Sasha's POV "Madalas ko na siyang napapansin dito." "Ako rin, hindi naman siya nagtatrabaho rito, tama?" "Oo, ang sabi nung receptionist si Mr. Gutierrez raw ang palaging pinupuntahan niya rito." "Ows? Yung boss na'tin?" "Baka babae 'yan ni Sir--" "Hinaan mo nga boses mo, baka marinig ka pa niya." Rinig na rinig ko ang mga bulungan nila rito sa aking likuran habang naghihintay kaming bumukas ang elevator dito. Kahit saan talaga may mga chismosa eh noh? Kahit sino na lang ang napapansin nila. Una akong pumasok sa loob ng elevator, at nang makita ko ang mga mukha nila gusto ko silang pandilatan. Mga chismosang palaka, hindi naman magaganda. Lumalabas talaga ang pagiging mataray ko sa mga ganong klaseng tao, yung ang hilig-hilig mangealam ng buhay ng iba? Iyan ang ayaw na ayaw ko