Sasha's POV Kaagad na inilibot ng aking paningin ang buong lugar. Anong ginagawa namin sa tabi ng dagat? Ang daming mga yate na nagkalat dito at may iba't-ibang laki ito. Napahawak ako sa aking mahabang buhok nang biglang humangin ng malakas at kasabay non ay ang paglakad ni Parise papunta sa isa sa mga malalaking yate rito. Napatingin naman ako sa isang bodyguard niya nang ilahad ne'to ang isang kamay sa daanan na para nagsasabing kailangan kong sundin si Parise. Kinakabahan akong naglalakad dito sa ibabaw ng wooden dock atsaka sumunod kay Parise sa loob ng maragang yate. Tirik man ang araw ngunit hindi ko nararamdaman 'yon dahil sa preskong hangin mula sa dagat. Nagpunta kaagad si Parise sa upper deck ng yate na kaagad ko namang sinundan. May mesa roon na may mga pagkain na at w