Mt. Province, Philippines "Kumusta na kaya ang anak natin sa Thailand, Hon?" malungkot na tanong ni Dalene sa asawa. Ilang araw na ring nasa Thailand ang mag-ama. Tumawag naman ang anak nila nang nakarating sila roon subalit hindi na nito inulit. May tiwala naman sila rito pero ayun na rin sa paru-parung nagkatawang tao sa harapan nila ay may kakaibang powers ang angkang ng hindi nila nakilalang manugang. Iyong ang ipinag-aalala niya bilang ina ay apo sa mag-amang tumulak patungong Thailand ilang araw na ang nakakaraan. Kahit pa may power ang apo nila dahil bata pa ito. Hindi pa kayang pangalagaang mag-isa ang sarili. Samantalang ang anak nila o ang ama ng kanilang apo ay ordinary person lamang ito. Maaaring swords master ito pero anong laban nito sa mga may powers? "Iyan ang tanong