Sasha's POV Linggo na ngayon at tinatapos ko na ang huling batch ng damit na nilalaba ko. Kinuha ko ang mga damit sa loob ng dryer atsaka ito hinanger saglit para naman tuluyan na talagang matuyo. Paniguradong ilang minuto mula ngayon ay pwede ko nang tupiin ang mga damit ko. Nakatanggap nga pala ako ng tawag kanina mula kay Sandro at sinabi niya sa akin na baka luluwas na siya bukas o sa susunod na araw. Tinatapos niya pa raw yung pagkuha ng mga requirements niya sa kanyang paaralan para sa pag-eenroll ng college ngayong pasukan. Napangiti na lang ako dahil sa bawat araw na lumalaki siya, mas lalong naging responsable si Sandro. Hindi na siya nagpapasabi ng kanyang dapat gawin. Ang dapat pagtutuonan ko na lang ng pansin ngayon ay dapat makakuha ng scholarship si Sandro rito tulad ko.