SAMU'T-SARING amoy ang nalanghap ni Chezka pagkalabas niya ng airport ng Italy. Muntik pa siyang mahilo dahil sa mga amoy na nalalanghap niya. Hila-hila niya ang traveling bag at pumunta sa gilid. She get her phone from her backpack. She check her phone if there's a message. And there's a message from her father.
'Don't go back in Australia. Many hunters and werewolves attacked us and take all the werewolves that we kidnapped.'
Napangisi siya sa nabasang mensahe galing sa ama niya. Pero nabura rin agad ang ngisi niya. Nakatakas na naman ang ama niya. Hay naku naman.
Napabuga siya at nagtawag ng taxi.
May pumarada naman sa harapan niya. Binuksan niya ang pinto ng backseat at pumasok sa loob. Sinabi niya ang address ng hotel na pag-aari niya dito sa Italy at pinaharurot na ng driver ang taxi.
Habang nagbibiyahe ay nakatingin lang siya sa labas ng bintana.
Makalipas lang ang tatlumpung segundo ay nakarating na siya sa Chris' Hotel,ang hotel na pag-aari niya. Naipatayo niya ito tatlong taon na ang nakakaraan gamit ang pera na pinagpawisan niya at hindi nanggaling sa illegal. Ang pangalan ng hotel ay isinunod niya sa pangalan ng kapatid niya.
Nag-abot siya ng bayad sa driver. "Keep the change." Sabi niya.
"Thank you,Ma'am."
Tumango siya at bumaba na. Pagpasok niya sa entrance ng hotel ay naghihintay na sa kanya ang butler ng hotel. Bago siya kasi umalis sa Australia ay nagpadala siya ng mensahe dito na darating siya.
Yumukod ang butler sa kanya. "Welcome,Lady Chezka."
Tinanguan niya ito.
"I already prepared the Penthouse Suite for you,Lady Chezka." Magalang nitong saad at kinuha sa kanya ang hawak niyang traveling bag.
"Thank you." Aniya at nauna ng naglakad.
They entered the elevator and the butler pushed the elevator button in Penthouse Suite floor.
"Everything you need are all ready,Lady Chezka. If you need anything just call me." Sabi ng butler at yumukod ng makarating sila sa Penthouse Suite.
She sighed. "Thank you,Nix. You may go." Aniya.
Muling yumukod ang butler bago ito umalis.
Siya naman ay ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng penthouse. Walang nagbago sa Penthouse Suite. Lahat ng mga gamit na iniwan niya dito noon ay naroon pa rin sa kinalalagyan nito.
Si Nix ang namamahala dito sa hotel,pinagkatiwala niya dito ang hotel dahil alam niyang kaya nito. Nix is a butler after all. At nagbilin siya dito na huwag papakialaman ang mga gamit niya dito sa Penthouse Suite.
Napabuga ng hangin si Chezka at umupo sa leather sofa. The Penthouse Suite occupies the entire floor, at wala siyang magiging problema dahil kumpleto na ang lahat.
She leaned on the sofa and opened her backpack. Kinuha niya ang isang bagay na ibinigay sa kanya ng kaniyang ina bago ito namatay.
Binuklat niya ang passbook na pag-aari ng kaniyang ina. Bilin ng ina na huwag daw itong ipapakita sa kanyang ama,sinunod niya ang ina at itinago ang passbook. Noong nag-aaral siya ng kolehiyo nang maalala niya ito at binuklat. Nagulat siya ng makita ang kabuuang halaga na laman ng passbook. Ang bilin ng kaniyang ina ay magagamit niya ito pero kahit minsan ay hindi niya pinakialaman ang halaga ng pera na nakalagay sa passbook. Para na lang ito sa kakambal niya,si Christopher pero 'Chris' lang ang tawag niya dito.
Ang perang ginamit niya sa hotel ay galing sa dugo at pawis niya. Pinaghirapan niya ito. She's proud na hindi siya gumaya sa kaniyang ama na walang ibang ginawa kung hindi ang manggulo sa mga lobong namumuhay ng tahimik.
Napabuntong-hininga siya at isinara ang passbook,ibinalik niya ito sa kaniyang backpack. Tumayo siya at hinila ng traveling bag. Pumasok siya sa bedroom,inilagay niya sa gilid ang traveling bag at hinagis naman niya sa kama ang backpack niya.
Basta na lang niyang ibinagsak ang sarili sa kama at ipinikit ang kaniyang mata hanggang sa makatulog siya.
PAGGISING ni Chezka ay agad siyang tumingin sa relong nasa kanyang pulsuhan. Nagulat siya ng makita niyang 7AM na ng umaga samantalang dumating siya ng 2PM kahapon.
Bumangon siya at agad na tinungo ang banyo. Hinubad niya ang lahat ng saplot at inilubog ang sarili sa bathtub. Habang nasa nakababad ang katawan sa bathtub, nag-iisip siya kung saan niya hahanapin ang Hunter's Superior. Kung tama ang pagkakaalam niya ay lihim ang Headquarters ng mga Hunters at tanging ang mga ito lang ang nakakaalam kung saan ang HQ ng mga ito. Ito ang isang problema ng ama niya, nahihirapan itong pabagsakin ang Hunter's Organization na ikinatutuwa naman niya.
Ang hindi niya ikinatutuwa ay ang pag-utos nito sa kanya na patayin niya ang Hunter's Superior. She don't want to kill the Hunter's Superior but she don't have any other choice, ito lang ang paraan para makita at makuha na niya ang kakambal niya sa kaniyang ama.
Kung alam lang sana niya kung saan itinago ng ama ang kakambal niya, baka matagal na niya itong itinakas at nagpakalayo-layo silang dalawa.
Napabuntong-hininga siya. Nagtagal pa siyang sa bathtub ng ilang minuto. Nang matapos siyang maligo, kinuha niya at isinuot ang puting bathrobe na nakasabit sa gilid ng banyo.
Lumabas siya ng banyo. Inilagay muna niya ang kaniyang mga damit sa closet bago siya kumuha ng damit na maisusuot at ng matapos siyang magbihis ay tinutuyo niya ang buhok habang naglalakad palabas ng kwarto at tinungo ang kusina. Pero bago siya lumabas ay kinuha niya ang cellphone niya na nasa ibabaw ng kama at inilagay sa back pocket ng suot niyang ¾ pants.
Alam niyang nag-grocery si Nix dahil may laman ang cupboard at ref. Kapag bumibisita siya dito sa Chris' Hotel ay ang butler na si Nix ang bahala sa Penthouse Suite, he would buy groceries for her. Ayaw niya kasing kumain sa labas at ayaw niya ring kumain ng niluto ng iba. She can cook for herself so no problem.
Nagsimula na siyang nagluto para sa agahan niya nang tumunog ang cellphone niya.
She turn off the stove and get her phone. Napabuntong-hininga siya ng makitang ang ama niya ang tumatawag.
"Yes,Father?" Bungad niya sa walang emosyong boses.
"Any good news?"
She can't help but to rolled her eyes. "Father,kadarating ko lang dito kahapon and i need to rest dahil pagod po ako sa biyahe. I will call you once I have a good news. Bye."
She blew a breath in frustration. She's pissed. Naiinis na ipinagpatuloy niya ang pagluluto. After she cooked her breakfast, agad siyang kumain.
While eating her phone rang again.
Thinking that it would be her father, hindi niya pinapansin ang tawag. Her phone stop ringing but after couple of second ay tumunog ulit ito. Hindi na niya sana papansinin pero naalala niyang kapag pala tumatawag ang ama niya at hindi niya nasagot ang tawag nito at nagpapadala na lang ito ng mensahe.
Inilapag niya ang hawak na kutsara at pinulot ang cellphone niya. At hindi pala ang ama niya ang tumatawag. Ngumiwi siya ng makita kung sino ang tumatawag, sinagot niya ang tawag.
"Hi,Lovely—"
"Salamat naman at sinagot mo na ang tawag ko. Akala ko makakatatlong dial bago mo sagutin ang tawag ko." Sabi nito.
She chuckled. "Pasensiya na, akala ko kasi ang ama ko ang tumatawag."
Bumuntong-hininga si Lovely. "Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya ipinapakita ang kakambal mo?"
Tumigil siya sa pagkain at nangalumbaba. "Oo."
"At mag-anim na taon ka na ring hindi nagpapakita sa akin,Chezka. Magtatampo na talaga ako sa'yo. Hindi ka pumunta sa mga kaarawan ni Lance,hindi ka rin pumunta noong kasal ko at ngayon malapit na naman akong manganak sa pangalawang anak namin ni Andrew,hindi ka pa rin ba magpapakita?" Mahabang lintanya ng matalik niyang kaibigan. At kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakapamewang na ito ngayon.
She chuckled. "I'm sorry, Lovely. Hindi ko talaga gustong madamay kayo sa gulo ng buhay ko,eh. But don't worry, pagkatapos kong gawin ang pinapagawa ng ama ko dito sa Italy,dadalawin kita diyan sa Pilipinas. Hindi ko pwedeng umuwi sa Australia." Alam kong bagsak na ang mansiyon namin doon. Kasalanan 'to ng ama ko, hindi kasi nakukuntento sa buhay na meron siya at gusto niyang makilala sa buong mundo pero mabuti na lang at hindi niya magawa dahil may mga hadlang sa mga masasama niyang plano.
"Bakit?" Tanong ni Lovely.
"Huwag mo na lang tanungin, Lovely." Sabi ni Chezka.
"Okay, but Chezka, ang sabi mo kanina andito ka sa Italy. Then let's meet up. Nandito kami ngayon ng pamilya ko dito sa Italy."
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi 'yun problema."
Isintabi niya muna ang misyon niya. Makakapaghintay 'yun.
"Okay,I'll text you the address—"
"Pumunta ka na lang dito sa Chris' Hotel."
Kumunot ang nuo ni Lovely. "Chris' Hotel?"
"Yes," nagsimula na ulit kumain si Chezka. "I owned this hotel so makakapagbonding tayo." Ngumiti siya.
"That's great! I'll bring Lance." Excited na sabi ni Lovely.
"Sure." Agad na sabi ni Chezka. "Kailan kayo pupunta? Ipapasundo ko kayo sa chauffeur."
"Next two days,Chezka. At huwag mo na kaming ipasundo,ihahatid daw kami ni Andrew."
Napatango. "Then I'll wait you here. I can't wait to meet Lance. I bet he is cute." She giggled.
"Oo naman, mana sa tatay niya." Tumawa si Lovely na nasa kabilang linya.
Chezka smiled. "So see yah."
"See yah."
The call ended. Napapangiti na lang si Chezka. Mabuti pa ang kaibigan niya. Masaya na ito sa buhay, may sarili ng pamilya at habang pinapakinggan niya ang boses nito ay halatang masayang-masaya ito kasama ang asawa nito.
Napabuntong-hininga siya. Siya kaya? Magkakaroon rin kaya siya ng pamilya katulad kay Lovely? Pero sa buhay na mayroon siya, imposible ng mangyari 'yun.
Bigla tuloy siyang nawalan ng ganang kumain.
Napailing siya at napabuntong-hininga. Tinakpan niya ang pagkain at lumabas ng kusina.
She texted Nix—the butler— not to disturb her for the whole day.
Kinuha niya ang laptop sa kwarto at pumunta sa terrace ng Penthouse Suite. Umupo siya sa rattan chair na naroon at ipinatong ang laptop sa table na naroon rin. Binuksan niya ang laptop.
Kailangan niyang matapos ang misyon niya dito sa Italy para makuha na niya ang kakambal niya.
Mabilis na tumitipa ang daliri niya sa keyboard ng laptop at habang nakatingin sa screen ng laptop. Hindi niya maiwasang mamangha sa Quadruplets. They are the Donovan Brothers. Namangha siya dahil pare-pareho rin ang kulay ng kanilang mga mata. Hindi niya tuloy alam kung nasaan dito ang asawa ng Hunter's Superior.
"Ang hirap namang manghula." Mahina niyang saad.
Napatitig siya sa larawan ng isang Donovan na nasa gilid. Sa pinakahuli,sa tingin niya kasi ay ito ang bunso sa Quadruplets. Hindi niya alam pero may naramdaman siyang parang kakaiba sa kanya habang nakatingin sa larawan ng lalaki.
Bigla sumulpot sa isipan niya ang lalaking may kulay dark green na mata sa isip niya. Hindi man niya masyadong maalala ang mukha nito dahil maraming taon na rin ang nakalipas pero tandang-tanda niya ang pagpalit ng kulay ng mata nito.
The man—wolf— have dark green eyes and it became color gold pero bumalik rin kaagad ang pagiging kulay dark green ng mata nito.
Tumingin siya sa mata ng lalaking nasa larawan.
She blinked.
Tama kaya ang hinala niya?
But impossible.