Isinama si Maricon ng lalaki sa kanyang bahay, alam niyang mali ang ginawa niyang pagsama sa hindi kilala pero gusto niyang mag-bakasakali sa kanyang sitwasyon, at iyon lang ang tanging solusyong maaari niyang magawa kaysa sa magngunguyngoy sa central park hanggang gabi.
Tumuloy sila sa home office nito na nasa unang palapag lamang. Nagpalinga-linga si Maricon sa loob ng bahay.
“Napakalaki ng bahay ng lalaking ito, sa kanya daw ito, hindi kaya niya ako niloloko lang? Sabagay wala naman siyang mai-s**m sa akin kung sakali,” sa isip lamang iyon ni Maricon.
May nadatnan silang isang lalaking tila assistant nito at mukhang Pilipino rin at isang babaeng tila ibang lahi na tagalinis doon, hindi lang niya mawari kung ito ay Dutch or Canadian na sa tantiya niya ay nasa late 30’s na.
“Tolits, did Mrs. Walter made a call with regards to my business deal?” Ang assistant nito ang kausap ng lalaki.
“Yes boss, in fact, she’s waiting for you until next week to settle with her conditions,” nakangiting sagot nito. Tantiya ni Maricon ay nasa kwarenta na ang edad ng assistant.
“And who’s the lovely lady, Boss?” Tanong pa ng assistant habang ang tingin ay na kay Maricon.
“She is the answer, Tolits,” nakangiting sagot nito.
Nakita ni Maricon na kumunot ang noo ng assistant.
“Your girlfriend? I didn’t know you had one,” halos pabulong na sabi ng tinawag na Tolits sa lalaki.
Napatawa ng bahagya ang lalaki, tumayo ito sa kanyang kinauupuang swivel chair at tinapik sa balikat ang assistant.
“That’s what makes me busy these past few days,” mahinang sagot niya sa assistant saka muling sumulyap sa nakamasid sa kanilang si Maricon. Kunot noo namang napakamot ulo ang assistant nito. Ilang sandali ay muli siyang bumalik sa kanyang kinauupuan at tumingin kay Maricon. “I know, you’re confused right now, let me tell you the entire deal, which I want to offer you,” sabi pa kay Maricon. “By the way, what is your name?” Dagdag pang tanong sa babaeng isinama sa pamamahay ng hindi alam ang pangalan.
“Maricon Villaluz, just call me Connie,” Pakilala ng dalaga na may tipid na ngiti.
Inabot ng binata ang kanyang kamay upang formal na makipagkilala sa dalaga. “I’m Gilbert Servantes. And this is Lito, my assistant,” pakilala nito.
Atubili namang nakipagkamay ni Maricon.
“I purposely stayed at the Central Park to find prospects,” umpisang salaysay ni Gilbert. Magpapatuloy na sana ito ng tumunog ang cellular phone nito. Sumenyas siya sa assistant na ituloy ang pagpapaliwanag bago nito sagutin ang tawag.
“As I observed, sumama ka sa kanya without knowing the deal he is offering you, right?” Umpisa ng assistant. Tumango ang dalaga.
“Actually, Boss Gilbert always love challenges, hindi siya sumusuko sa lahat ng deal na pinapasok niya,” medyo pabulong na sabi ni Lito. “Siya ang tipo ng lalaking walang inuurungang hamon sa larangan ng negosyo. And he will do the impossible just to win every deal he makes,” patuloy nito. “I am 15 years in service for their family at bata pa iyan kilala ko na siya, workaholic yan, walang sinasayang na oras pagdating sa business, and look at him now,” saka ngumiting bumaling kay Gilbert na nakatalikod sa kanila habang may kausap sa cellular phone nito. “Isa na siya sa mayayamang businessman dito sa New York sa edad na 28,” dagdag chika pa ni Lito na pakiramdam ay palagay agad ang loob kay Maricon.
Napakunot noo si Maricon, gusto sana niyang tanungin kung ano naman ang care niya tungkol kay Gilbert at bakit kailangang i-chika nito ang mga bagay na hindi naman importante sa kanya.
“Sinasabi ko ito so that anyhow, you have a little knowledge regarding him, incase, masasanay kana sa kanya,” pagpapatuloy ni Lito na binigyang diin ang salitang incase. “Anyway, going back to the deal,” pakangiting naupo si Lito sa katapat na upuang inuupuan ni Maricon. “He was being offered by a Filipino investor, Mrs. Walter, to tie up a business with a condition. Ilan sa mga kondisiyones ay qualified na si boss except for one,” huminto panandalian si Lito at saka tumingin kay Gilbert. Nasa ganun parin namang ayos si Gilbert at abala sa pakikipag-usap sa kanyang mobile phone animo’y may idinidiskusyon sa kausap.
