Sa kinaroroonan ng mag-amang JD at Khemkaeng sa Chiang Mae, matapos maitarak ng una ang pinagdugtong na swords kay Virute ay biglang nagdilim ang paligid. Hindi niya tuloy maiwasang mapalinga-linga sa buong paligid. And at the end he turned his gaze to Elder Decha. "What's happening? Bakit biglang nagdilim ang paligid?" tanong niya rito. "Gaya nang sinabi ko sa iyo, young master, kapag nawala na ang demonyong iyan ay babalik na ang dating Chiang Mae. At ang sagot sa tanong mo ay palatandaan lamang ito na nagbabalik na ang demonyong iyan sa amo niya sa kadiliman. Huwag kang mag-alala dahil sa oras na ito ay normal na ang buhay nating lahat," tugon nito. Banaag sa mukha ang kasiyahan dahil sa wakas ay muli na silang mamumuhay ng mapayapa. Ang dating Chiang Mae na tulad sa pamumuno ng mag-