KABANATA 5
Hindi alam ni Jian ngunit ang mabigat niyang katawan ay tila biglang gumaan. Pakiramdam niya ay nakalutang siya at may kung anong mainit na mga bagay na dinadala ang katawan niya ng may pag-iingat. Not long after, lumapag ang katawan niya sa malambot na bagay. May kung anong humahaplos sa buhok niya at ang huli na lamang niyang naramdaman ay ang mabasa at mainit na bagay na iyon na dumampi sa kaniyang noo.
“F-Felix…” Bumukas ang mga mata niya at ang unang sumalubong sa kaniya ay ang madilim at tahimik na paligid.
Napatingin si Jian sa kumot na nakabalot sa katawan niya, roon niya natanto na nasa silid na siya nila ni Felix. Nangunot ang noo niya habang pinipilit na iupo ang sarili mula sa pagkakahiga. Ang huli niyang naalala ay ang pag-uusap nila ni Manang Luz kanina sa sala. Naisip niya kung nakatulugan na naman ba niya ang pag-iyak, ngunit paano siya nabuhat ni manang papunta sa silid? Imposible iyon.
Sinipat niya ang kaniyang sarili at naramdaman na bahagya lamang ang pagbaba ng kaniyang temperatura. Habang nagtataka pa rin siya at iniisip kung ano ang nangyari kanina bigla namang bumukas ang pinto sa silid at niluwa ang sagot sa kaniyang mga katanungan. His husband Felix was walking towards him with a tray of food and medicine on it. Nakasuot pa ito ng slacks at puting polo na tinupi nito hanggang siko at bukas ang unang tatlong butones pahiwatig na kauuwi lang din nito galing sa trabaho.
“You’re awake? Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sabay lapag ng tray sa lamesa roon.
Tila nawalan siya ng dila. Natulala lamang siya sa asawa na sinipat pa ang noo niya para tignan kung mainit pa ba siya. Hindi alam ni Jian kung tulog pa rin ba siya o nasa gitna pa rin siya ng isang napakagandang panaginip. His husband was here at inaasikaso siya!
“Jan Adrian?” nakakunot ang noo na kuha nito ng atensiyon niya dahil nanatili siyang nakatulala sa mukha nito.
Imbes na sumagot ay hinaplos niya muna ang mukha nito. Oh how he missed his husband dearly. Mabuti na lamang at hindi ito lumayo. Bawat detalye sa mukha nito ay pinakatitigan niya. Halos manubig ang kaniyang mga mata sa unti-unting paglabas niya ng mga naipon na bigat sa kaniyang dibdib.
“I missed you,” pabulong niyang sambit. “Hindi ba ito panaginip, mahal?”
Malalim na bumuntong-hininga si Felix at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. Hinaplos nito ang ilalim at gilid ng mga mata niya. Somehow, Jian saw a bit of that gentleness na matagal na niyang hindi nakita sa mga mata ng asawa. He was on the brink of giving up dahil napapagod na siya, pero heto ngayon ang asawa at muling pinapatibok nang mabilis ang puso niya.
“I’m sorry for yesterday…” anito sa maliit na boses. “It’s just my workloads are getting heavy day by day, mabilis nang uminit ang ulo ko at napagbubuntunan na rin kita. Nakalimutan ko rin na anniversary natin kahapon. I’m really sorry at nabigo kita, mahal.”
Mabilis siyang napayakap sa asawa nang marinig iyon. Hindi na niya naisip na baka mahawa ito sa sakit niya, miss na miss na niya ito. Heto ang Felix niya, heto ang mahal niya. Umiling siya sa dibdib nito at mas napahagulhol siya nang niyakap siya nito pabalik.
“Napagod na r-rin akong intindihin k-ka, p-pero hindi ako mapapagod na mahalin ka, Felix.”
Naramdaman niyang bahagyang humigpit ang yakap nito sa kaniya. Hindi ito sumagot at hinayaan lamang siyang umiyak sa mga bisig nito. Nang kumalma, inalalayan siya nitong kumain para makainom ng gamot. Buong magdamag na nakangiti si Jian habang hindi inaalis ang kaniyang paningin sa asawa. Tila siya nakalutang kagaya nang naramdaman niya sa kaniyang panaginip kanina. Naisip pa nga niya na baka si Felix iyon at binuhat siya papunta sa kanilang silid. Tatanungin na lamang niya si manang bukas, sa ngayon, nanamnamin niya muna ang gabi na ito.
“Bakit ka nga ba basang-basa kahapon? Ani Manang ay nakalimutan mong magdala kahapon ng payong bago umalis, sa pagkakaalala ko palagi ka namang nagdadala ng payong,” anito habang nililigpit ang pinagkainan niya.
Bahagyang napawi ang ngiti ni Jian at naalala ang eksena kung saan may kasama itong babae. Bumuka ang bibig niya para sana magtanong, kaso ayaw niyang sirain ang sandali na ito. Baka humantong lang sa away kapag nagtanong pa siya. Wala lang iyon. Nandito na ang Felix niya kaya wala lang iyon. Mababaw na lamang siyang natawa at kumamot sa kaniyang pisngi.
“Masayado kasi akong na-excite sa sorpresa kaya…”
Nakita niyang matigilan ito habang nakatalikod sa gawi niya. Hindi niya nakita kung ano ang expresiyon nito nang sinabi niya iyon, ngunit nasiyahan naman siya sa naging tugon nito.
“I ate the cookies you left on the fridge for me last night. It was delicious. Manang taught you good enough, huh?”
Jian chuckled after hearing that. So he ate it! Hindi rin pala nasayang ang effort niya kahit late na.
“Oo naman, may kasamang pagmamahal iyon, eh.”
Hindi na ito sumagot at lumabas na lamang para ibaba ang tray ng pinagkainan niya. Jian didn’t seem to mind. Masyado siyang masaya para pansinin pa iyon. Pinanalangin niya na sana ay magtuloy-tuloy na sila ulit na ganito.
Pagbalik nito sa silid nila ay tinanong siya ng asawa kung magpapalit ba siya. Inalalayan siya nito para makapagbihis at nang matapos ay sandali pa muna itong nagtrabaho sa harap ng laptop nito habang siya naman ay tahimik at nakangiti lamang ito na tinitignan katabi niya sa kama. Kahit tahimik lang sila at hindi mag-usap, kayang-kaya niya na titigan lamang ito magdamag. Afterall, Jian loved staring at Felix’s face eversince. Napakagwapo nito.
“You’re staring too much,” bigla nitong sambit habang patuloy pa rin sa pagtipa sa harap ng laptop nito.
Jian bit his lower lip as his feet graced Felix’s under their blanket. Nakita niya kung paano gumalaw ng bahagya ang gilid ng labi nito nang maramdaman ang panunukso niya. Tumigil ito sa pagtipa upang bumaling sa kaniya at tinignan siya mula sa likod ng mga salamin nito gamit ang mga mata na wari ay binabalaan siya. Natawa si Jian.
“I can’t help it. My husband is so handsome,” malagkit niyang turan.
Felix’s lips twitched again at maagap nitong sinara ang laptop nito. Nagulat si Jian lalo pa noong hubarin nito ang salamin sa mga mata nito at pagkatapos ay mabilis itong pumaibabaw sa kaniya. Sa isang iglap, nalusaw yata ang init ng katawan niya at bigla siyang pinagpawisan. Hinabol niya ang kaniyang hininga nang halikan siya ni Felix. It was so long. Tila kinikiliti ang bawat sulok ng katawan niya.
“For a sick person, you’re still naughty,” namamaos nitong saad sabay kagat sa kaniyang tenga na bahagyang nagpaigik sa kaniya.
“F-Felix… b-baka mahawa ka,” aniya pero napapayakap din pabalik sa asawa.
He heard Felix chuckled and Jian felt his face heating-up. The s****l tension around them reached its peak. Kailan nga ba ang huli na nagniig silang dalawa sa kama? Kung alam lang ni Jian na kailangan pala muna niyang magkasakit para lamang mangyari ito ulit, sana pala nagpaulan na siya sa una pa lang.
“C’mon, Jan Adrian. You always get better when you sweat.” Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap nang pumasok ang kamay nito sa loob ng kaniyang pajama. “You love it when I make love to you especially when you’re sick, don’t you? You sly of a fox.”
Lihim na natawa si Jian sa tinuran nito. Kinabukasan nga ay kaagad na gumaling ang sakit niya dahil hindi siya tinigilan ng asawa buong magdamag. Jian felt that they both poured everything that they’ve missed that night. They played on the sheets all night that made Jian screamed Felix name a lot and Felix almost filled everything inside him.