“And that is his marital status, that old woman wants anyone who is capable to get into her business venture should have a stable marriage life. If not, she suggested boss Gilbert marry her niece instead, to strengthen company’s venture since she knew, that boss Gilbert is very much single,” pagpapatuloy ni Lito habang ang tingin ay ibinalik kay Maricon.
“Pero bakit pamangkin ang kailangan niyang ipakasal? Wala ba siyang anak?” Tanong ni Maricon na medyo nagkakainterest sa kuwento ng kausap.
“Sad to say, hindi sila nagkaroon ng anak ng kanyang foreigner na asawa.”
“Pero ano naman ang magiging papel ko sa mga kinukuwento mo?” Naitanong muli ni Maricon.
“Obviously, mahirap kay boss ang magdesisyon sa mga ganung bagay, at siya ang taong hindi madidiktahan ng kung sino man,” muling pahayag ni Lito. Napatingin si Maricon sa nakatalikod paring si Gilbert at busy sa pakikipag diskusyon sa kausap sa phone.
“So nabanggit na lang ni boss kay Mrs. Walter that he already had a fiancée and will get married soon.”
Napakunot noo si Maricon sa mga naririnig mula sa kausap. Binawi ang tingin kay Gilbert na nakatalikod sa kanila at napatingin sa kausap ng marinig ang huling sinabi nito.
“Well, naghahanap siya ng babaeng papayag magpakasal sa kanya pero magdi-divorce din pagkatapos na ma-stabilized ng business venture,” patango-tangong sabi ni Lito.
Kasabay ng pangungunot ng noo ni Maricon, pakiramdam niya ay nanlaki pa ang kanyang mga mata sa tinuran ng kausap. “Ano?! Eh, tinatakasan ko nga ang pagpapakasal heto naman pala at kasal din ang offer sa akin nito,” sa isip ng dalaga.
Magsasalita sana si Maricon ng lumapit na sa kanila si Gilbert.
“I have already mentioned the deal boss,” nakangiting baling ni Lito kay Gilbert.
“Well, as I listened to your story while we were at the park,” baling ni Gilbert kay Maricon, “I will settle all your debts, just say yes to my proposal,” seryosong sabi sa dalaga.
Nakatingin lang kay Gilbert si Maricon na tila naguguluhan.
“Pero, a--ano ang gagawin ko?” Tanong ng dalaga, pakiramdam niya ay nawala siya sa sirkulasyon.
“I need a wife. I need someone to pretend as my wife,” diretsahang wika ni Gilbert.
“So you want me to pretend as your w--wi--fe?” Nautal na paniniguro nito.
Taas ang isang kilay kasabay ng pangungunot ng noo na tumango ng bahagya si Gilbert.
“But mind you, the debt that I need to settle is not that small amount,” babala ng dalaga ng medyo nahimasmasan matapos magulumihanan.
“Money is not a matter to me, I wanted to win every deal I make,” walang yabang na sabi ng binata. Seryoso rin ang mukha. “You need help, I can give it to you as long as you give back the favor I need,” patuloy pa.
Itinukod ng dalaga ang dalawang siko sa office table at nayukong sapo ang noo kasabay ng malalim na buntong hininga. Natataranta ang isip at kalooban niya kung ano ang dapat niyang maging sagot sa inaalok sa kanya. Clueless siya sa proposal na nabanggit kaya hindi niya napaghandaan ng banggitin sa kanya.
“Well, I know it’s very hard on your part, but as you said, your wedding will be in two weeks’ time, and I shall need your decision as soon as possible because I have a deadline too,” tila pangungumbinsi ng lalaki. “If you are in doubt, which is obvious, just forget my proposal,” wika ni Gilbert ng makitang hindi tuminag si Maricon sa kanyang pagkakapwesto, isinuot ni Gilbert ang kanyang hinubad na coat saka humakbang ng palayo sa dalawang kaharap. “Tolits, send Ms. Villaluz to her home,” utos nito sa assistant na alumpihit namang sumunod. “Nice meeting you anyway,” dugtong ni Gilbert na hindi man lang lumingon sa sinabihan.
Napaangat ng tingin ang naguguluhan paring si Maricon, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata, lalo ng makitang tumalikod na si Gilbert.
“Kung lahat ng mga lalaking magpo-propose ng kasal ay ganito, leaving you no choice but to say yes, aba matindi,” naisip pa ng dalaga. Pero mas nanaisin naman niyang makasal sa isang taong hindi naman nalalayo sa edad niya at sa palagay niya ay hindi magte-take advantage sa kanya. “N- -na -name the conditions,” nauutal na sabi sabay na napatayo sa kinauupuan saka ikinuyom ang dalawang kamay na nanlalamig. “Bahala na, hindi naman siguro mali ang naging desisyon ko!” Sabi sa isip nya.
