Dox's point of view Umalis ako sa aking opisina na tulog pa ang tatlo. Sinigurado ko na hindi mahulog sa sofa si aling maliit. Pumunta na ako sa conference room at iniwan ko na ang aking secretary para bantayan niya ang tatlo. Mabuti at hindi palatanong ang aking secretarya, pure work lang ang pinag-uusapan namin lagi. Kung iba siguro ay siguradong itatanong na bakit ko hinahayaan na tulog ang Nanny ng aking mga anak. Pagpasok namin sa conference room ay nagsitayuan silang lahat. Napahinga ako ng malalim dahil ito na ang pangalawang pagkakataon na ka meeting ko sila. They are recommending their product to my company and they want to be a part of my company kahit 2 percent lang daw sila. I can accept their products but not be a share owner sa kompanyang pinaghirapan ng aking mga magulang.