Sasha's POV Nasa Solare Villas and Resort na ako ngayon. Nakatingala ako rito sa labas ng resort at nakatingin sa malaking signage nila rito. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi ko inaakalang makakatrabaho pa ako rito ulit matapos ang aking kontrata. Kaagad akong namukhaan ng guard nila rito atsaka binati na kaagad ko namang sinuklian. Hindi ako papasok sa loob, ang totoo niyan ay bibili ako ng desenteng damit na pwede kong suotin para bukas. Mukhang kailangang may pormal akong maisuot para sa sinasabing dinner ni Denver sa akin. Dumaan lang ako rito dahil hanggang ngayon tila isa parin 'yong panaginip ang pagtanggap ko ng email mula sa resort na 'to. "Hmm, andiyan kaya ngayon si Collin?" sambit ko sa sarili. Hindi ko na siya nakausap o nakita ulit mula nong huli kong bisita