"Welcome back to Chiang Mae, young master. Saan ko kayo ihahatid ng anak mo?" tanong ng Thai o ang paru-paru pero nasa katauhang tao na dahil nasa bansang Thailand na sila. Siya si Elder Decha. "Sa dati naming bahay ng asawa ko," tipid na sagot ni JD. Subalit agad itong sinalungat ni Elder Decha. "Young master, nakalimutan ko bang sinabi sa iyo na kasabay nang pagbagsak ng biyanan at asawa mo ay sinakop lahat ni Virute ang lupain dito sa Chiang Mae o lahat ng kunektado sa mag-ama o ikaw ang nakalimot na nasabi ko na?" anitong muli. Sa narinig ay natigilan si JD. Kung wala na ang dati nilang bahay ng asawa ay wala na silang choice na mag-ama kundi ang manirahan sa hotel pansamantala. Subalit oras na ginawa niya iyon ay mas madaling makakarating sa mortal niyang kaaway ang lahat, ang pagb