NIYAKAP NI ZEKE si Zeus mula sa likuran para asarin ito. Kasama niya ang mga kapatid niya, pati ang kanilang ama dahil hindi ito pinapansin ng kanilang ina mula pa kahapon. Hindi niya alam kung bakit. Siguro nag-away ang mga ito. Well, that's normal for a married couples.
Nandito sila ngayon sa centro ng Italy at nag-boy bonding. Naiwan naman sa palasyo ang mga asawa ng mga kapatid niya kasama ang kanilang ina at nagbobonding din ang mga ito.
"Zeke,get off." Asar na sabi ni Zeus kay Zeke.
Zeke grinned. "No."
"Zeke!" Zeus hissed. "I swear, kapag hindi ka pa kumalas sa akin, susunugin na kita." Seryosong banta ng kapatid niya pero hindi siya nagpadal sa banta nito.
"Kaya mo akong saktan?" Kunwari'y tanong niya sa malungkot na boses.
Hindi naman kaagad nakaimik si Zeus. Kahit naman inaasar siya ni Zeke ay hindi niya ito kayang saktan, hindi niya kayang saktan ang mga kapatid niya. He loves them so much. Mas gugustuhin pa niyang siya ang masaktan kaysa sa mga ito. Napabuntong-hininga na lang siya at hinayaan si Zeke na nakayakap sa kanya habang naglalakad sila.
Habang nakayakap si Zeke kay Zeus ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga nanunuring tingin ng mga taong nakakasalubong nila. Some are giving them funny look pero may iba naman na napapangiti na lang.
"Zeke, tigilan mo na 'yang kapatid mo." Sabi ng ama nila sa kanya.
Ngumuso siya. "But—"
"Zeke." Sabi ng ama.
Mas lalong humaba ang nguso niya.
"Zeke, huwag mo na kasing asarin si Zeus." Sabi ni Zion.
"Baka mamaya mainis 'yan sa'yo, gawin ka pang lechon." Sabi ni Zane. He glared at him.
Tumawa ang mga ito. Pinakawalan niya si Zeus pero bago 'yon ay mabilis niya itong hinalikan sa pisngi at mabilis ring lumayo kay Zeus dahil alam niyang susuntukin siya nito.
"Zeke!" Zeus hissed.
Tumawa lang siya. Napailing at natawa naman ang mga kasama nila. Nginisihan niya si Zeus. But if looks could kill, baka kanina pa siya nakabulagta. Kaya gustong-gusto niyang inaasar si Zeus dahil ang bilis nitong maasar.
"So maglalakad-lakad na lang tayo dito sa centro." Sabi ni Zion habang pasulyap-sulyap sa paligid nila.
Their father shrugged. "I guess, pero may alam ba kayong puntahan?" Tanong nito.
Umiling silang magkakapatid.
Zeke.
What? Tanong ni Zeke sa wolf niyang si Haven.
Let's go back in our pack. I want to run in the Dark Forest. Pakiusap nito.
Napailing siya. Sorry,Haven. Ngayon lang ulit kami nakumpletong apat so pwede bang sa akin muna ang araw na 'to? Promise,tomorrow I'll let you take over my body.
Okay. Sagot ni Haven.
Thanks,Haven.
Inakbayan siya ni Zane. "Haven wants to go home?"
Tumango siya. "He wanted to go for a run."
Tumingin silang dalawa kay Zeus at Zion na abala sa pagtingin sa ilalim ng tulay. Nakaisip naman siya ng kalokohan. Iniangat niya ang kamay pero hinawakan ni Zane ang pulsuhan niya. Umiling ito kaya napanguso siya. Ibinaba niya ang kamay.
"Huwag mong masyadong asarin si Zeus,Zeke. Baka mainis na 'yan talaga sa'yo."
"Okay." Sabi na lang niya.
Tumingin naman siya sa ama na abala sa pakikipag-usap sa cellphone nito. Narinig niya ang kanilang ina ang kausap nito.
"Wala ka bang balak na hanapin ang mate mo?" Tanong ni Zane. Naglakad silang dalawa at lumapit sa isang tindahan.
"Wala." Sagot niya. Dahil hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Hindi naman siya sigurado kung nasa Australia pa ito. He sighed and looked around. When a scent invaded his nostril. He sniffed the air. A scent that was very addictive to him. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi niya makalimutan ang amoy na 'yun. It's a fresh mint scent.
It's her. Haven howled in happiness.
