Dox's na malikot ang kamay point of view Pagdating namin sa restaurant ay nagsiksikan ang dalawang anak ko sa gilid. Ayos na ayos naman sa akin dahil katabi ko ang yaya nila. Alam ko na ayaw niyang may masayang na pagkain kaya dinamihan ko ang pagkain na pinili ko lalo na at narinig ko ang mga pilya ko na anak na ubusin nila ang kanilang pagkain. Kung maubos nga nila ay masaya ako dahil ngayon lang ito mangyari. Siguro ay nakuha nila ang kanilang ugali sa kanilang Ina na mapili sa pagkain at laging may itinitira sa plato. Hindi kami naging magandang ehemplo ng aking asawa sa aming mga anak. Tama nga naman si bansot, kahit tumango lang ako sa aking mga tauhan. Nasanay na kasi akong hindi sila binabati pabalik lalo na ang mga tauhan ko na babae na halatang may gusto sa akin. Pero pati tulo