Igor's Point of View Hindi ko magawang tingnan siya sa kama kung saan siya nakaupo at nakikinig sa aking ikukuwento. I have no choice, but to tell him what happened to him back there in that island. Kung ito ang makapagpapatahimik ng kaniyang kalooban at magiging dahilan upang maalala niya ako, I will tell him everything. "Pagkatapos ng trahedyang iyon, bilang abogado at imbestigador din ni Devou Rah, which is Maira's mother, hinanap namin ang katawan mo sa islang iyon. Ako at ang mga miyembro ng pulisya na lamang ang naghahanap. Dahil iyon ang utos sa akin ni Maira." Nakiramdam ako kung magre-react ba si Venjamin o may itatanong pero tila tahimik lang siyang nakikinig sa aking kinukuwento kaya, ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasabi sa kaniya ng tungkol sa nangyari sa kaniya. "Ilang