KABANATA 4

1657 Words
KABANATA 4 Nakangiti na pinagmasdan ni Jian ang mga niluto niya ngayong gabi. Nagpaturo siya kanina kay Manang Luz na ngayon ay pinagpahinga na niya. Bahagyang napawi ang ngiti niya habang nilalagay ang huling dekorasiyon sa lamesa na hinanda niya para sa isang romantic dinner. Jian’s glad Manang Luz didn’t ask for more kanina nang makauwi siyang tila basang sisiw. Sinabi na lamang niya na nakalimutan niyang magdala ng payong at kaagad na nabasa pagkalabas ng mall. He needed to calm down. Ayaw na niyang mag-isip ng malalim sa nakita kanina. Hindi maaari na mag-conclude na kaagad siya base sa mga nakita lang. Paano kung kaibigan lang pala iyon at nagpasama ito na bumili ng regalo para sa kaniya? Afterall, this day was one of the important day for their relationship. Kaagad na nawala sa pag-iisip si Jian nang marinig ang tunog ng sasakiyan sa labas ng kanilang bahay. Tumingin siya sa orasan na nasa kusina at nakitang alas-otso na ng gabi. Tamang-tama lang ang dating nito at mainit-init pa ang kaniyang mga niluto. Jian pursed his lips as he quickly gave his hair a stroke to put them on the right place. Pinasadahan niya rin ang kaniyang suot para ayusin. He took a deep breathe bago humakbang para salubungin ang asawa na kauuwi lang. “Welcome home!” masigla niyang bati rito at kagaya ng kasanayan ay mabilis niya itong inalalayan sa pagkuha ng coat nito. Tahimik lamang siya nitong pinakatitigan at hinayaan na alalayan ito. Jians heart quivered with delight dahil hindi siya nito sinungitan. Gusto niyang mapatalon dahil naisip niya na baka bumalik na ito sa dati ngayong gabi. Umaasa siya na may sorpresa rin ito ulit. Kagaya ng dati. Kagaya ng nakasanayan. “Bakit gising ka pa?” tanong nito na bahagyang nagpalaki sa mga mata niya. His voice didn’t sound concern, more-on, it sounded irritated. Napalunok siya at pinilit na tumayo nang maayos sa harap nito sa kabila ng panginginig ng kaniyang mga tuhod. Pinilit niyang ngumiti sa asawa na seryoso pa rin ang expresiyon. “Hinintay talaga kita. Hindi ka ba nabasa? Malakas ang ulan kanina,” alala niyang tanong dito. Nakita niyang hinilot nito ang sariling sentido bago bumuntong-hininga. Jian could see tiredness from his eyes. Nasasaktan siyang isipin na sa nakita niya kanina kasama ang isang babae, parang labis ang tuwa sa mga mata na iyon. Ngunit ngayong siya na ang kaharap nito ay pagod na ang mga iyon. “I’m tired, Jian. Mauuna na ako sa taas.” Tired? Gustong matawa ni Jian. Hindi ba nito naalala kung ano ang mayroon sa araw na ito ngayon para sabihin nito na pagod na naman ito kagaya ng palagi nitong sinasabi para lang iwasan siya? Umasa siya! Sinantabi na nga lamang niya ang mga nakita kanina at hindi ito inisipan ng masama, pero ngayong siya na ang kasama nito ay pagod na ito? Pero hindi sa babae na kasama nito kanina? Sino ba iyon? For pete’s sake! Siya ang asawa! Natatawa siyang yumuko. “Hindi ka manlang ba kakain?” Nanginig ang boses ni Jian sa unti-unting inis na nadama. “Kumain na ako sa labas. Ikaw na lang,” anito. Mabilis siyang napatingin dito. Hindi na siguro maipinta ang expresiyon niya kung kaya ay bahagya itong natigilan nang makita ang mukha niya. Wala na siyang pakialam. Masama ang loob niya! “A-Alam mo ba kung ano ang mayroon sa araw na ito, m-mahal?” Halatang nag-isip ito nang marinig ang katanungan niya. Jian’s lips parted. Bakit iniisip na nito kung ano ang mayroon sa araw na ito? Nakalimutan ba nito? Nakalimot ito sa anibersaryo nila bilang magkarelasiyon kaya iniisip na lamang nito na tila limot na limot na nito iyon? Hindi makapaniwala si Jian. His heart was searing with so much pain. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo kung ano man iyan.” Hinilot nitong muli ang sentido nito at bahagya pa siyang tinapik sa balikat. “Aakyat na ako.” Natulala si Jian sa kawalan nang nilagpasan siya nito para umakyat na sa taas. Nanghihina siya. Lahat ng pag-asa niya ay parang salamin na nabasag sa isang iglap. Oo nga, sobra siyang nasorpresa. Sinorpresa siya nito sa katotohanang hindi na nito naalala. Anong nangyari? Si Felix na ba talaga iyon? Pagod lang ito. Hanggang kailan niya papaniwalain ang kaniyang sarili? Pagod ito pero nasa labas kasama ang isang babae at tila sobrang saya pa. Iyon ba ang pagod? Nagsasaya ito sa labas pero sa kaniya ay pagod nang uuwi? Parte ba ng trabaho nito iyon? Tinakpan ni Jian ang kaniyang bibig gamit ang nanginginig niyang kamay. Pagak siyang natawa at nais mang maiyak ay katwang walang luha na lumalabas sa kaniyang mga mata. Ang tanging nararamdaman na lamang niya sa punto na iyon ay labis na pagngangalit sa kaniyang puso. He felt so betrayed. “Happy anniversary,” bulong niyang sambit sa kawalan. Naglakad siya papunta sa kusina kung saan lahat ng mga pinaghandaan niya. Ang