Nang nailayo na ng babaeng tumulong sa kaniya ang anak at nahagip ng paningin na dinala ito sa kinaroroonan ng Chiang Mae people ay hinarap niyang muli ang taong wala yata sa bokabularyo ang salitang sportsmanship. Sinalakay siya nito nito subalit hindi na niya hinayaan na muling dadapo ang deadly weapons nito sa kaniya. Sinangga niya ang bawat atake nito gamit ang kaniyang swords at ng nagkaroon siya ng pagkakataon ay hinablot niya mula dito ang suot nitong sinturon. "Hmmm magaling bata magaling." Napapatango pa ito nang nasaksihan ang liksi niya kahit may sugat siya sa tiyan. Hindi siya papayag na magalaw siya nitong muli. Mabuti sana kung patas itong lumaban. Subalit hindi dahil nasa gitna na sila ng bulwagan, nasa harapan ng libo-libong tao ngunit nagagawa pa rin nito ang mandaya. Lu