CHAPTER 3 – The Preparations

2527 Words
Kinabukasan, maagang gumayak si Maricon upang magpunta sa bahay ni Gilbert. Si Lito ang nadatnan niya doon at ang maid na naglilinis. “Maagang umalis si boss Gilbert, pero ibinilin kana niya sa akin. Mag-almusal ka muna daw at mamaya ay ihahatid kita sa isang mall at doon kayo magkikita upang bumili ng wedding gown mo,” Salubong sa kanya ni Lito. Kunot noong bahagyang tumango si Maricon sa tinuran ni Lito habang tinitingala ang kabuuan ng paligid ng bahay na tila isang inspector. Nagring ang kanyang cellphone, ang matandang mapapangasawa niya, si Don Guillermo Fernandez. “Hello,” nagdadalawang isip na sinagot niya ang mobile phone na hawak. “Where are you, Connie? My driver went to the hotel where you are staying, and he hadn’t seen you there,” tila nag-aalalang tanong ng nasa kabilang linya. “a---- I---- just took a walk in the near park,” pagdadahilan niya na sa simula ay medyo na bulol pa. “Is that so, well I have a plan to invite you for dinner tonight in one five star hotel near the City,” “Oh, su---sure. I will come,” Saka bumuntong hininga. “Okay, I will just ask my driver again to fetch you at 6 pm? At your suite?” “No, don’t bother, I will be the one to get there, just text me the details.” “Are you sure?” “Yeah. I am.” “Okay, goodbye then. See you later.” “Bye,” humalukipkip siya kasabay ng butong hininga matapos makipag-usap sa matanda. “Si Don Guillermo iyon, siya ang pinagkakautangan ng family namin, He’s inviting me for a dinner date tonight,” sagot niya sa mga tingin ni Lito na tila gustong sabihing magkuwento siya. “Pumayag ka naman?” “I have to. Wala akong magagawa until I did not settle things with him. I must go with the flow for a while,” malungkot nitong sabi. “Pero paano ang pagkikita ninyo ni boss?” “Maaga pa naman, hindi naman siguro kami aabot ng before 6 pm.” Tumunog ang cellphone ni Lito. “Yes boss, we’ll be there,” sagot nito at tumingin kay Maricon. “Papunta na daw si boss sa meeting place.” Tumango lang si Maricon saka na siya niyaya ni Lito sa sasakyan. Nang makarating sila ni Lito, andun na si Gilbert at naghihintay. “Sensya na boss, medyo na-delay kami,” maumanhin ni Lito. “It’s alright,” matipid na tango ni Gilbert. Niyakag sila ng binata sa isang mamahaling wedding shop. Nauuna sa paglakad si Gilbert habang may kausap sa cellphone nito. Nakabuntot lamang sila ni Lito sa kanya. At paminsan-minsan ay nagkukuwentuhan ng mga bagay tungkol sa mga lugar sa Pilipinas at New York. Nang marating nila ang shop, pinapili siya ng mga ready made na wedding gowns. Isa-isa niyang isinukat ang ilang mga suggested gown ng sales lady at maya-maya ay lumalabas ng dressing room upang irampa sa dalawa at apruban kung okay na. “Wow, you look so lovely, Connie,” nanlalaking matang puri ni Lito ng lumabas siya ng dressing room suot ang isang laced mermaid style off shoulder off white sexy wedding gown. Humubog kasi sa katawan niya ang damit at naging elegante ng maisuot niya. “Do you think this is okay Lito?” Pag-aalala nito na tila daring para sa kanya ang sinukat na gown. Napatingin siya kay Gilbert na noon ay busy sa pakikipag-usap sa cellphone. “Okay iyan, maganda….. maganda,” maluwag ang ngiting sang-ayon ni Lito saka binalingan si Gilbert. “Di ba boss? She’s very gorgeous with that gown?” Tanong niya rito ng makuha ang attention nito at mabilis ding ibinalik ang tingin kay Maricon at muling sinipat ng tingin. Napalingon naman Gilbert kay Maricon at napatigil, napaawang ang bibig at napatitig sa kabuuan ni Maricon na nakangiti naman kay Lito at sa sales lady. Maya –maya napadako ang tingin kay Gilbert na nakatitig parin sa kanya. Napakunot noo si Maricon sa reaksiyon ng binata. Napasunod ng tingin si Lito at ang sales lady sa idinako ng tingin ni Maricon. “Hey boss,” tawag ni Lito upang kunin ang atensiyon ni Gilbert. “Hello, Mr. Servantes, are you still there?” Dinig ni Gilbert sa kabilang linya. “I--- I’m sorry, Mr. Park, I just come up with something, I will just see you tonight to discuss it with you. Bye,” wika ni Gilbert ng ma-ibalik ang sarili mula sa pagkatigil kanina subalit ang tingin niya ay na kay Maricon parin na nagtatakang nakatingin din sa kanyan. “Boss, what do you think? Is she’s stunning with that gown?” Tanong ni Lito sa kanya. “Yeah! ----- yeah!” Pilit na ngiting sagot ni Gilbert saka tumingin sa sales lady. “I’ll take it,” sabi nito saka kinuha sa wallet ang debit card saka inabot sa saleslady. Bumalik na si Maricon sa loob ng dressing room saka nagpalit ng damit. “Your fiancée is so lovely!” Nakangiting puri ng sales lady kay Gilbert matapos i-swiped ang debit card at maibalik sa binata. Simpleng ngiti lang ang tugon ni Gilbert. “Boss, kita ko kung paano ka natulala kay Ms. Connie kanina ah! Aminin mo, na-pana ka ni cupido ano?” Tukso ni Lito kay Gilbert habang nakaupo sila sa four seaters couch at hinihintay si Maricon na lumabas ng dressing room. “Tolits,” kunot noong saway ni Gilbert kay Lito. “Pero alam mo boss, napansin ko lang kanina, nakakakilig kayo, pati nga ang saleslady kanina eh kinikilig, bagay kayo,” patuloy na pang-aasar pa ni Lito. “Bakit nga ba, hindi mo bigyan ng pagkakataon at oras ang magka-girlfriend man lang? I assure you boss, you will be more inspired when you do,” Sulsol pa nito. “Look, I now have one,” tila nagpipigil na ngiti ng nagwika ni Gilbert saka tumayo ng makita nang lumabas sa dressing room si Maricon. Naiwang nakaupo parin si Lito saka nag-isip. “I now have one?” Ulit nito sa sagot ni Gilbert saka hinaplos-haplos ang baba habang nakatingin sa kisame. “Tolits, get the gown now and please bring it home,” utos ni Gilbert kay Lito ng iabot ito ng saleslady, nagmadali namang tumayo ang inutusan. “By the way, Mr. Morgan is expecting you today to deliver the documents he needed for the finalization of our contract,” dagdag na bilin pa nito sa assistant. “Sure boss. I’ll just send Ms. Connie to her hotel and then do what you have told me,” Nakangiting sagot ni Lito. “I’ll take care of her,” Wika naman ni Gilbert. “We’ll go on a date,” muling sabi ng may pilyong ngiti saka lumakad na palapit kay Maricon na nauna ng lumabas ng shop at naghihintay sa kanila. “Uyy, boss parang iba na iyan, parang getting to know date na iyan ah,” tukso nito. Nagkibit balikat lang na nangingiting iniwan na ni Gilbert ang assistant na nakasunod naman sa kanyang paglabas bitbit ang gown na naka box. “Let’s go,” wika ni Gilbert ng makalapit na ito sa dalaga saka nilagpasan at patuloy na lumakad. Hindi naman agad sumunod si Maricon dahil hinintay pa niya si Lito na palabas ng shop. Sumenyas naman si Lito sa kanya gamit ang nguso nito, gestures na ibig sabihin - sundan mo na siya. Kumunot naman ang noo ni Maricon sa ibig sabihin ni Lito pero naintindihan naman niya ito. “I-uuwi ko muna ang gown mo at may pinapalakad pa sa akin, kaya pinapauna na ako. May date pa ata kayo,” halos pabulong na paliwanang ni Lito. Napatingin naman si Maricon sa medyo nakalayo ng binata habang pinapakinggan ang sinasabi ni Lito. Nakita rin niyang saglit na huminto at napakunot ng noo si Gilbert ng lumingong hindi siya nakasunod sa kanya. “Ayan na magsusungit nanaman iyan, sumunod kana dali,” pabulong paring wika ni Lito. Hindi na nagtanong pang muli si Maricon at agad na lumakad pasunod kay Gilbert na ng makita ng huli na palapit na siya ay muling ipinagpatuloy ang kanyang paghakbang. Habang naglalakad sa loob ng mall ay nanatili lamang si Maricon sa likuran ni Gilbert, naiilang kasi siya dito, hindi niya alam kung paano ito i-a-approach, at sa tingin naman niya ay wala itong balak sumabay sa kanya sa paglalakad at isa pa ay busy ito sa kausap sa kanyang cellular phone. ***** Isinama ni Gilbert si Maricon sa isang Catholic Church at doon ay nagpa-schedule ng kanilang kasal. Madali naman silang nakahanap ng bakanteng schedule at ayon sa pinili ng binata. At dahil marami siyang kakilala at connections, ipina-settle narin niya ang iba pang requirements na dapat pang ayusin upang hindi na makasagabal pa sa gustong petsa ng kanilang kasal. “My assistant will be here later to submit all the additional needed documents and he will be take charged in everything related to the wedding preparations,” wika nito sa officer in-charge na kausap. “Okay sir, we will wait for him then. Congratulations to both of you,” masayang nakipagkamay sa kanya ang babaeng kausap at maya-maya ay nakangiti ring kinamayan si Maricon. “Thank you,” sagot ni Maricon na may magiliw na ngiti. Matapos sila sa opisina ng simbahan, dumiretso sila sa isang Italian restaurant at doon kumain ng kanilang late lunch, noon ay mag-aalas dos na ng hapon. “Our wedding will be a day after tomorrow, and on that very day, I want you to move out from your hotel to my house,” wika ni Gilbert. Pakiramdam ni Maricon ay mas marami ang utos sa tinuran ni Gilbert kaysa sa pakiusap. Hindi siya kumibo. Naisip niya, hanggang kailan siya didiktahan ng dalawang lalaking naka-takda niyang pakasalan. Kung may magagawa lamang talaga