pinagpaguran niya. Binuhos niya ang puso niya sa sorpresa na ito, yet, nasayang lamang. His hands were covered with bandaids dahil sa mangilan na mga cuts. Ilang beses siyang pinagsabihan ni Manang Luz dahil nasosobrahan siya minsan sa paglagay ng asin. Maluha-luha siya sa paghiwa ng sibuyas. Ilang beses siyang umulit sa pag-bake ng cookies na hugis puso dahil kung hindi sunog, medyo hilaw naman ang iba. Nanlulumo na tinignan niya lahat ng iyon sa lamesa. Iyon ay pagmamahal niyang unti-unti nang binabalewala. That night, despite of his aching heart, Jian sat down on the table and ate all of his efforts. Kahit masuka-suka na siya sa kabusugan, pilit niya pa rin na inubos lahat. Hindi na niya namalayan na sa huli, pumapatak na pala ang mga luha niya habang inuubos ang mga iyon. He never thought that he would come to hate their anniversary. Hindi ito inaasahan ni Jian. Hindi niya inaasahang unit-unti nang lumilinaw ang mga katotohanan sa kaniyang harapan. Kinabukasan, hindi siya nakapasok sa trabaho dahil sa sobrang bigat ng katawan. Nanakit din ang tiyan niya at nilagnat dahil nabasa siya ng ulan. Ngunit, paggising niya ay wala na ang asawa at pumasok na raw sa trabaho. Tinanong niya kay Manang Luz kung may sinabi ito bago umalis, pero wala naman daw. Nanlumo si Jian. Datirati kapag nagkakasakit siya, hindi talaga ito pumapasok sa trabaho para lang alagaan siya. Ngunit ngayon… “Gusto ko na ako mismo ang mag-aalaga sa iyo kapag may sakit ka, mahal.” Nakagat niya ang ibaba ng kaniyang labi at naluluha na sumiksik sa kumot dala ng panlalamig. Wala na ang mga pangako nito kagaya no’n. Lahat ay masasayang alaala na lamang. Bumukas ang kwarto niya at pumasok si Manang Luz dala ang isang tray ng mainit na lugaw. May gamot din doon at nangingiti na lamang siya sa sarili dahil hindi na si Felix ang gumagawa ng lahat ng iyon. “Inumin mo muna ito, Sir Jian,” malungkot na sambit ni manang habang pilit siyang umuupo sa kaniyang higaan. “Salamat, Manang.” Tila iniihaw sa init ang katawan niya. Mukhang hindi pa kaagad siya gagaling hanggang bukas. “Sir…” Nakita niyang tila may nais sabihin si Manang Luz kaya nag-abang siya. “Kumusta… kagabi? Maayos naman ba ang pag-celebrate niyo?” Ibinaba niya ang hawak niyang baso pagkatapos makainom ng gamot. Hindi niya tinago kay Manang ang nararamdaman niya. Masakit na talaga. Kaya nang magtagpo ang paningin nila ni Manang Luz, nakita niya ang awa na rumehistro sa mukha nito. “H-Hindi ko na alam ang gagawin ko, Manang. Napapagod na akong intindihin siya…” Hinaplos ni Manang Luz ang likod niya pero hindi manlang nabawasan ng alo nito ang sakit sa kaniyang dibdib. Marahil ay dala ng bigat ng katawan at labis na pagod ng utak niya kakaisip sa asawa at sa nakita niya kahapon, muli siyang nakatulog. Only after Jian woke up he saw a bouquet of flowers sa side table na naroon. Halos mahulog siya sa kama maabot lamang iyon at kaagad na tumibok ang kaniyang puso dahil ang paborito niyang mga bulaklak iyon! “Felix?” Mabilis siyang bumaba sa higaan para hanapin ang asawa. Nakita niyang ala-singko pa lamang ng hapon at naisip niya na baka umuwi ito ng maaga dala ng pag-aalala. Nasa baba kaya ito? “Oh? Sir Jian? Bakit ka bumangon? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka?” si Manang Luz na namataan siyang pababa ng hagdan. Tila nagkaroon ng sobrang lakas si Jian habang masigla at bitbit ang bulaklak. Ramdam niyang mainit pa rin siya ngunit sa sobrang tuwa niya ay tila hindi na niya iyon alintana. Nais niyang makita ang asawa! “S-Si Felix po, Manang? Nasa kusina ba? Naghahain ng pagkain para sa akin?” natutuwa at sunod-sunod niyang tanong kay Manang Luz na biglang nagulat. Bumaba ang paningin ng matanda sa hawak niyang bulaklak at tila kaagad na nakuha nito ang pinanghuhugutan niya. Bumuntong-hininga ito at umiling. “Bigay iyan ng kaibigan mo rito kanina… nag-aalala sa iyo at kasama ang anak nito. Natutulog ka pa kasi kaya inabot na lamang nila sa akin.” Jian’s smile frozed after hearing that. “Ani ng bata na si Vander ay magpagaling ka na raw.” Napasinghal si Jian sa kaniyang sarili at kaagad na nanghihina na naupo sa sofa roon. Naging maagap naman si Manang Luz sa pag-alalay sa kaniya. Umasa na naman pala siya. Isa na naman palang maling akala. “A-Akala ko… Akala ko kasi Manang…” “Sir Jian…” Niyakap siya ng matanda habang hinahagod ang kaniyang likod. Natulala siya sa kawalan at tila ba sa isang iglap ay nanumbalik ang bigat sa kaniyang katawan. “Hindi na ba siya nag-aalala sa akin, Manang?” halos pabulong niyang tanong. Hindi nakasagot ang matanda sa kaniya kung kaya ay napapikit na lamang si Jian. Nais na lamang niyang matulog habangbuhay dahil sa mga panaginip niya kung saan masaya pa rin sila ni Felix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD