chapter 3

2396 Words
"Bakit ngayon ka lang?" "Ay! Anak ng sinigang! Dad, naman nanggugulat kayo," napahawak sa dibdib kong reklamo nang biglang out of nowhere ay nagsalita si Daddy pagkapasok ko ng bahay. " Anong oras na? Uwi pa ba ito ng desenting babae?" singhal nito sa'kin. "Dad! Judgemental ka! Ganitong oras uwian ng mga night shift sa trabaho," paliwanag ko. " Tigilan mo ako Florae! Hindi ka galing sa trabaho kaya umayos-ayos ka! Saan ka na naman naglagalag at inumaga ka na?" galit na galit na tanong ni Daddy. "Ssshhh... huwag mong lakasan ang boses mo. Natutulog pa iyong ibang tao," saway ko sa kanya. " Letse kang bata ka! Buti nga sila natutulog pa eh, samantalang ako, wala pang tulog dahil sa kakahintay sa'yo!" "Na-touch naman ako. I love you, Dad. Usap na lang tayo bukas. Tulog ka na," malambing kong sabi sabay halik sa pisngi niya at takbo nang mabilis paakyat ng silid ko. Alam kong galit na galit si Daddy at nagpipigil lang ito kaya umeskapo na ang kagandahan ko. Alas tres 'y media na pala kaya pala papasara na iyong bar na pinanggalingan ko. Natulog lang naman ako doon sa VIP room nila. Di kasi ako nakakatulog kapag hindi maingay ang paligid ko. Mabilis akong naligo at naghanda ng mga dadalhin ko sa school. Alas kwatro pa lang ay nasa baba na ako at as usual ay nakasabay kong lumabas ng bahay si Fhel na papuntang park upang mag-jogging. " Bakit ba lagi ka na lang inumaga nang uwi? Alam mo bang nagpupuyat si Daddy sa kakahintay sa'yo?" parang reporter nitong tanong. "Nagba-bar lang ako." "Bakit ka pa nagba-bar eh hindi ka naman umiinom ah!" "Umiinom ako noh! Hindi nga lang ako nalalasing." "Eh kung sa house ka na lang uminom! Sa dami ng wine sa cellar ni Daddy ay tiyak malalasing ka talaga!" "Boring sa bahay walang disco lights at dj!" "Palagyan natin ng disco lights ang theatre room at magpapunta tayo ng dj every night." "Loka ka talaga." "I'm serious, Florae, nag-alala ako kay Daddy sa lagi niyang pagpupuyat. May edad na si Dad–" "Huwag mong iparinig kay Dad iyan dahil tiyak magtatampo iyon pag sinabihang may edad na." "Florae naman! Magseryoso ka naman oh! Huwag mo nang bigyan ng sakit ng ulo si Daddy." First time yatang may pinakiusap sa'kin ang kapatid kong ito. Ayaw ko rin namang pag-alalahanin si Dad palagi pero ... ewan ko ba, palaging akong may hinahanap na kapayapaan na di ko matagpuan sa bahay namin bagkus ay sa maiingay na lugar ko ito nararanasan. "I'll try," sumusuko kong sabi. " At huwag masyadong pairalin ang init ng ulo!" nakangiting pahabol ni Fhel bago nag-jog palayo sa'kin. Nang tingnan ko ang mga sasakyan sa garahe ay napansin kong nandoon na iyong naiwan ko sa mall no'ng habulin ako ni Timothy at ng mga butiti niyang kasamahan. Si Ate Evie siguro ang nagpakuha. Maaga pa pero kailangan kong takasan ang maagang sermon ni Dad kaya maaga akong aalis. Sakay ang sasakyan ko ay binagtas ko ang tahimik na kalsada papunta sa paaralang pinapasukan ko. Pasipol-sipol pa akong nag-drive nang mula sa unahan ay may napansin akong isang sasakyan na kinorner ng dalawang sasakyan. Nakakaamoy yata ako ng gulo. Medyo binagalan ko iyong takbo ng sasakyan ko upang makiusyoso kung ano ang nangyayari. Napakunot-noo ako nang makita ko ang pamilyar na lalaking pilit pinapalabas mula doon sa sasakyang kinorner. Ang liit nga naman ng mundo at dito pa muli kami magkikita ng Rave Santillaña na ito. Nanlaki ang mga mata ko nang nagsilabasan mula sa dalawang sasakyan ang mga armadong lalaki ng mga matataas na kalibre ng baril. Tang'na! Di na maganda itong nasasaksihan ko ah! Pakay yata ng mga goons na ito si Rave Santillaña. O baka naman may shooting... artista kasi itong si Rave. Pero nanlamig ako biglang nang binaril no'ng isang lalaki ang driver ni Rave. s**t talaga! Totoong baril iyong narinig kong pumutok! Lintik , mga baril ang negosyo ng kambal na kapatid ni Daddy kaya di ako maaring magkamali. Mabilis kong binuksan ang secret compartment ng kotse ko at kinuha doon iyong handgun na regalo sa'kin noon ni Tita Titz for self-defense. Nang mahawakan ko ang baril ay agad ko itong kinasa kasabay ng biglang pagtapak ko sa gasolinador ng sasakyan ko. Nagulat yata iyong mga lalaking may hawak na mga armas sa biglang pagharurot ng sasakyan ko at sinadya kong banggain iyong isa sa mga kotseng nilabasan no'ng mga lalaking armado. Nakita ko ang mabilis na pag-agaw ni Rave doon sa nakatutok na baril sa kanya. Nasa akin iyong pansin ng mga kalaban kaya mabilis na naitumba ni Rave iyong mga malapit sa kanya. Agad kong binwelta ang sasakyan ko sabay bukas ng bintana ng sasakyan ko at paputok ng baril doon sa lalaking nag-akmang paputukan ako. "Get in!!" malakas kong sigaw kay Rave na napalingon sa sasakyang kinaroroonan ko. Buti na lang at hindi pabebe ang gago at mabilis na tinakbo ang front seat. Sabay kaming napamura nang pinaputukan kami ng mga lalaki na nakabawi na yata sa bigla kong pagsulpot. " Tang'na naman oh! Ako ang mananagot nito kay Don Krino 'pag ma-damage 'tong sasakyan!" galit kong singhal sabay sunud-sunod na inasinta iyong mga kalaban habang nagda-drive naman iyong isa kong kamay. Mga lintik kayo! Sharpshooter ako kaya di sumablay ang mga tira ko! Malas nila at ako iyong nakabangga nila! Frustrated gun for hire kaya ako!!! Ito iyong gusto ko, aksiyon, barilan, at intense na mga eksena! "D*mn it! Stop shooting them! Umalis na tayo dito!!" nagmumurang utos sa'kin ng iniligtas kong walang utang na loob. Inuutusan pa yata ako ng walanghiya!! Baka gusto niyang iwan ko siya rito sa mga lalaking ito!! Pero dahil nakita kong talagang dehado kami ay sinunod ko na lang ang utos niya. Pasalamat siya at napaka-perfect ko kasi drag racer din ako kaya sisiw sa'kin ang mga ganitong habulan sa daan. " Yohooooo! Ang galing ko talaga!" malakas kong sigaw nang makalayo kami sa mga humahabol sa amin. "Pwede ba huwag ka munang magsaya kasi nakasunod pa rin sila sa atin!" singhal sa'kin ni Rave. Sinamaan ko siya nang tingin, sisinghalan ko rin sana siya pero napansin ko ang pagngiwi niya at ang pulang mantsa sa kumalat sa suot niyang damit. " May tama ka?" kinakabahan kong tanong. "Just drive! Dalhin mo ako sa hospital," nakangiwi nitong sabi. Di na ako nakasagot dahil biglang may panibagong sasakyan na biglang sumulpot sa gilid namin. " Tang'na!" malakas kong mura nang makitang binabaril din kami ng mga sakay ng sasakyang iyon. Mabuti na lang talaga at mabilis ang reflexes ko at di ako nawawala sa focus. Kung kanina ay tuwang -tuwa pa ako...ngayon ay nayayamot na ako. " Sino ba ang mga iyan?" galit kong tanong dito sa kasama kong namumutla na yata dahil sa dugong nawala sa kanya. "D-di ko alam. Bigla na lang sila humarang sa'min at pilit akong pinapasakay sa sasakyan nila," pinagpawisang sagot nito. " Kidnap for ransom ba ito o sadyang may gustong magpapatay sa'yo? May mga nakaaway ka ba?" sunud-sunod kong tanong habang iniiwasan ang mga humahabol sa amin. "D-di ko alam," nanghihina niyang sagot. " Tang'na! Binabaril tayo ng mga lintik na humahabol sa'tin tapos di mo alam kung bakit?" nanggigigil kong sigaw. Halatang di kami lulubayan ng mga humahabol sa'min kahit nasa highway na kami. Iyong ibang sasakyang nakasalubong namin ay walang habas nilang sinasanggi upang malusutan , ibig sabihin ay handa silang mandamay ng ibang tao. Delikado talaga kami nito. Wala na akong mapagpipilian nito, kailangan ko na humingi ng tulong. Bawat sasakyan namin sa bahay ay mayroong nakakabit na device na inilagay ni Tito Brenon para daw sa mga ganitong sitwasyon. Sa yaman kasi ng pamilya namin at sa dami ng kaaway ni Tito Brenon ay malaki ang posibilidad na pagbalingan kami ng mga taong may masasamang intensiyon. At di pa kasali doon kung gaano ako kaganda at kaperpekto kaya di malabong ako talaga iyong unang maging target ng kalaban. Isang pindot ko lang sa nasabing device ay para iyong distress signal na masasagap ni Tito Brenon at agad na matutukoy ang lokasyon namin. Wala pang five minutes ay biglang nagsulputan mula sa iba't ibang dereksiyon ang mga lalaking nakabonet at armadong nakasakay sa mga motorsiklo. Nakita ko mula sa salamin ng sasakyan kung paano hinarang ng mga nasabing mga nakamotorsiklo iyong mga humahabol sa amin. Biglang may isang itim na kotse na humarang sa dadaanan ng sasakyan namin at nag-selfie pang lumabas ang baliw kong pinsan na si Kylie na anak ni Tito Brenon. Agad kong hininto ang sasakyan ko at seninyasan siyang daluhan ako upang tulungan akong maisakay sa sasakyan niya ng duguang si Rave na kitang-kita sa buong mukha ang kalituhan. "Oh my gosh!!!! Raaaaaave!!" napangiwi ako sa lakas ng tili ng lukaret kong pinsan nang makita kung sino ang kasama ko sa sasakyan. Natigil lang siya sa kakatili nang muntik na kaming matamaan ng ligaw na bala. " Ay lintek! Piste! Tapusin ni'yo na nga ang mga iyan!! " naiirita nitong utos sa mga tauhang kasama bago nagningning ang mga matang muling bumaling kay Rave na halatang nahihirapan na dahil sa natamong sugat. "Pwede ba, Kylie, mamaya mo na pantasyahan ang kasama ko dahil tiyak kung hindi pa natin magamot ang sugat niya ay paglalamayan na natin mamaya iyan," umikot ang eyeballs kong sabi sa pinsan kong ikinakahiya ko ang pagiging avid fan. " Oh my gosh ulit! Sugatan si Fafa Rave!" maarte nitong bulalas at mukhang noon lang napansin ang dugo sa suot na damit ng lalaki. Lulan ng sasakyan ng pinsan ko ay mabilis naming narating ang mansion nila. Nakaabang na sa pagdating namin ang isang doctor at mga nurse na laging naka-duty sa sariling clinic ni Tito Brenon. Dahil sa uri ng negosyo at trabahong meron ang pamilya nila ay karaniwan na ang ganitong mga eksena. Mabilis na inasikaso ng mga nakaabang na medical team si Rave. "Ang paborito kong pamangkin!" tuwang-tuwang salubong sa'kin ni Tito Brenon kasama si Tita Dinah na bitbit ang bunso nilang 2 years old na si Alec. Matapos akong pakawalan mula sa mahigpit na yakap ay agad nitong binalingan ang anak na si Kylie na patuloy pa rin sa pagsi-selfie sa tabi ko. " Selfie queen, wala ka bang galos?" tanong nito sa pinsan ko. "As usual, Popsy, walang galos ang kutis kong alagang papaya," maarte nitong sagot sabay lapit kay Tita Dinah at inatake ng sunud-sunod na halik ang kapatid nitong si Alec. " Mabuti naman. Let's have breakfast, ikwento ni'yo sa'kin ang nangyari," anyaya ni Tito sa amin na para bang galing lang kaming namasyal ng anak niyang malala na ang sira sa ulo. Siguro no'ng ipinanganak ito ni Tita Dinah ay nabitiwan ito ng doctor at nabagok ang ulo kaya medyo sinto-sinto. ============== Matapos mag-agahan at paulit-ulit na ipinapaliwanag kay Tito Brenon na hindi ko boyfriend si Rave ay sa wakas nilubayan na niya ako at hinayaang pumasok sa eskwela. Speaking of school, first day ko pero almost 2 hours na akong late. First day ko ulit dahil hindi ako tumuloy kahapon dahil bigla akong nahilo sa kakaintindi no'ng lintik na mapa kaya umuwi na lang ako. Ang aga ko pa namang naghanda para pumasok pero sadyang late pa rin akong nakarating sa school. Nakakainggit talaga ang lukaret na si Kylie kasi pumapasok siya sa di ordinaryong paaralan. Doon sa pinapasukan niyang school ay hinahasa sila sa iba't-ibang pakikipaglaban at pasikot-sikot sa negosyo ng pamilya niya. Kahit may pagkasinto-sinto iyon ay magaling makipag-away ang baliw na iyon. Matapos kong iparada nag bago kong kotse. Yes, bago iyong kotse ko, bigay ni Tito Brenon dahil kasalukuyan pang inaayos iyong kotse ko. Ayaw ko namang ipaliwanag kay Don Krino kung paano nagkaroon ng mga tama ng bala iyong sasakyan ko kaya ayon iniwan ko muna kina Tito Brenon at siya na daw ang bahala roon. "Excuse me, Miss, asan po dito ang Business Management buil–" "Doon," putol ng napagtanungan ko sa tanong ko sabay turo sa'kin ng one storey building ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin. " Thanks," sabi ko pero mukhang di na niya narinig kasi mabilis na siyang naglakad paalis. Grabe, may attitude rin pala ang mga tao sa school na ito. Akala ko ba private school lang may mga gano'ng students, bakit meron din pala dito. Agad kong nahanap ang assigned room ko at buti na lang walang nakapansin sa pagpasok ko dahil busy silang lahat sa pinapagawa ng prof na busy din sa kung anong ginagawa sa sariling mesa. Tahimik akong naupo sa pinakadulong upuan. Mauupo na sana ako nang biglang magsalita iyong prof. "Ms. Florae Maihne Garcia? Can you please introduce yourself to your classmates." Shit!!! Di ako na inform na uso pa pala sa public school ang introduction. "Grabe, totoo palang dito na siya papasok." "Ang ganda niya pala sa personal." "Ano kayang feeling na maging classmate natin ang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa ?" Bulungan ng mga nasa paligid ko. Bulong pa ba iyon, eh dinig na dinig ko. Napilitan akong tumayo nang tuwid at iniisip kung paano magsalita si Ate Evie tuwing may kaharap siyang ibang tao. Taas noo. Tayong tuwid. Blangkong titig. Tiim-mukha. "Hi, I'm Florae Garcia," malamig kong pahayag, ayaw kong ginagamit iyong Maihne na karugtong ng pangalan ko dahil ang haba na at parang ang 'mean' pakinggan. Kung nandito lang si Ate Evie tiyak mamatay iyon sa inggit kung paano ko nadaig ang mala-Antartica niyang porma. Napansin ko ang medyo pagkabalisa ng prof namin at paglunok ng mga natulala kong mga kaklase. Gusto kong bumunghalit nang tawa dahil ganitong-ganito iyong reaksiyon ng mga taong nakakaharap si Ate Evie. " Tawagin niyo lang akong Flor kasi nakakaganda ang name na iyon. Parang laging inaapi sa teleserye," nakabungisngis kong dagdag. Mas lalo yatang nagulat iyong mga kaklase ko at sabay-sabay na umawang ag mga bibig nila samantalang di makapaniwala namang napatitig sa'kin iyong prof namin. Teka, parang awkward iyong ginawa ko. Narinig kong may tumawa sa tabi ko kaya napabaling ako sa kanya. Ang pangit niya! Typical nerd, at natutuwa ako sa malalaking ngipin niyang may braces na lumalabas habang tumatawa siya kaya tumawa na rin ako. Parang hudyat din iyon nang sabay-sabay na pagtawanan ng lahat. Well, at least nawala iyong awkwardness at nakita kong gumaan bigla ng atmosphere. Yes, I belong in here!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD