Chiang Mae, Thailand "Hanggang ngayon ba naman hindi n'yo pa nalalaman kung saan natin matatagpuan man ang gagong iyon?" mainit ang ulo na tanong ni Virute. "Hindi pa, Boss, pero hayaan mo Boss---" "Kailan nga kapa naging matakutin? Saan ka ba natatakot? Tayo na ang namumuno rito sa Chiang Mae kaya't huwag kayong mag-alala dahil tayo ang yuyukuan ng bawat nilalang dito sa mundo! Nauunawaan n'yo ba iyon?" ani Virute. "Pero boss alalahanin mo may laban ang Grand Palace at Chiang Mae, undefeated ang player nila at magaganap na ang kinatatakutan naming lahat dahil hanggang ngayon wala pa tayong nailapista. Huwag mong kalimutan pinuno na napakaimportante ng laban na ito para sa Chiang Mae." Sa wakas ay nasabi rin ng tauhan ang nais sabihin. Sa narinig ay napatahimik si pinunong Virute. Oo