Nahinto sa paghakbang si Gilbert saka muling bumaling kay Maricon. “We’ll have our marriage as soon as possible and we will settle your problem right after the wedding,” nakangiting sabi, pero hindi ang ngiti ng isang lalaking sinagot ng yes from a romantic proposal.
“But I merely have two weeks to settle it. Or else….,” nag-aalalang wika ng dalaga.
“…… I know your point here,” putol ni Gilbert sa nais sabihin ni Maricon. “I promise it won’t get too long,” paniniguro ng lalaki.
“What about the matrimony? Will it be real?” May pangamba at pag-aalinlangang tanong ni Maricon.
“Of course! How will we prove it if it is fake,” kunot noong maagap na sagot ni Gilbert.
“But….,” may pag-aalinlangang protesta parin ni Maricon.
“……. Don’t worry, after a while, we can have a divorce here. I just need to acquire that business venture,” pangungumbinsi ni Gilbert kasabay ng hindi matantyang ngiti.
“But,……,” nagdadalawang isip niyang tinapunan ng tingin si Lito na nakikinig sa usapan nila. Gusto niya kasing makausap muna ng pribado si Gilbert tungkol sa magiging sitwasyon nila kung sakali.
Tila naman naintindihan ni Gilbert ang kanyang gestures. “It’s okay, Tolits is like a family member to me, you can tell me what you want to say in his presence.”
“Amn…,” Sabay kagat sa pang-ilalim na labi bago nagpatuloy. “You said our marriage is for real, what about……,” hindi niya maituloy na sasabihin, dahil hindi niya alam paanong tamang salita niya ito bibigkasin.
“We only have a real marriage on paper and should act like a couple in front of other people. That’s all. We don’t need to consummate our marriage if that is your reason for having a second thought,” seryosong sagot ni Gilbert na tila nainip sa gustong sabihin ni Maricon.
Nang marinig iyon ng dalaga ay nakahinga siya ng maluwag at saka napangiti kahit pilit, kahit papaano ay alam niyang may solusyon na ang kanyang problema.
“Tolits, I need to hurry for my business appointment, just please send her home,” mabilis ang kilos ni Gilbert bitbit ang laptop niya at ilang gamit, umakmang palabas na ng pintuan. “I have to get going, Miss, thank you for your cooperation and for making our deal easy for both of us. I just meet you tomorrow,” may ngiting sabi nito kay Maricon. “Tolits will prepare the agreement forms you need to sign,” dugtong pa at kumaway upang magpalam. Nakasunod tingin lamang ang dalaga at si Lito sa kanyang pag-alis.
“Grabe, ang bilis naman niyang makipagdeal,” wala sa loob na nasabi ni Maricon.
“Iyan si boss Gilbert. Yes or No lang ang tinatanggap na sagot at madali din siyang magpa-twist ng sagot,” natatawang patunay ni Lito.
“Umuuwi ba ng Pilipinas si Gilbert?” Curious na tanong nito ng sakay na siya ng magandang sasakyan ng binata na si Lito ang nagda-drive.
“Bihira, simula ng mag-aral siya dito ng college ay naka limang beses palang siyang na-uwi sa Davao, ang mommy niya sa halip ang bumibisita sa kanya rito.”
“So taga Davao pala ang mga magulang niya?”
“Nag-settled na dun ang Mommy niya simula ng mamatay ang Daddy ni boss, nakapag-asawa na rin ng iba ang kanyang Mommy at may kapatid narin siya sa ina, isang babae.”
“Eh, ikaw? Umuuwi ka rin ba sa Pilipinas?”
“Naku ang pamilya ko ay kinuha kona dito, kaya kahit na hindi na ako bumalik doon ay okay lang. Pero minsan sa ika dalawang taon ay nagpapaalam ako para magbakasyon kami ng pamilya ko sa Pilipinas.”
“Mabait bang amo si Gilbert? Tingin ko kasi masyado siyang formal at masungit.”
“Naku buong pamilya niya napakabait. Talagang ganyan lamang iyon istrikto lang pero sanay na ako dun.”
“Bukod sa kanya, at doon sa maid na nakita ko kanina sa bahay niya, mayroon pa bang nakatira sa malaking bahay? Sa tingin ko maliligaw ako dun.”
“Wala na, madalas naman kasi siyang wala sa bahay. Kung nasa bahay naman siya, sa opisina lang siya madalas magstay at sa kuwarto niya.”
Tumango-tango si Maricon, blanko ang pakiramdam niya, itinuon nalamang niya ang kanyang pansin sa bintana ng sasakyan upang pagmasdan ang view na kanilang dinadaanan.
Pagkababa niya ng sasakyan ay dumiretso na ito sa kanyang tinutuluyang suite, pakiramdam niya ay nakakapressured ang araw na ito. Isang madaliang desisyon na hindi masyadong pinag-isipan, isang desisyong sa tingin niya ay tanging sagot sa kanyang malaking problema.