Secrets won’t last

2110 Words
Matt POV Pagkagising na pagkagising ko, I got my cp to greet her good morning. It was Monday, I’m sure maaga siyang papasok for work. Di pa naman siya nagrereply kaya pumunta muna ako sa bathrrom at naghilamos saka nag toothbrush. Paglabas ko, may text message na sakin, I smiled noticing na galing sa kanya nang biglang bumukas ang pinto ko at basta nalang pumasok si Angeline. My smile faded immediately upon seeing her. Nalukot ang mukha ko saka inilapag ang cp ko. “Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ko sa kanya. “Cmon Matt, I’m your fiancé, no need for that.” Saka ito humiga sa kama ko. “Get out. Hindi mo na ako fiancé, nasa Pilipinas na tayo.” I told her saka itinulak siya patayo. “Matt naman, ma iisipin mo pa yun kaysa sa kalagayan ng lolo mo, sigurado akong madidisappoint siya pag nalamang di tayo talaga engaged.” Tumayo siya saka inayos ang sarili. “Get the f**k out of my room. Wala kang karapatan na basta nalang pumasok. You are not my girlfriend, asawa o kahit fiancé. Get out.” Sigaw ko. “Whether you like it or not, ako ang pakakasalan mo. Tandaan mo, may pwede akong gawin sa kanya sa oras na itaboy mo pa ulit ako. I’m leaving you now, but I will never allow na di tayo ang ikakasal.” Saka ito tumalikod at umalis ng room. Napamura ako saka binalibag lahat ng gamit sa side table ko. Mabilis ang aking paghinga saka kinuha ko ang phone ko. Tinawagan ko siya, I need to hear her voice. Pagkatapos ng dalawang ring, sumagot na siya. “Hello, Matt? Ba’t ang aga mong napatawag?” “I need to hear your voice ngayong umaga.” I know makakahalata siya sa bigat ng boses ko. “Matt, anything wrong? Gusto mo bang magkita tayo?” she said, worried laced her voice. “It’s okay, I know nasa office ka na sa gabitong oras. I just want to calm myself, I wanted to hear you.” “Hmm, wala pa naman si sir, I guess late nanaman papasok. You’re not gonna be in the office?” tanong niya “No. I have field inspection today, buong araw ako nasa labas, kait meetings. Si Ninong naman nasa Hotel, siya na bahala don.” I said. “I see, okay. Mag iingat ka ha.” I smiled. I have long waited for her to say those things na concern sakin. “Mag iingat ako para sayo.” Biglang hindi ko na siya narinig. “Irish, okay ka lang?” tanong ko. “Stop being so cheesy Matthew Montecillo. Nagkaka goose bumps nga ako.” I chuckled. “Bakit ba? Matagal ko nang gusto marinig sayo yung pagkaconcern mo sakin.” “Ewan ko sayo, sige na. Maghahanda pa ako dito. Bye. Ingat ka.” Sabi niya. “I love you.” Pahabol ko. Nanahimik nanaman siya. “Tahimik kna naman.” Pansin ko. “Ugh, dakilang cold pero ang cringy. I love you too. Cge na, malulusaw na ko dito. Bye!” I chuckled. “Okay, ingat ka din.” Saka binaba ko ang phone. I did not notice na may tao pala sa likod ko. Her smiles were ear to ear. Umiling na lang ako. “So, kuya…who was that? Kayo na ba ni Irish?” tanong niya. “What do you think?” I said back. “OMG! Kaya pala galit na galit ka nung ipresent as fiancé si Angeline nung Welcome Party mo.” “They were not true to their word so I am also not going to partake with mine. Nasabi ko na sa lahat na si Irish ang babae ko. Bahala na sila to think kung anoman sa babaeng yun, si Angeline. She was not true kung anuman nagging kasunduan.” Naupo na si Therese sa couch sa kwarto. “Pero kuya, kawawa naman nito si Irish, naiipit siya. I mean, alam na ba niya.” “She knows, at walang makakapigil sakin sa ginagawa ko. I love Irish and matagal akong nagtiis just to be with her.” “I’ll help out kuya kung kailangan. I mean, I have no aversion kay Angeline, pero dun ako kung sino mahal mo.” “Thank you, Therese.” “Nga pala kuya, I saw Therese and Kuya Alex talking before. I thought you should know.” Tinignan ko siya. “They know each other?” taking tanong ko. “Well, sabi noon ni kuya they met sa isang party with their families, tapos yun lang. Hindi nga daw sila friends eh.” Tumango tango naman ako. “Sige kuiya, come down na… Let’s have breakfast. Nagluto nanaman si Mommy eh.” She excitedly went out. “Susunod ako.” Habol ko sa kanya. I sat by my desk, typing away sa isa sa mga tauhan ko. I remembered seeing Angeline and Alex go to one building. Although different time, it’s as if I have this hunch na may namamagitan sa dalawang to. It helped me now na alam kong magkakilala pala sila. I tild my man to investigate, to try and check kung mayroon bas ilang ugnayan. I need to know, I want to know. Pagkatapos nun, I went down para mag breakfast. Mom and Dad were already there. Kahit sino ata mamagitan sa dalawang to, they will stand their ground and be with each other. Nakita ko na ito nung malamang anak ni Daddy si Kuya Alex. Knowing just how soft hearted Mom is, I knew she will open up to Kuya Alex being part of the family. Siya pa mismo ang nagsabi to treat him as one. Kahit na nasaktan siya, she accepts him. Nang makaupo ako, diretso naman si Mommy sap ag alok sakin nung binake niyang croissants. She had been perfecting those ever since malaman niyang yun ang usaual kong kinakain sa umaga when I was still studying. Pinagbabalot niya ako noon and all I have to do was eat it while on travel. Mom was the best. Kaing lahat na magkakapatid, kahit na si Kuya Alex, ay sobra niyang alaga. Kahit na hindi na siya makapagpahinga, just as long as makita niya kaming masaya, okay na daw siya. I wish I could find that kind of girl, and I see that in Irish. The way she takes care of things for her mom and siblings. I know she will be a good wife and mother. I love the croissants mom makes. Its buttery that I don’t mind finishing almost everything she bakes. Natatawa nalang siya minsan kasi hindi ko ito namamalayan. Buti nalang huli na ako na umupo dito so everyone had their share. Tinignan ko si Kuya Alex, I was staring at him while sipping my coffee. Tumingin naman itosakin saka nagsalita. “May problema ba, bro?” “Wala naman. May iniisip lang, napatingin lang sayo.” Tumango naman siya. “Kuya Matt, pagdrive mo naman ako o.” Cristoff said. College na siya, how time flies. “Saan ka? Bakit di nalang sumabay kina ate mo?” “Eh sa school sila, wala akong schedule ngaun. Punta sana ako sa mall. Nagtext si Sir Charles sakin, he needs me today.” Siya na din ang tumutulong mamahala sa Mall, as assigned by Dad. Natutuwa naman ako na he takes everything seriously na. “Sure, punta din naman ako sa field.” “Son, musta naman yuing nabiling lupa for the new hotel?” “It’s great pa, madaming tayong pwede malagay dun. I let the board alos the investors see the new hotel. Para malaman naman nila kung ano ang kapupuntahan sa ininvest nila. By the way dad, I wanna change secretary. May ilalagay sana ako dun.” Nagtinginan naman sila ni Mommy. “Sure son, who might that be?” “School friend ko sa College. I told herto apply sa company before I left.” Tumango naman siya. “Okay, just be sure she can keep up and that she can manage.” Ako naman ang tumango. “Thanks Dad.” Nakita kong pasimpleng ngumiti si Therese. I smirked and finished my breakfast. Irish POV Nang matapos niya akong tawagan, nagsimula na din akong maglinis sa desk ko saka nagtimpla ng kape. Di ako pumapasok sa loob ng opisina ni Sir Jake pag wala pa siya. Nagtext naman siya sakin, malelate lang daw ng ilang minuto kasi naabutan ng traffic. So habang naghihintay ako, doon ako naupo sa lounge ng office. Habang nag iiscroll lang sa aking phone ay may message na nag pop sa aking screen. Nag message nanaman si Matt ng isang kissing emoji. Napa iling ako. Wala bang ginagawa to? Nagsend naman ako ng emoji na nakatago ang bibig ko. Natawa ako sa rely niyang “Gggrrr”. Parang bata lang kausap ko. Sakto naman na dumating na si Sie Jake. “Aba, may pangiti ngiti pa ha.” “Wala po, nagkakatuwaan lang.” “Kumusta naman kayo ni Matt?” “Ha? Uhmm okay naman po.” “So… yung balita na ikakasal na siya tsaka yung pinakilalang fiancé, pano na?” “A-ah, hindi ko po alam, wala po akong alam dun. Ang sabi lang niya magtiwala lang ako sa kanya.” “Sigurado ka ba? Baka mamaya bigla kang sugurin dito nun. Ang alam ko, masyadong marahas ang babaeng yun.” Umiling ako. “Nagtitiwala po ako kay Matt, Sir Jake.” “I’m just worried about you. Nabanggit mo sakin noon na bigla ka niyang hindi kinontact na. Tapos ngaun babalik siya.” He said. “Magtitiwala po ako sa ikalawang pagkakataon. Mahal ko din po naman siya.” “If you say so.” Bigla siyang nagging seryoso. “What’s on my schedule today?” dali dali kong kinuha yung tab para masabi ang schedule niya. Nang makuha ko ito, sinabi ko na ang schedule niya sa araw nato. Pagkatpos ay sinabi niyang tatawaging nalang ako pag may kailangan na siya. Tumango naman ako saka bumalik sa desk ko. Nakita ko ang text message ni Matt sa akin, lumaki ang mga matra ko sa kanyang sinabi. Bigla kong tinignan si Sir Jake bago ako tumipa ng reply. You: pero paano naman si sir jake? Matt: he can find a new one. Maybe he can find someone while you’re there. Pagkatapos, once na anjan na, you can be replaced na. Please baby, I want to work with you. Napakagat labi ako saka nag isip. Haay, itong si Matt, kung di lang kita mahal eh. You: pag iisipan ko. Matagal tagal na din ako dito saka si sir jake an tumulong sakin. Matt: I can help him in what he needs. In exchange of you? You: ano ako? Winning prize? Matt: kinda. J You: matt, pag ako sinugod ng fiancé mo jan. Matt: let her try, baka mapahiya siya. (napatawa ako) You: sira ulo. Cge, itry kong sabihin kay sir jake. Matt: I’ll be waiting babe. :* You: Hehe, bye. I love you. Matt: I love you more.   Inilapag ko na ang phone ko saka chineck ang email ko. Baka mamaya may kailangan akong isend na gagawin ni Sir Jake. Halos mag lunch na nang tumawag siya sa intercom ko. “Irish, maghanda ka. May lunch meeting tayo with a client.” “Yes po.”   Nilinis ko na ang mesa ko saka naghanda para umalis. Lumabas na si Sir Jake sa opisina saka ako umalis sa may desk ko at sumunod sa kanya. Nasa elevator na kami, sa sobrang tahimik, napayuko ako. Pagdating naming sa baba, sumakay na kami sa kotse na pumarada sa harap namin. May driver pala siya. Sumakay kami saka kami naihatid sa isang restaurant bna mukhang mamahalin. Nang papunta na kami sa reserved na room. May naaninag ako na parang kilala ko. Nung matignan ko si Angeline iyon, pero hindi si Matt ang kasama. Ang kasama niya ay halos kamukha ni Therese. Mukhang magkakilala siula o magkalapit sa tingin palang nilang dalawa. Pero di ko na natunghayan ng maayos kasi naiiwan na ako ni Sir Jake sa kinatatayuan ko. Dali dali akong sumunod sa kanya. Nakapasok na kami sa loob ng nireserve na room at mukhang wala pa yung client. Naupo nalng muna kami. Tahimik lang kaming dalawa, hanggang sa natandaan kong may dapat pala akong gawin. “S-sir Jake?” tawag ko sa kanya, bumaling naman ito sa akin ngunit seryoso. “M-may sasabihin po sana ako?” tumingin lang siya sa akin at tumango ng isang beses. “M-mag reresign po sana ako as secretary niyo…” Tumalim naman ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD