Nang matapos ang pinakahuli kong klase sa hapon ay mabilis akong lumabas ng campus dahil balak kong dalawin iyong lalaking sinagip ko kanina.
Pagdating ko sa bahay ni Tito Brenon ay agad akong pinapasok ng mga tauhan niyang nakabantay sa gate.
Pagdating ko sa state of the art nilang private clinic dito mismo sa loob ng mansion nila ay nadatnan kong gising iyong pasyenting naroon.
"Yow! Kumusta brad?" agad kong bati rito.
Nagsalubong muna ang mga kilay nito bago bumuntong-hininga.
Wow! Ang lalim nun ah!
" Thank you pala kanina," seryoso nitong sabi.
"Wala iyon, utang mo naman sa'kin iyon, eh! Wala nang libre ngayon sa mundo," nakangisi kong sabi.
" Sabi ko nga ba," naiiling nitong anas bago nakasimangot na tumitig sa'kin. "Magkano ang babayaran ko?" tanong nito.
" Oy, mahal ang serbisyo ko. Pag-iisipan ko muna. Mag-iinventory ako mamaya. Pagaling ka lang , ok. Hahanapin lang kita kung ma-total ko na iyong babayaran mo," kumindat kong sagot sabay tayo upang maghandang umuwi na.
"Iiwan mo na naman ako rito?" masungit nitong tanong.
" Oo, ligtas ka naman dito kaya 'wag kang mag-alala.
Ito iyong pinaka-safe na lugar sa buong Pilipinas."
"Bakit ang daming armadong lalaki kanina sa labas?" nagdududa nitong tanong.
"Para sa protection mo iyon kaya, relax ok!" nakangisi kong sabi at tuluyan na siyang iniwan.
Kinausap ko muna iyong doktor at nurse niya upang bilinan kahit alam ko namang di nila pababayaan ang lalaking iyon.
Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Fhel Ashley at iyong kambal na parang may masinsinang pinag-uusapan sa sala.
Lihim akong lumapit sa mga ito upang makiusyuso sa tinitingnan nila sa laptop ni Fhel Ashley.
" It's not so him. Never pang hindi tumawag sa'kin si Rave. At never din siyang hindi sumisipot sa mga important events na pinangangakuan niya. I'm so worried –" naputol na iyong pagsasalita ng pamilyar na maarteng mukha ni Kara sa screen ng laptop ni Fel Ashley dahil umiiyak na iyong yumakap sa katabing babae.
Ang drama, artista nga talaga ang isang ito.
Bigla-bigla ay nagkakagulo at nag-uunahan sa pagtatanong na mga press people ang tanging makikita sa screen.
"It's true, Rave is missing! This can't be!" bigla ay matinis na sigaw ni Fhel Ashley na nagpangiwi sa'kin.
Tuluyan akong napalayo sa kanila nang pati iyong kambal ay malakas na ngumawa.
" Raaaave! Oh no!!!"
Therefore I conclude, may baliw akong mga kapatid.
"Baka na-kidnap iyon," bigla kong sabat na ikinatigil ng tatlo sa pagngawa at gulat na napatingin sa'kin.
" Na-kidnap, tapos dahil nanlaban nabaril. Tapos naubusan ng dugo kaya NAMATAY," patuloy kong sabi.
1...2...3– mabilis akong tumakbo paakyat ng silid ko dahil sabay-sabay akong hinabol ng tatlo kong baliw na kapatid.
"Bawiin mo iyon, Ate!!!"
"Hindi totoo iyong mga pinagsasabi mo!"
"Hindi pa patay si Rave!"
Malakas akong napatawa nang tuluyan akong nakapasok sa silid ko habang dinig ko sa labas ang mga sigaw ng mga baliw kong kapatid.
Ngayon ko lang nalamang nandito pala sa bahay namin ang president ng fans club ng lalaking iyon.
Si Fel Ashley ang president, secretary si Sky at treasurer ang madugas na si Lyk.
Kung ipaparansom ko kaya sa kanila si Rave? Magkano kaya ang ibibigay sa'kin ng tatlong iyon?
Natigil ako sa mga iniisip ko nang tumunog iyong cellphone ko, MAY NAG-TEXT!
Galing kay Kylie, umalis na daw iyong pasyenti ko na idol niya.
Isa pa tong baliw eh... napapalibutan ako ng mga siraulo kaya di magtatagal ay mahahawa ako sa mga ito.
Daplis lang naman iyong tama niya kaya mabubuhay iyon pero lintik di pa ako nabayaran nung gago! Tinakasan niya ba iyong utang niya sakin?
Aba, hindi iyon maaari!
=================
"FLORAE!!!"
Bigla akong napangiwi nang marinig ang malakas na sigaw ni Daddy mula sa baba.
Sa lakas nito ay abot hanggang dito sa taas ng kwarto ko at halatang umuusok na naman si Don Krino sa galit.
Ano na naman ba ang nagawa ko eh, umuwi nga akong maaga!
Napilitan akong babain si Daddy dahil baka sumabog ito sa galit.
"Dad, relax...di ako lalaban," pagpapakalma ko sa kanya nang madatnan ko siya sa sala.
Nasa tabi niya iyong tatlo kong kapatid na masama ang tingin sa'kin.
Nagsumbong ba ang tatlong bebe na ito? Ano naman ang sinumbong nila, na pinatay ko iyong Rave nila? Pambihira–
" Anong nangyari doon sa sasakyan mo? Bakit bago iyong gamit mong kotse? Humingi ka na naman ba ng bago doon sa Tito Brenon mo?" sunud-sunod na tanong sa'kin ni Daddy.
"Hindi po ako humingi kay Tito Brenon, promise," mabilis kong sabi with matching taas pa ng kanang kamay na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas.
"So, saan galing ang bagong kotse?" tiim-bagang nitong tanong.
" Kay Tito Brenon," deretso kong sagot.
"Hiningi mo?" bintang nito.
" Hindi nga, binigay niya. Hindi ako nanghingi, promise mamatay man iyong artistang si Rave!" paliwanag ko.
Sunud-sunod na reklamo no'ng tatlong bebe ang narinig ko bago sila pinatahimik ni Daddy.
Binilatan ko sila bago muling bumaling sa ama kong nakukunsumi na talaga.
"Nasan iyong dati mong kotse?" salubong pa rin ang kilay nitong tanong.
" Nandoon kina Tito, kapalit ng bago ko," sagot ko.
Di ko naman pwedeng sabihing pinaulanan ng bala iyong kotse ko dahil baka biglang atakihin sa puso si Daddy.
Napahilot ng ulo si Daddy bago muling tumingin sa'kin nang masama.
"Paano ka napunta doon gayong dapat ay nasa eskwelahan ka at nag-aaral ng magandang asal?" muli ay singhal sa'kin ni Daddy.
Magandang asal? Ano ako kinder?
" Yohooo pipol!! Tito Krino, what's going on?" bigla ay pabibong dumating iyong baliw kong pinsan na si Kylie kaya biglang nahinto ang interrogation na nangyayari.
Hinayaan muna naming mag-selfie iyong pinsan ko bago siya tuluyang lumapit kay Daddy.
"Kylie, kasama mo Daddy mo?" salubong dito ni Daddy matapos magmano iyong pinsan ko. Kahit baliw ang isang ito ay may manners din minsan.
" Busy si Popsy. Ako lang iyong nagpunta dahil may pinapabigay kay Florae si Rave mah labs na may abs," sagot ni Kylie sabay lapag ng isang bungkos ng lilibuhin sa glass table na nasa gitna naming lahat.
Gulat na nagpalipat-lipat iyong tingin ng tatlong bebe sa'kin at sa bungkos ng pera.
Tiyak masama na ang iniisip ng tatlong ito dahil narinig nilang sangkot sa usapan ang mahal nilang Rave.
Ano nga ba apelyido ng lalaking iyon? Panay lang Rave iyong naririnig ko.
Iyong tingin naman sa'kin ni Daddy ay super duper mega over sama na. Don't tell me, katulad din ng iniisip nung tatlong bebe iyong iniisip niya? Fan din ba siya ni Rave?
Kung di nga naman abnormal itong pinsan ko, wala sana ako sa sitwasyong ito.
"Anong g-ginawa mo kay Rave?" mapagbintang agad na tanong sa'kin ni Fhel Ashley.
Wow , tama nga ako, masama agad iyong inisip niya.
" Oy, Ashley baby, may selfie ako with Rave mah labs, gusto mong makita?" excited na pagbabalita ng manhid kong pinsan sa OA kong kapatid na kung makaasta parang anak niya iyong Rave na iyon at ako iyong aswang na umaswang doon sa punyetang lalaking iyon.
Iglap lang ay pinalibutan na si Kylie ng mga kapatid kong hayok sa pagmumukha no'ng Rave na iyon kaya naiwan ako kaharap ang ama kong hindi ma-drawing iyong mukha.
"We will talk later , kakausapin ko muna ang Tito Brenon mo," may babala sa boses nitong sabi bago umaktat papuntang library kung nasaan din ang office niya rito sa bahay namin.
Habang wala si Daddy at busy iyong mga asungot ay palihim na akong tumalilis paalis ng bahay.
Ayokong hintayin ang nag-aambang sermon ni Don Krino.
Nagkagulatan pa kami no'ng isang katulong nang para akong kriminal na tumatakas mula sa bahay namin.
Dala-dala ang bungkos ng pera ay agad akong sumakay ng bago kong kotse at tinahak ang daan papunta sa condo ng Rave na iyon.
Paano ko nalaman iyong address niya? Nasa akin lang naman iyong isang ID niya. Dinikwat ko doon sa wallet niya.
Sa isang high class condominium ang address nito at pahirapan ang pagpasok dahil sa higpit ng security. Dito kasi nakatira halos lahat ng mga bigating artista at anak ng mga politicians at businessmen.
May condo nga rin dito si Ate Evie pero never mind na lang dahil tiyak kasing lamig ng freezer ang condo ng ice queen na iyon. Kamag-anak iyon ni Elsa at pinsan niya si Olaf.
Dahil isa akong Garcia at may condo rito iyong isa kong kakilala na itatago na lang natin sa pangalang Ice Queen ay agad akong pinapasok ng mga guards.
Dasal ko lang sana ay di malaman ni Ate iyong paggamit ko sa pangalan niya. Tiyak kung magkataon ay uulan ng niyebe sa Pilipinas.
Ilang minuto lang at nasa tapat na ako ng unit ni Rave.
Di ako kumatok, may device akong ini-attach sa keypad niya at viola, nabuksan ko ang pinto. Malas niya lang at di siya nag-double lock sa loob kaya malaya akong nakapasok.
Ang galing talaga nitong device na regalo sa'kin ni Tita Titz. Nabubuksan kahit ano.
Napataas ang kilay ko sa gara at linis ng loob ng unit ni Rave nang makapasok ako.
Clean freak si gago. Masyadong organisado, di kaya bakla iyon?
Pero nasaan siya?
Mula sa sala ay sunod kong pinuntahan iyong kitchen niya. Impressive, kompleto sa gamit at talagang iisipin mong marunong sa kusina ang sinumang may-ari ng kusina na ito.
Mayroong tatlong silid itong unit niya kaya inisa-isa kong buksan dahil di naman naka-lock.
Nasa pangatlong silid na ako dahil di ko siya nakita doon sa dalawang silid na nabuksan ko. Mukhang guestroom iyong isa doon at entertainment room iyong pangalawang silid.
Marahan kong pinihit iyong panghuling pinto at sumilip sa loob.
Napangisi ako nang makita ko iyong hinahanap kong lalaki sa gitna ng malapad na kama habang may isang nakahuhad na babae na nagtaas-baba sa may bandang puson no'ng lalaki.
Hanep talaga ang gagong ito, kababaril lang sa kanya pero heto at gumagawa na naman ng himala.
Teka lang, hindi naman si Kara itong kasama niya ah.
Dahil bukas iyong mga ilaw ay malinaw kong nakikita iyong mukha no'ng babae kahit naka-sideview siya sa'kin.
Pamilyar iyong mukha niya.
Alam kong nakita ko na ang isang ito eh. Saan nga ba?
Malakas na hiyaw at ungol nung babae ang nagpabalik sa atensiyon ko doon sa dalawang taong nagtatalik.
Ungol. Pamilyar na ungol– lintik, naalala ko na. Ang babaeng ito iyong sikat na singer na laging pinapakinggan at pinapanood ni Yaya Ising.
Sabi ni Yaya ay pinakasikat daw ngayon ang singer na ito dahil sa pang-serenade nitong mga awitin.
Kaya pala pamilyar iyong ungol dahil minsan ko nang narinig iyong isa niyang kanta na para siyang umuungol.
"The f*ck!" malakas na sigaw ni Rave mula sa kama.
Agad akong napatingin sa kanya at napangisi ako lalo nang magsalubong iyong mga tingin namin.
" Oops! Sori, ipagpatuloy ni'yo lang , sa labas lang ako," napakamot kong paalam sa kanila ng kasama niyang babae na patuloy pa ring gumagalaw sa ibabaw ni Rave kahit nakita niya na ako.
Mukhang di niya kayang tumigil dahil sa sarap at kahit bumadha sa mukha nung babae ang sobrang gulat ay patuloy pa ring gumagalaw ng kusa iyong katawan nito.
Sa sala ko na lang hinintay na matapos si Rave at iyong singer sa ginagawa nila.
Pinagkaabalahan ko na lang iyong malaking flat screen na nandito at agad inilipat sa paborito kong channel, Cartoon Network.
Tumatawa ako kasabay ng paghahabulan nina Tom and Jerry nang biglang namatay iyong TV at humarang sa harapan ko ang nakahalukipkip na si Rave.
"Oh, ikaw lang? Nasaan iyong kasama mong magaling umungol?" tanong ko habang inilibot ang paningin sa paligid upang hanapin iyong singer.
" Masyado kang aliw na aliw sa pinapanood mo at di mo napansing dumaan kami at kanina ko pa naihatid palabas iyong hinahanap mo," busangot ang mukha nitong sabi.
"Sayang naman,
pa- autograph pa sana ako. Ibibigay ko lang doon kay Yaya Ising kasi idol niya kung paano umungol iyong kasama mo–"
"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" putol nito sa sasabihin ko.
" Sa pinto ako pumasok at nandito ako dahil tumakas ako sa amin. Isasauli ko itong pera mo," sagot ko sabay patong ng bungkos ng pera sa mesa. "Kumuha pala ako ng isang libo riyan, pinapagasolina ko," pahabol ko nang dumapo ang tingin nito sa perang inilapag ko.
"Bakit mo binabalik iyan, bayad ko iyan. Dapat ay magbayad ako doon sa may-ari ng clinic pero hindi niya tinanggap ang bayad ko dahil sa'yo raw dapat ako magbayad," seryoso nitong sabi.
" Di ko naman binanggit na pera iyong kabayarang sinasabi ko," yamot kong sabi.
"Anong dahilan ng inventory na sinasabi mo at may pa-total-total ka pang nalalaman kung di naman pala pera iyong kabayaran?" nayayamot nitong tanong.
Iyong mukha niya katulad na katulad sa mukha ni Daddy tuwing kinakausap niya ako.
Di naman siguro anak ni Daddy ang lalaking ito ano? Nagkataon lang talagang magkatulad ang nararamdaman nila tuwing kausap nila ako.
Talaga ngang espesyal akong tunay dahil kahit magkaibang tao ay nabibigyan ko ng parehong kunsumisyon sa buhay.
"Ayoko ko nga ng pera! Marami nun si Daddy," yamot ko ring sabi. Tigas din ng bungo ng artistang ito.
" So, anong gusto mo? VIP pass sa mga concerts ko? VIP pass para sa mga movie screenings ko?"
"E-excuse me? Anong tingin mo sa'kin, isa sa mga fans mo? Oh my God! Mukha ba akong fan?" gilalas kong tanong.
Di ko alam kung dapat ba akong magalit dahil napagkamalan niya akong fan or dapat ba akong matawa dahil masyado siyang bilib sa sarili niya upang isiping isa ako sa mga fan niya.
" Bakit, hindi nga ba? Bakit pakiramdam ko stalker kita?" hindi naniniwala nitong tanong.
"A-ako? Stalker? Unbelievable!! Mukha ba akong stalker? Siraulo ka, sa ganda kong ito?" may gigil kong sigaw sabay pamaywang sa harapan niya.
"Kung di ka stalker, paanong lagi kang nasa paligid sa bawat pagkakataong nasa isang sitwasyon ako?" maangas nitong tanong.
" Please pakilinaw kung anong sitwasyon ang ibig mong sabihin." Mainit na iyong ulo ko pero nagtitimpi pa rin ako.
Grabe, tinawag akong stalker!! Tawagin mo akong magnanakaw huwag lang stalker, letse!
"Ilang beses mo nang naisturbo ang –"
"–ang pakikipagsex mo?" putol ko sa sasahihin pa sana niya.
Tiim-bagang niya akong tinapunan ng masamang tingin.
May ikasasama pa pala iyong mga tingin niya sa'kin kanina.
" Di ko naman kasalanan iyon kung di ka marunong mag-lock nung pinto," agad kong paliwanag . "Di ibig sabihin na lagi kong aksidenting nakikita iyong malaki mong t**i ay stalker mo na ako," agad ay nayayamot kong dagdag na lalong ikinasama ng ng masama niyang tingin.
May nasabi ba akong mali? Lalo yatang nagalit at namumula na iyong leeg at mukha niya sa sobrang pagpipigil.
" B-bakit galit ka pa rin? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Malaki iyong t**i mo kaya naaawa ako doon sa mga babaeng sini-s*x mo," paingos kong sabi at humalukipkip.
"The f*ck!" malutong nitong mura at inis na napahilamos ng mukha.
" Huwag ka ngang magmura. Isumbong kita riyan kay Kara na maarte dahil may iba ka pang babae maliban sa kanya tiyak tudas ka," nananakot kong pasaring sa kanya.
Singbilis ng kidlat na agad bumalik sa'kin ang masama niyang tingin.
Napatakip tuloy ako ng bibig ko at nakangiting nag-peace sign.
"Ay, di ko naman gagawin iyon. Labas na ako sa kung anong meron kayo. Sige lang mambabae ka lang ... Di kita isusumbong, promise," taimtim kong pangako sa kanya sabay lakad papunta sa pinto palabas ng unit niya.
Aalis na ako, tutal nabalik ko na iyong pera niya.
" Sandali, saan ka pupunta," agad ay pigil nito sakin.
"Di ako pwedeng umuwi sa amin dahil tiyak buong gabi akong bubungangaan ni Daddy kaya maghahanap ako ng matutulugan," sagot ko.
" Iyong perang binayad ko sayo, naiwan mo."
"Di ko nga kailangan niyan. Ang kulit! Alis na ako," mabilis kong paalam at di na pinakinggan ang galit niyang pagtawag sa'kin.
===============
Pamilyar na nagkikislapang iba't-ibang kulay ng disco lights at malakas na tugtog at mga hiwayan ng nagkakasayahang mga tao ang unti-unting humihele sa inaantok kong gunita.
Sa kabila ng maingay na paligid ay para akong dinuduyan ng antok habang nakaupo sa isa sa mga nagkalat couches sa loob ng pinasukan kong bar. Pinili ko ang pinakasulok na bahagi upang walang makapansin sa inaantok kong diwa.
Di ko nga nabawasan iyong in-order kong vodka dahil sa malakas pa lang na tugtog at ingay ay talagang nakaramdam agad ako ng antok.
Hinay-hinay kong isinandal sa malambot na sandalan iyong ulo habang napapapikit ako sa antok.
Di ko napansin kung ilang sandali akong nakatulog sa ganuo'ng posisyon dahil bigla akong ginising ng malakas na tapik sa pisngi ko.
Nung una ay di ko pa masyadong naaninag ang mukha ng umiisturbo sa'kin dahil sa papalit-palit na kulay ng ilaw at inaantok ko pang kamalayan pero nang makilala ko kung sino iyong nasa harap ko ay nayayamot akong napaungol.
Sa halip na kausapin ang lalaking nakadukwang sa'kin ay padabog akong humiga nang tuluyan sa couch na kinauupuan ko upang ipagpatuloy ang naudlot na tulog.
Ang ganda na no'ng panaginip ko eh, at ang sarap nung malakas na tugtog sa inaantok kong gunita.
"Hoy, babae..lasing ka ba? Akala ko ba maghahanap ka nang matutuluyan , bakit nandito ka sa bar at nagpakalasing?" halos pasigaw na tanong sa'kin ng pamilyar na boses ni Rave.
Di ba iniwan ko ito sa condo niya? Bakit nandito ito ngayon at sinisira ang tulog ko?
" Gumising ka nga! Tumayo ka riyan! Iinom-inom tapos malalasing ka at kung saan-saan matutulog?" patuloy niyang tungayaw sa'kin.
Hahayaan ko na lang sana siyang buong gabing magdadada pero ang walang hiya sinabayan ng yugyog iyong pagdada niya.
"Ano ba? Natutulog iyong tao, masyado kang isturbo!" naiinis kong baling sa kanya at napilitang bumangon mula sa pagkakahiga. "At, hindi ako lasing! Inaantok ako, bwisit!" malakas kong sigaw na nilunod lang ng malakas na tugtog at ingay ng mga nagkakasiyahan.