mga alaala kung saan sabay silang matutulog. They would talk about a lot of things habang magkayakap, ngunit ngayon… nag-iba na lamang bigla ang lahat. He was trying his hardest na intindihin ito, pero hanggang kailan? Ayaw man niyang aminin, ngunit habang dumaraan ang mga araw ay unti-unti na rin siyang napapagod. “Ano na ba ang nangyayari sa atin, mahal? Bakit bigla na lang tayong nagkakaganito? Kung may problema man, sana magsabi ka rin sa akin,” pabulong niyang sambit. Dahan-dahan siyang nahiga sa tabi nito. Pinanuod niya ang paghinga nito, ang payapa nitong mukha na na-miss niya. Araw-araw kasi, lagi nang sunggab ang mga kilay nito lalo na kapag kaharap siya. Itinaas niya ang isa niyang kamay at marahan hinaplos ang mukha ng asawa. Felix’s nose wrinkled from his gesture. Napangiti si Jian. “Kaya mo na talagang matulog na hindi ako hinihintay…” seryoso niyang saad. Jian curled his body at pilit na sumiksik sa katawan ni Felix. Tinignan niya lamang ito buong magdamag hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. The next day, Felix was already nowhere to be found. Mag-isa na lamang siya sa gitna ng kanilang kama. Wala na ang senariyo na gigising siya at ang una niyang makikita ay ang mukha ng nakangiti na asawa. Felix would greet him a good morning sabay halik sa kaniyang noo, ilong, at mga labi. Ngunit ngayon, wala na. Naiwan na naman siyang mag-isa kagaya ng nangyayari sa mga nagdaang araw. “I feel so cold.” Jian’s voice cracked. Niyakap niya ang unan kung saan may kaunting amoy pa ni Felix and not long after, his tears started streaming down his face. “Good morning everyone!” bati niya sa lahat nang makababa. “Good morning, Manang Luz.” “Ay, magandang umaga rin, Sir Jian.” Pinakatitigan siya ng matanda bago nakangiting hinaplos sa kaniyang braso. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Napangiti siya rito. “Huwag po kayong mag-alala, Manang. Hindi ko naman po dinamdam ang nangyari kahapong ng sobra.” Iniwas niya ang paningin sa matanda dahil baka makita pa nitong nagsisinungaling siya. Tinignan niya ang mga nakahain nang agahan sa lamesa at nakita na tila wala manlang bakas na kumain si Felix mula roon. “Kumain po ba ang asawa ko bago umalis?” tanong niya kay Manang Luz. “Ay, ewan ko ba. Pinilit ko naman kaso isang tinapay lang ang kinuha at umalis na. Ganoon ba talaga siya ka-busy kaagad umaga pa lang?” Umiling ang matanda at siya nama’y bahagyang nanlumo. Parang walang lasa ang mga kinain ni Jian na umagahan kahit sa totoo ay masasarap ang mga luto ni Manang Luz. Wala siya sa sarili nang umalis sa kanilang bahay, ngunit nang makarating sa trabaho at nakita na ang mga cute niyang estudyante ay bahagyang nawala ang kaniyang mga iniisip. “Good morning, teacher!” Kaagad na umaliwas ang umaga ni Jian nang makita ang mga chikiting. He always loved kids’ eversince. Noon pa man ay malapit na ang loob niya sa mga bata. Hindi niya itatanggi na isa sa kaniyang pinangarap ay ang magkaroon ng anak na sarili, ngunit nang mangyari si Felix sa buhay niya, he gave that dream up dahil mas matimbang na ang pagmamahal niya para kay Felix. Jian wondered kung naiisip na ba iyon ni Felix kung kaya nag-iiba na ang pakikitungo nito sa kaniya? Pero klaro sa utak niyang sinabi ni Felix noon na ayos lang kahit hindi na sila magkaanak, ang importante ay nagmamahalan sila. Kung i-suggest niya kaya ulit ang adaption kay Felix? Hindi na nila ito napag-usapan ulit. “Teacher Jian, are you okay?” Nawala sa malalim na pag-iisip si Jian nang marinig ang boses ng isa sa pinakamalapit sa kaniyang estudyante niya na si Vander. Limang-taong gulang ito at sobrang talino! Sa unang tingin, akala mo suplado dahil kahit maliit pa lang ay matapang na ang mukha. But in reality he was a clingy one at sobrang sweet din. “Sorry, okay lang si teacher, baby.” Ngumiti siya at hinimas ang ulo nito. The kid pouted at him at ang matambok nitong mga pisngi ay namula. “If teacher is not okay, Vander is not okay, too. Daddy will be sad, too,” anito na kinakunot ng noo niya sa kabila ng pagngiti. “Even Daddy?” wala sa sarili niyang tanong. Tumango ang bata. “Yes, even Daddy.” Winaglit na lamang niya ang sinabi ni Vander sa kaniya. Bata lang ito. Ngunit sabi nga nila, hindi nagsisinungaling ang mga bata. Kilala niya ang ama ni Vander, si Vernon Santillan. Si Vernon, isang professor sa isang kilalang unibersidad. Kahit ganoon, hands-on pa rin ito sa paghatid at sundo sa nag-iisa nitong anak na si Vander. Maaga kasing namatay ang ina ni Vander na isa sa mga matalik na kaibigan ni Jian dahil nagkaroon ito ng biglaang sakit ilang buwan pagkatapos manganak. Ang ina ni Vander, naging kaklase dati ni Jian sa kolehiyo kaya kilala niya rin talaga ang mag-ama at naging kaibigan din si Vernon paglaon. Isa sa dahilan kung bakit napakalapit ni Vander sa kaniya ay dahil sa pagkakaibigan na iyon. Halos siya na rin kasi ang nakamulatan ni Vander magmula nang mamatay ang ina at kaya napakalapit din ng loob niya sa bata. “Ikaw na ang bahala sa mag-ama ko, Jian. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan.” Sariwa pa rin sa utak niya ang mga huling salita na iyon ng kaibigan. Magmula noon, sa puso niya, parang anak na rin niya kung ituring si Vander. May parte lang sa puso ni Jian na nahahaluan ng kirot at pagkabahala. Kung sana mayroon din sila ni Felix ng kagaya ni Vander. Kaso masama ang kaisipan niya na iyon. Pinagkatiwala ng kaibigan niya sa kaniya si Vander, iyon lang ang karakter na kailangan niyang gampanan dahil bukod sa teacher, ninong din siya nito. Isa pa, ginagawa niya rin ito bilang kaibigan ng mga magulang ng mga bata. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Felix ito dahil kilala rin nito si Ameiry bilang kaibigan niya maging si Vernon. The couple even attended their wedding before at isa sila sa mga unang tumanggap sa kanila ni Felix. Iyon lang talaga, Jian really wanted a kid like this with his beloved husband. Sa dami ng mga naisip niya, hindi na namalayan ni Jian na tapos na naman pala ang kaniyang araw. Kasama ang mga bata ay hinintay niya ang mga sundo nila hanggang isa-isa na silang nakauwi. Naiwan sila ni Vander na lagi namang late nakukuha ng ama. Naiintindihan niya naman at sa talino ni Vander, alam niyang naiintindihan din nito kung bakit palaging late ang ama. “Gusto mo ba ng sweets?” tanong niya sa bata na noo’y tahimik lamang na naglalaro sa lapag ng mga puzzles. Umiling ito sa kaniya. “Teacher, are you really okay?” Natigilan siya dahil sa isang araw, ikatlong beses na iyong natanong ng bata. Ganoon ba talaga siya kahalata? Wala sa sarili na sinipat niya ang kaniyang mukha. Bago pa man siya makasagot, napatingin na silang dalawa nang bumukas ang pinto ng classroom. Dumating na ang Daddy nitong halatang nagmadali na naman sa pagpunta rito. Alam ni Jian na midterms ngayon sa college kaya halos isang oras itong late ngayon sa pagkuha sa anak. “Pasensiya na, hindi ka makauwi kaagad parati dahil nali-late ako,” pagpapaumanhin nito at halata talaga sa mukha na nakokonsiyensiya ito. Tumawa si Jian. “Ano ka ba! Hindi ko naman maaaring iwan ang bata at isa pa, hindi ka pa rin ba sanay sa tagal na panahon nang ganito?” Umiling-iling siya. “Parang hindi naman tayo magkaibigan niyan, Vernon.” Umaliwalas ang mukha ng huli sa narinig mula sa kaniya. Alam niyang nagustuhan ng kaibigang si Ameiry ang pag-uugali nito. She would always proudly talk a lot about Vernon noong college pa lang sila. Sa pagkaalala niya kasi, nagkakilala ang dalawa dahil sa set-up ng mga barkada ni Vernon na noo’y taga ibang unibersidad kaysa sa kanila. “Ayos ka lang ba?” Napipi si Jian dahil maging si Vernon ay tinanong iyon. “Mukhang mas stress ka ngayon kaysa sa nakasanayan, Jian. Si Felix ba?” Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Pareho talaga sila ng anak nitong matalino at obserbante! “Ayos lang ako ano ka ba. Pareho talaga kayo nitong chikiting mo.” Sinubukan niyang magbiro, ngunit hindi yata iyon bumenta kay Vernon. The man gently touched the bottom of his eyes. Nabato si Jian mula sa kinatatayuan niya. Kinabahan siya dahil napapansin na rin niya ito kay Vernon nito lang. Madalas na itong mag-alala sa kaniya and even did simple gestures that was making Jian nervous and anxious. Dagdag pa na may ideya rin si Vernon sa mga problema ni Jian patungkol kay Felix dahil nakalabas siya isang beses ng sama ng loob niya rito. Kung hindi pa umangal si Vander na nagugutom na, nanatili pa sana silang ganoon na dalawa. Dala ng labis na kaba, mabilis siyang tumalikod sa mag-ama at pumasok sa classroom. Sinara niya ang pinto at napapapikit na sumandal doon. Bukas na lang siya hihingi ng paumanhin kay Vander dahil hindi siya nakapagpaalam. Sa nangyari ay bahagya siyang nainis kay Vernon. Ano ba ang ginagawa nito? Image of Felix getting mad at him flashed in Jian’s mind kung kaya mas kinabahan siya. No! Mamatay na siya kung mangyari man iyon. The least thing he wouldn’t do was betraying his beloved Felix. Tsaka nag-alala lang naman siguro si Vernon bilang kaibigan, hindi niya dapat lagiyan ng malisya. Bumuntong-hininga si Jian pagkatapos kumalma. Mahal niya si Felix at mahal siya ni Felix. Kasal na sila at nangako na sila lang ang para sa isa’t-isa. Thing like cheating, hinding-hindi mangyayari iyon sa relasiyon nila. Matatag sila simula pa noon at may tiwala sa isa’t-isa. Naniniwala si Jian na kahit nagkakaproblema silang dalawa ngayon, walang magloloko sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD