2

1708 Words
Zai pov continuation of the flashback "f**k b***h, kung 'yang mukha mo ang lagi kong makikita mabwibwisit at masisira lang ang araw ko. 'Di ba sinabi ko na sa'yo na kung maaari ay huwag mong ibabalandra 'yang mukha mo kapag andito ako!" Napayuko ako because I don't want to meet his glaring eyes. gusto ko lang naman sana itong ipaghahanda ng agahan hindi ko naman naisip na maaga siya ngayong magigising. "I-I'm sorry." Nanghihinang usal ko ngunit napaigik lang ako ng hawakan niya ng mahigpit ang panga ko at iniangat iyon para magtama ang aming mga mata. Naiiyak na ako habang nakatingin sa mga mata nito. Na Dati puno ng saya pero ngayon ay puno ng galit. "Sorry?! Anong magagawa ng sorry na 'yan 'a Zairah?!" Umiling-iling ako dahil natatakot na ako rito. Pero wala akong magawa masyado itong malakas "Kung hindi dahil sa'yo magkasama sana kami ni Alison! kami sana ang kasal ngayon! Kaya 'yang pangit mong mukha ay huwag na huwag mo ipapakita sa'kin dahil baka mapatay kita." Nanginginig na tumango ako. Kaya padaskol na binitiwan na nito ang panga ko at umalis na ng kusina. Ako naman ay Napa-upo sa sahig at napahagugol. Hindi ko magawang sumagot rito, tanging tanngo lamang ang magagawa ko. "I-I'm s-sorry, I'm sorry....G." Anim na buwan na kaming kasal pero ang akala kong kaya ko na siyang mahalin ng hindi patago ay hindi nangyari. Dahil ng makasal kami sinabihan at binalaan ako ni G na huwag akong magpapakita rito. Pero kahit gano'n ay gusto ko pa ring tuparin ang gawain ko bilang asawa, Kaya araw-araw gumigising ako ng maaga upang maipaghanda ko ito ng agahan ng hindi nito ako nakikita, nauuna na rin akong kumakain dito sa gabi pagkatapos ay pupunta na ako sa kwarto ko, dahil kahit kasal kami ay ni minsan hindi ko nakasabay na matulog si G. Ako rin ang naghahanda sa mga damit nito wala naman kasi kaming kasambahay dahil ang sabi ni G sayang daw ang pera. Pero sino ba ang niloloko niya? Alam ko naman na kahit isang daang kasambahay kaya nitong I-hire dahil sa yaman nito, saka mayaman din naman ang pamilya ko. Kaya Sa tingin ko ginagawa niya talaga ito para pahirapan ako ngunit hindi ko 'yon ininda dahil sa katunayan masaya ako sa ginagawa ko dahil napapaglingkuran ko ang asawa ko. Mapait akong ngumiti, he never treat me as his wife. Gabi-gabi saksi ako sa paglalasing nito. Ako lagi ang naglilinis dito kapag nalalasing at ako lagi ang nasasaktan kapag naririnig ko ang pagbanggit nito ng pangalan ni a Alison. Pero kahit sobrang sakit kailangan kong tiisin kasi ako naman ang may kasalanan, ako naman ang humingi nito. 'Kahit kailan hindi ka niya mamahalin Z, kung hindi lang dahil sa tinakot ito ng mama nito na hindi ito ang magmamana ng kompaniya hindi naman nito pag-aaksayahin na makasama ka sa isang bubong.' Tanga na kung tanga pero kailangan ko itong gawin para na rin sa ikabubuti ni G. Tanda ko pa ang sinabi ni tita. Kapag hindi raw naging mabuti ang pakikisama ni G sa'kin sabihin ko lang daw rito at imbes na kay G niya ipapamana ang kompaniya ay sa akin na lang daw. Kaya magtitiis ako para kay G alam ko naman kasi na pangarap talaga nitong hawakan ang kompaniya ng ina at ng yumao nitong ama. Bahala na hindi matupad ang pangarap ko at least 'yung sa kaniya ay matupad. I smile saka Pinunasan ko ang mga luha ko. Ni hindi man lang niya napansin na hindi na ako pumapasok sa school. Huminto ako para rito para mapaglingkuran ko ito. I'm 20 years old at matanda sa'kin ng dalawang taon si Gideon. Noong una nabahala ang parents ko sa ginawa ko pero sinabihan ko sila na next year mag-aaral muli ako. Kaya Hindi na umangal ang parents ko dahil desisyon ko naman daw 'yon kaya ang ginawa nila sinuportahan na lang nila ako. Napalingon ako sa phone ko sa mesa ng tumunog iyon, saka tumayo ako at dinampot iyon nang makita ko ang caller I.d ay agad na napaayos ako ng sarili. "Hello Zairah." Bati ng nasa kabilang linya na kilalang-kilala ko "Hello tita!" Masiglang saad ko kahit sa loob-loob ko ay sobrang sakit na. Gusto kong magsumbong rito pero paano? Paano ko gagawin kung alam kong maaari kong masaktan ang lalaking mahal ko. "Kamusta riyan? Nakita ko kahapon na bumili ng necklace si Gideon binigay ba niya sa'yo? Ang pagkakaalam ko angel ang nasa pendant. At teka nga sabi ko sa'yo huwag na tita ang itawag mo sa'kin dapat mama." Excited na excited nitong balita sa'kin ngunit sa narinig ko ito'y nagresulta ng pagkaramdam ko na naman ng sakit. Angel? Sino ba ang babaeng tinatawag nitong angel? Kundi si Alison lang naman. So ano 'to nagkikita pa rin sila? Ni hindi man lang niya naisip ako? Paano naman ako? How can I live with this rejections? "N-Naku oo naman t-m-mama nasupresa nga ako kagabi ng ibinigay niya sa'kin." sumisikip ang ang puso ko. Tiis-tiis lang Z kaya mo 'yan ikaw pa? 'Di ba matapang ka? Tiyak malalampasan mo rin 'yan. Tiyak titigil din ang sakit. "Ayy naku kahit kailan talaga ang sweet ng anak ko kaya nga tama lang ang desisyon namin na I-arrange kayo ni Gideon dahil noon pa man kitang-kita namin kung gaano kayo ka close ni Gideon at bagay na bagay talaga kayo." Tama ka tita sweet si G ngunit hindi sa'kin kundi kay Alison. Magbesfriend kami ng ilang taon saksi rin ako sa naging relasyon nila ni Alison. He's so sweet parang isang babasaging bagay si Alison na sobra kung alagaan ni G. Habang ako itong nerd niyang kaibigan ay parang isang pangit na alalay kung tingnan ng mga tao kapag kasama ko ang dalawa. Ako lagi ang nahuhusgahan, ako lagi ang napag-iisipang mababa. No one cares about what I feel. "O' hija bakita natahimik ka?? May problema ba?" Gusto kong umiyak muli at magsumbong pero para ano? Para magalit si tita kay G na magreresulta na mas magagalit sa'kin si Gideon? Hindi ko ata 'yon makakaya. Tanga na kung tanga pero mahal ko si Gideon kaya kong tiisin, habang may laks pa ako kakayanin ko. "Wala lang mama may naisip lang k-kayo po riyan kamusta?" Ngumiti ako na puno ng pait sakit isipin na ang ganda sana nito 'yung naging pamilya ko sila at nabuo kami pero parang kulang pa rin, parang nakakasakit pa rin. "Ito walang magawa simula kasi nang ibigay ko kay Gideon ang kompaniya ay nagstay na lang ako ng mansion, teka Zairah kailan n'yo ba ako bibigyan ng apo ni Gideon?" Namula naman ako dahil sa tanong nito. Paano ko naman siya bibigyan e' parang diring-diri si G sa'kin ni tingnan nga ako hindi nito magawa. Hawakan pa kaya? "M-mama kasi--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang ako nito pinigilan. "Huwag kang mag-alala dahil alam ko namang hindi ka pa handa. Naiinis lang ako kay Gideon dahil ang hina-hina nito, buti pa ang ama nito. Nakabuo kasi kami agad." Wala akong masabi, dahil nahihiya ako. Masaya ako na mabait ito sa akin pero at the same time nahihiya ako kasi kailangan ko pang magsinungaling sa kaniya. "Mom is that ate Z? Can I talk to her?" Rinig kong tili mula sa kabilang linya. Napangiti ako dahil kilalang-kilala ko ang masiglang boses na 'yon. Walang iba kundi ang kapatid ni G na si Geneva. "Hey! Ate Z!" Pasigaw na sambit nito na kinatawa ko lamang ng mahina "Hey Gen." Mahinang sambit ko pero nagtaka ako nang hindi na muling nagsalita si Gen namayani ang katahimikan sa kabilang linya, hindi naman ganito si Gen masyado itong masayahin para matahimik. "Ate tutulungan kita." Mapakunot ang noo ko sa sinabi nito bakit ganito ito magsalita? Masyadong seryoso parang hindi si Geneva ang kausap ko. "Ano ba 'yang sinasabi mo Gen? At saka asan si mama?" Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Alam na ba nito? Bakit pakiramdam ko may kakaiba "Huwag kang mag-alala nasa kusina si mom, and I know that kuya is hurting you. Noon pa man alam kong mahal mo siya pero ate hindi ka pa ba nagsasawa sa mga ginagawang pagbabalewala niya sa'yo? Oo gusto kita para sa kuya ko pero hindi ko gusto si kuya para sa'yo." Napaawang ang labi ko sa sinabi nito at Nagsibagsakan ang mga luha mula sa mga mata. Hindi ko lang mapigilan kasi sa wakas may taong nakapansin, at sa wakas may taong nagmamalasakit sa akin. "I love him Gen.." Mahinang saad ko nauunawaan ko naman ito pero I can't give up on him, not now. Hindi pa ko handa. "Pero ate sobra na. Nakita ko sila kahapon nina Alison he was cheating on you ate! Bakit hindi mo na lang siya iwan? Hindi niya deserve ang katulad mo." Alam ko naman na kailanman hindi masusuklian ni Gideon ang pagmamahal na inaalay ko rito. Sino ba naman ang magmamahal sa pangit na tulad ko? I was like an old maid while he's like a prince. Pero gusto ko lang naman na maiparamdam dito ang pagmamahal ko kahit na wala itong maibigay na pagmamahal pabalik sa akin. "Gagawin ko ang lahat para kay G hindi lang bilang asawa niya kundi bilang bestfriend niya, tumalikod man si G sa pagkakaibigan namin pero ako hindi pa. Kung hindi ko siya pwedeng mahalin then pwede ko naman siya alagaan." Narinig ko ang marahas na pagbuga ng buntong-hininga si Gen. Mahirap sumang-ayon sa sinasabi nito, hindi pa ako tapos, gusto ko maisip ni Gideon na ako si Z na bestfriend niya na laging nasa tabi niya. "Huwag kang magpakatanga ate! Hindi ka niya mahal!" Napahikbi ako yes I know alam ko pero I need to do this I need to sacrifice for him. Sampal man ang katotohanan na hindi niya ako mahal hindi ko pa rin mapigilan umasa. "Hayaan mo muna ako Gen dahil hindi ko pa siya kayang bitawan." Titiisin ko ang sakit hangga't kaya ko pa hanggang siya na mismo ang tutulak sa akin palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD