Sasha's POV Ilang oras na akong naghihintay kay Denver dito sa bahay niya. Wala ni isang text o tawag akong natanggap mula sa kanya simula nong umalis ito sa bahay niya. Napatitig ako sa mga ulam na niluto ko sa ibabaw ng mesa at hindi maiwasang malungkot dahil hindi pa 'yon nagagalaw hanggang ngayon. Lumalamig na rin sila dahil kanina ko pa 'to natapos lutoin. Napatingin ulit ako sa labas ng bintana ng malaking bahay ni Denver dito at hindi maiwasang mag-alala. "Nasan ka na ba, Love?" Bulong ko sa sarili atsaka napatingin ulit sa screen ng aking cellphone. Gabi na at hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi. Tinawagan ko ang bagong sekretarya ni Denver kanina pero hindi naman daw nagpunta si Denver doon, hindi na siya bumalik pa simula nong puntahan niya kaagad ako rito kanina.