KINABUKASAN, sa ospital ay tahimik lamang si Venjamin na nakatanaw sa labas mula sa bintana ng kaniyang silid. Iniisip pa rin ang ginawang pagpapanggap sa harapan ni Igor. Pero ang pinakamalalim ay ang tungkol sa sakripisyong ginawa nito sa kaniya mabuhay lamang siya. Napailing siya sa isiping iyon. Hindi niya alam kung ipagpapatuloy pa ba niya ang pagpapanggap. Pagpapanggap na hindi na niya siya maalala. Na nakalimutan niya ang lahat ng nangyari sa kanila sa isla kung saan siya namuhay ng payapa at masaya. Kung tutuusin ay napakaganda ng alaalang binuo niya kasama si Igor sa islang iyon at hinding-hindi siya magdadalawang-isip na bumalik doon upang sariwain ang lahat ng naging dahilan ng kaniyang pagiging masiyahin. Ngunit, magagawa lamang niya iyon kung dalawa sila ang babalik sa lugar