Susundan sana niya ang amoy na 'yon pero bigla siyang hinatak ni Zane palapit kay Zues at Zion.
"Hey,quads!" Tawag sa kanila ng ama na papalapit. "Want to come with me?" Tanong nito.
"Yes,Dad." Sagot ni Zeus.
"Saan po?" Tanong ni Zion.
"Sana naman ay may thrill." Sabi ni Zane.
Habang siya ay abala sa pagtingin sa paligid.
Damn! Where is she?!
He sniffed again the air but the fresh mint scent is nowhere to be found.
"Zeke. Zeke. Zeke."
Napakurap siya at tumingin sa kaniyang ama. "Bakit,Dad?"
Kumunot ang nuo ni Zachariah habang nakatingin kay Zeke. "You okay,son?"
Nag-iwas ito ng tingin. "Yes,Dad." Tumingin ito sa paligid nila na tila may hinahanap.
Nagkatinginan naman sila ng mga kapatid nito. Zeus and Zane shrugged while Zion just looked at Zeke. Zachariah sighed.
Zeke was busy looking around. Where are you,mate?
NAGBABAKASAKALI SI CHEZKA, lumabas siya ng hotel at naglakad-lakad sa labas. Baka sakaling may makita siyang pwedeng makapagturo sa kanya kung nasaan ang Hunters Superior. Hindi niya alam kung nasaan ang Headquarters ng mga ito at hindi niya rin alam kung nasaan ang Cresent Golden Moon Pack.
Habang naglalakad siya sa sidewalk ay may nahagip ang mata niya. Napatigil siya sa paglalakad at napatitig sa apat na lalaking magkakamukha na nasa kabilang side ng kalsada.
Ang mga Donovan at kasama pa ng mga ito ang kanilang ama na si Zachariah Donovan.
Napatitig siya sa lalaking abala sa pagtingin sa paligid na parang may hinahanap. Her heart suddenly beats so fast. Nasapo niya ang tapat ng kanyang puso.
Anong nangyayari sa akin?
Habang nakatingin sa binatang 'yon ay nasaksihan niya sa pamamagitan ng talas ng paningin niya ang pagbabago ng kulay ng mata nito. Napasinghap siya at natutop niya ang kanyang bibig. His gold eyes suddenly became dark green.
Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaki na kumagat sa kanya noon sa gubat, hindi siya maaaring magkamali, tandang-tanda niya ang kulay ng mata nito. Napahawak siya sa marka sa kanyang leeg, bigla kasi itong kumirot pero agad din namang nawala.
Mabilis siyang umalis sa lugar na 'yon at pumasok sa isang boutique. Mula sa loob ay sinilip niya ang mga Donovan, papaalis na ang mga ito. Nakahinga siya ng maluwang. Nakatingin lang si Chezka sa mga Donovan habang ang mga ito ay papalayo naman ay patungo sa isang mall.
Chezka doesn't know who's the Alpha King sa quadruplets, ang asawa ng Hunter's Superior. Napabuntong-hininga si Chezka. Mas mahihirapan pala siya sa misyon niyang ito dahil sa nalaman niya. Napailing siya at lumabas ng boutique na 'yon.
Habang naglalakad ay inabala niya na lang ang pagtingin sa paligid niya. May mga taong namamasyal, magkasintahan at mga batang kasama ang kanilang mga magulang. They looked very happy.
Chezka sighed and shake her head.
Nagpatuloy siya sa paglalakad-lakad ng may mahagip ang mata niya. Naningkit ang mata niya at tinitigan ng maigi ang babaeng naglalakad sa kabilang gilid ng kalsada. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya at mabilis na tumawid sa may pedestrian. Nakita niyang huminto ang babae sa tindahan ng mga prutas. Hindi pa rin nagbago ang hitsura nito kahit ilang taon na ang lumipas.
Tumayo siya sa likuran nito. She crossed her arms.
"How are you, Dra. Florendo?" Bati niya.
The woman, Chezka called 'Dra. Florendo', stilled and slowly face her. Chezka smiled. "Long time no see,Doc." Sabi niya.
Dra. Florendo stunned seeing the woman who helped her four years ago. Iniligtas siya nito mula sa sarili nitong ama. Tinignan niya mula ulo hanggang paa ang dalaga. "C-chezka?"
"I'm glad you still remember me,Doc—" napatigil ito, "or should I call you by your name."
The doctor chuckled. "Just call me Sunny, Chezka." Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. "How are you?" Tanong niya.
Gumanti naman ng yakap si Chezka. "I'm fine,Sunny, pero dito lang pala kita makikita." Aniya.
"My mate is here so I need to be here." Sabi ni Sunny.
Kumalas ng yakap isa't-isa ang dalawa. Ngumiti si Chezka. "I'm happy that you already found your mate." Wika niya.
Sunny is a werewolf. Isa rin ito sa mga kinidnap ng tauhan ng ama niya para i-auction pero dahil pakialamera siya, gumawa siya ng paraan para matulungan ito pati na ang mga kasama nito. Hanggang ngayon ay pakialamera pa rin naman siya, nagpapasalamat na lang siya na hindi nalalaman ng kanyang ama ang mga ginagawa niya. Her father knows that she's loyal to him,yes,but not all the time.
"What are you doing here by the way?" Tanong ni Sunny kay Chezka habang namimili ng prutas.
Chezka sighed and picked a apple from the cellophane that Sunny was holding. Chezka get her pocket knife and peel the apple.
Napailing naman si Sunny ng makita ang ginawa ni Chezka.
"I have a mission here." Wika ni Chezka.
Sunny knows that Chezka is a illegal hunter. Dapat siyang kabahan pero alam naman niyang mabait ito at hindi ito kagaya ng ibang illegal hunter. For her, Chezka is a nice person. Chezka helped her when she needs help. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya at baka hindi niya pa nakilala ang mate niya. She smiled at that thought.
"May I ask what kind of mission?" Maingat niyang tanong. "Anyway, let's grab some coffee." Aya ni Sunny.
"Sure." Agad na sabi ni Chezka at sabay silang naglakad patungo sa malapit na coffee shop.
Nang makaupo sila sa kanilang table ay may lumapit sa kanilang waiter at tinanong ang mga order nila. Hinayaan na lang niya si Sunny na umorder para sa kaniya. Wala namang problema sa kaniya kahit ano ang orderin nito.
"Two cappuccino."
"Pastry,Ma'am?" Tanong ng waiter.
Tumingin sa kanya si Sunny.
"I want to taste the Cannoli." Aniya sa waiter at kumagat ng mansanas.
Tumango ang waiter. "And you,Ma'am?" Tanong nito kay Sunny.
"Tarts na lang."
"Wait for a minute." Sabi ng waiter at bahagyang yumukod bago umalis.
"So," sabi ni Sunny, "you said that you have a mission here, huwag mong sabihin na—"
Chezka cut Sunny's word before she could tell more, "I'm not here to catch werewolves,Sunny. I came here for different mission and I won't tell what kind of mission is that,it's confidential."
Nagkibit ng balikat si Sunny ay nakahinga ng maluwang. "Okay."
"Excuse me,here's your order." Sabad ng waitet at maingat na inilapag ang order nila sa table.
"Thank you," Sunny and Chezka said.
Inubos muna ni Chezka ang mansanas na kinakain niya bago sinimulang kainin ang inorder niya.
Sunny and Chezka was enjoying in their conversation when a scent invaded Chezka's nostril. Napatigil siya. It's a fresh rain forest scent. It's him again. Pasimple siyang tumingin sa loob ng coffee shop pero hindi niya nakita ang nagmamay-ari ng amoy na 'yon.
Napabuntong-hininga si Chezka at napailing sa kanyang sarili.
Si Sunny naman ay nakatingin Kay Chezka na patingin-tingin sa loob ng coffee shop na kinaroroon nila. Mukha itong may hinahanap.
Hindi alam ni Chezka kung bakit niya hinahanap ang lobong may-ari ng amoy na 'yon. Ngayon alam na niya kung sino ito, dapat siyang mag-ingat. May koneksiyon ito sa Hunter's Superior, asawa ng kapatid nito ang nais niyang patayin.
Hindi niya alam pero parang nag-aalangan na siya kung itutuloy niya pa ba ang misyon niya o hindi pero kung sakaling huwag na niyang ituloy ang misyon niya, papatayin ng ama niya ang kakambal niya at hindi niya hahayaang mangyari 'yon. Alam niyang hindi nagbibiro ang ama niya. Kung ano ang sinabi nito ay gagawin nito.
Her twin brother,Christopher, she promised to herself that she will find and protect him.
And if her only choice is to kill the Hunter's Superior then so be it.
She need to protect her twin brother.
She blew a loud breath.
Wala sa sariling napatingin siya sa labas ng coffee shop pero hindi niya inaasahang kung sino ang makikita niya sa labas.
Him.
And he's also looking at her.