Sasha's POV Isang araw na lang. Isang araw na lang at tuluyan ng magaganap ang party ni Denver kaya heto ako ngayon at nasa loob ulit ng kanyang bahay--este mansyon. "Hey, come over here," wika ni Denver atsaka inilahad sa akin ang kamay niya. Nahihiyang iniapak ko ang aking paa sa loob ng kanyang mansyon. Bakit feeling ko madudungisan ang sahig niyang gawa sa marmol sa oras na iaapak ko ang paa ko roon? Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Denver papasok dahilan upang tumama ang katawan ko sa kanya. "Wag ka ngang mahiya, hindi magtatagal baka nga magiging bahay mo na rin 'to," aniya atsaka ngumiti sa akin bago ako hinalikan sa noo. Diyos ko po, ba't ba sobrang sweet ng lalakeng 'to ngayon? Magkahawak-kamay kaming naglalakad dito sa malaki niyang sala, may nakakasalubong kaming ilang