siya, pero alam niyang hindi pa ngayon ang panahon upang makapagdesisyon siya para sa kanyang sarili. “You seem so occupied with your thoughts,” puna ni Gilbert sa pananahimik niya habang kumakain sila. “Anything in mind that troubled you?” Dugtong na tanong ni Gilbert ng hindi parin siya kumibo. Umiling lamang si Maricon. Medyo naiilang din kasi siya sa sitwasyon nila ng binata. Kung iisipin, malapit na silang ikasal pero strangers parin sila sa isa’t-isa. Sabagay bakit ba siya mag-iisip ng isang romantic na eksena samantalang hindi naman about love ang dahilan ng proposal ni Gilbert sa kanyan. “Still that old man?” Pagkukumpirma ni Gilbert. Bumuntong hininga ang dalaga at mapaklang ngumiti. “Don’t you trust me? Everything is working out, I promise, that day won’t come without a solution,” ngumiti pa ang binata habang nakatitig sa kanya, maya-maya ay may hinugot sa loob ng bulsa ng kanyang coat. Isang kulay pulang maliit na velvet box. “I have your engagement ring here,” wika ni Gilbert. Saka binuksan ang kahon agad nasilaw si Maricon sa kislap ng mamahaling bato mula sa singsing. Nahigit ni Maricon ang kanyang hininga at bahagyang nanlaki ang mga mata, “I think, hindi naman na kailangan iyan, I’m okay with a simple wedding ring during the wedding day,” sabi nito, pero sa bahagi ng kanyang puso ay andun ang kaunting kilig. Inilabas ni Gilbert ang singsing sa kahon saka kinuha ang kanang kamay ni Maricon, “Although it’s a very short time to be engaged with each other, I prefer to give you this ring, so please let me,” habang isinusuot ang singsing. “I hope you like it,” nakangiting sabi nito habang ang titig ay nasa kausap. “There you go, it fitted your ring finger atleast,” ngayon ang tingin ay nasa hawak niyang kamay ng dalaga matapos maisuot at pinagmasdan. “Para yatang nauna pa ang yes and the settlement of marriage kesa sa engagement ring,” biro ni Maricon habang pinagmamasdan ang suot na engagement ring matapos mabawi ang kamay kay Gilbert. “I know everything is not in its proper order, that a bride to be should expect, I’m sorry for that, and for the inconvenience.” “No sorry, I understand. We’re not lovers anyway,” Matabang na ngiti ni Maricon. Tumunog ang cellphone ni Gilbert. “Excuse me, I’ll have to take this call,” Paumanhin nito. Saka sinagot ang tawag. “Yes, Mr. Morgan, all the documents that have been delivered to you by my assistant are the complete contract, including the requirements that you need to sign for the finalization of buying your stock shares,”. . . . . . . . . “No, no, as much as possible I need those signed documents in my office early tomorrow morning . . . . . . . Yes, I will meet lawyer Trenton tonight to discuss some possibilities with regards to our transactions . . . . . . . . . . . Well, if you could join us tonight it is much appreciated. . . . . . Yeah, sure, I’ll be on time, see you then. Bye.” “Hindi ba ito natotorete sa mga kausap? Iba-iba ang ka-business deal maya-maya, hindi nakakapagtakang yayaman nga ito ng sobra,” sa isip ni Maricon habang nakikinig sa pakikipag-usap ni Gilbert sa cellphone. “Finish your food, I have to go back to my office for an appointment at 4 o’clock,” kaya-maya ay narinig niyang sabi ni Gilbert sa kanya. “Just go ahead if you are already finished, it's okay, I can take care of myself here,” kaswal na sagot ni Maricon. “No, I need to bring you to your suite,” tanggi nito. “Please, just do your business, hindi naman siguro ako mawawala ng New York. In fact, may lakad din ako mamaya,” “Are you sure?” Kunot noong paniniyak ni Gilbert. Tumango lamang si Maricon. Tinawag ni Gilbert ang waiter at inabot ang bayad ng kanilang kinain. “I’ll just call Tolits to fetch you here and send you back to your hotel.” “I said, no need, busy si Lito at marami kanang pinagagawa sa kanya, ayokong makadagdag pa.” “Okay then, if you insist, I have to go, see you,” nagmamadaling paalam nito at saka na umalis. “Hmn, kung totoong fiancé ko ang lalaking ito, tiyak hindi ako tatagal, kasama mo nga, lagi namang nagmamadali at lagi kang iiwan sa ere. Madalas naman, lagi ang tawag sa cellphone niya. Boring,” Mahinang sabi sa sarili ni Maricon habang tanaw nito ang palayong si Gilbert. At ng mawala na sa paningin ay muling pinagmasdan sa kanyang kamay ang suot na singsing. Bahagyang nangiti at bumuntong hininga. Matapos sa Restaurant ay bumalik muna siya sa tinutuluyang hotel at saka gumayak para sa date naman nila ni Don Guillermo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD