"Bunso, tara na. Maiiwan na tayo sa ating flight pauwi," ani Elijah sa kapatid. Halatang wala sa sarili. "Master James, wala po kami sa karapatang magsalita. Ngunit kagaya po nang sinabi ni Master Elijah, tara na po sa loob ng airport. Mag-check in pa po tayo." Bumaling na rin si Charlotte sa Master ng KOTN. Sa katunayan ay late na talaga sila sa pagbabalik bansa. Ang isang linggo sana nila sa Thailand para sa international competition for martial arts ay nauwi ng dalawang linggo. Kung saan-saan sila naghanap kasama ang mga katutubong Thai. Subalit walang Fier Yan na nagpakita. Isang linggo na ang lumipas simula noong inilipad ito ng dragon war. "Master James, alam ko at nauunawan ko ang nararamdaman mo. Dahil hindi na ito bago sa inyong mag-asawa. Noong buhay pa ang biyanan mong dati n