CHAPTER SIX
PRIANNE
Napabalikwas ako ng bangon dahil naalimpungatan ako. Parang pakiramdam ko, ang tagal kong natulog nang idilat ko ang mga mata ko. Napahawak pa ako sa noo ko at napadaing pa sa sakit nang mauntog sa isang matigas na bagay.
“Ouch!” I cringed.
Muli kong idinalat ang mga mata ko habang hinahaplos ko ang parte ng noo ko na tumama at do'n ko lang siya napansin. Mukhang nakayuko siya sa harap ko kanina kaya nagkauntugan kami. Busangot na mukha ang isinalubong ko sa kanya at nag-peace sign lang siya sa akin.
"Ano’ng ginagawa mo rito?!" masungit na tanong ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid kahit na wala pa siyang sagot. Nandito pala kami sa tambayan ng barkada at dito ako sa sofa nakatulog. Nagtataka tuloy ako na tumingin sa kanya dahil wala akong ideya kung paano ako nakarating dito. "At ano’ng ginagawa ko rito?!"
"Teka lang, Prianne. Easy! Isa-isa lang ang tanong, mahina ang kalaban," biro niya naman at nakuha niya pang tumawa. Parang tanga lang.
Pero aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko dahil siya ang kasama ko ngayon. Sa pagkakaalala ko kasi, may kumuha sa akin do’n sa eskinita na dinaanan ko. Pero wait! Oh my god! Hindi kaya stalker ko si Pierre at siya ang kumuha sa akin kanina?
"Paano nga ako napunta rito?!" tanong ko sa kanya. "May kinalaman ka ba sa pag-kidnap sa akin?!"
"Well... I guess you could say that I am the mastermind of your so-called k********g," pag-amin niya at sisigaw na sana ulit ako pero pinatahimik niya lang ako. "With the help of Kaylee and Gian, of course."
"WHAT?! TALAGANG IDINAMAY MO PA 'YUNG DALAWA?!" Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to! Mapapatay ko yata siya! "You think this is funny, Pierre? Well, this is not! Tinakot mo ako! How dare you!? Gago ka!"
Habang nagwawala ako sa harap niya, hinawakan niya lang ako sa magkabilang balikat ko kaya nagkatinginan kami. Tumigil tuloy ako sa pag-ta-tantrums ko na parang bata sabay iwas ng tingin. Mukhang hindi na yata ako sanay na ganito kami kalapit sa isa't isa.
"Yahnie, look... I am really, really sorry. Kaya ko lang naman nagawa 'to kasi gusto talaga kitang makausap. 'Wag ka sanang magalit do'n sa dalawa dahil pinilit ko lang naman sila," paliwanag niya.
I gave him a soft look when he called me by my nickname ‘Yahnie’, a nickname from him. It has been too long since I last heard him calling me that name. I missed that. I missed hearing it from him.
Pero hindi ako pwedeng magpadala dahil lang tinawag niya ako sa nickname na ‘yon. I have to be firm with him.
"Hindi mo man lang ba inisip na baka matakot ako o ano?! Isa pa, baka hinahanap na rin ako nina Mama. Nag-aalala na 'yon sa akin kaya hindi mo 'to dapat ginawa," masungit kong sabi sa kanya. "Uuwi na lang ako."
"Yahnie... please? Just hear me out." Parang nagmamakaawa ang tono ng boses niya kaya natigilan naman ako. Ano na naman bang drama 'to? "Tinawagan namin nina Kaylee sina Tita Mindy kanina habang natutulog ka. Ipinagpaalam namin na may sleepover tayo rito kina Gian ngayon at papahiramin ka na lang daw ni Kaylee ng damit niya mamaya para makapagpalit ka. May dala raw siya para sa'yo."
"Wow, hindi naman kayo sobrang handa, ha?" sarkastiko kong sabi at umirap na lang ako sa kanya. "Oh, ano bang gusto mong mangyari ngayon?" tanong ko.
"Usap tayo."
"We are already talking, Pat. In case you haven’t noticed that yet," I pointed out.
"Doon sa table. I prepared a dinner for us," sabi niya naman sabay turo sa gitna. Lumingon ako at do’n ko lang napansin ang magarang ayos ng dating bakanteng space sa tambayan namin. It looks like a formal dinner in a high-end restaurant. May mga untesils, candles at table napkins pa sa mesa.
"Uh... pero kailangan ba talaga na ganito pa kaarte ang setup? Para namang magkakaro'n ng romantic date o ano," kunwaring casual kong sabi pero ang totoo ay masaya ako dahil sa effort na ipinapakita niya sa akin ngayon.
"This is really a date. A friendly one," nakangiti niyang sagot sa akin at tumayo na lang ako para lumapit sa inihanda niyang setup para sa aming dalawa. Mabilis naman siyang sumunod sa akin para ipaghila ako ng upuan. He is really being a gentleman right now. "Upo ka na," sabi niya pa nang imuwestra niya sa akin ang upuan ko.
"Thank you," balik ko at bahagya akong ngumiti.
Sandaling nawala si Pierre dahil kukunin niya raw ang pasta at pizza na inihanda niya para sa aming dalawa. Bumalik din naman siya agad at inayos sa mesa ang mga pagkain bago siya naupo sa tapat ko. He cleared his throat before he started talking.
"Marami akong dapat sabihin sa'yo, Yahnie. Pero alam ko na dapat umpisahan ko muna 'yon sa salitang sorry," seryoso niyang sabi at nag-iwas na naman ako ng tingin. Medyo nakakailang kasi talaga 'tong setup namin ngayon. Hindi ako sanay. "I am really sorry. For everything that I did, I said and all the things that I have put you through. Sana mapatawad mo pa ako."
"Nagkamali ako sa pagbibintang sa inyo ni Kaylee, sa hindi pagtitiwala. Nagkamali ako sa mga ginawa ko sa'yo dati. You do not deserve that, you do not deserve all the hurt because you deserve to be treasured, Yahnie... kahit na hindi ako ang makakagawa nun para sa'yo, alam kong may darating din para sa’yo."
Ngumiti ako dahil sa mga sinabi niya pagkatapos niyang magsalita. Sana hindi nagmukhang pilit at hindi mukhang tanga ang hitsura ko ngayon. Aaminin ko naman na may nararamdaman pa rin ako para sa kanya, na gusto ko pa rin siya dahil hindi naman gano'n kadali ang makalimot. Kaya nga masakit na marinig sa kanya na deserving ako pero hindi pa rin siya ang makakapagpuno nito. Hindi siya dahil ayaw niya pa rin.
Pero kailangan ko na talagang tanggapin 'to, kailangan kong tanggapin na wala talaga. Para rin sa amin 'to, para maging okay na ang lahat. So we can go back to being friends.
Just friends.
"Naiintindihan ko naman. I will admit it. Alam ko na may kasalanan din ako sa'yo, Pierre. Sorry kung naging possessive ako kahit na wala namang tayo at kahit nawala akong karapatan. I am sorry..."
Gagawin ko 'to para sa pagkakaibigan namin, para sa barkada.
"Parehas lang naman tayo na may mali, Yahnie. Pero sana talaga, magka-ayos na tayo."
"Subukan natin. Kaya naman siguro nating ibalik ang dati, 'di ba?" nakangiting tanong ko sa kanya. "So... are we good? As friends?"
"We are good," nakangiti niyang sagot at ginulo niya pa ang buhok ko bago niya itinuro ang mga pagkain sa harap namin. "Kain na tayo? Lumalamig na 'tong pasta, oh. Ako pa naman nagluto n'yan," duktong niya pa.
"Weh? Ikaw talaga? Baka naman si Tita Kamille ang nagluto nito, ha?" biro ko sa kanya.
"Uy, hindi kaya! Nagpatulong lang ako ng kaunti kay Mama pero ako talaga ang nagluto n'yan," nakangiting depensa niya at naging magaan na ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung anu-anong bagay habang kumakain. Para ngang bumabawi kami sa matagal naming hindi pag-u-usap ng ganito. Noong close kasi kami, laging kami ang magkausap. Tumatabi pa siya sa akin madalas kaya hindi na kami nakakasabay sa lectures minsan.
"Uh... Pierre?" Tumingin naman siya sa akin nang nag-a-alangan kong tawagin ang pangalan niya. Kumunot ang noo niya na parang nagtataka kung may problema pa rin baa ko sa mga nangyayari. "Gusto ko lang magpasalamat sa mga effort mo."
"Wala 'yon, Yahnie. Maliit na bagay lang 'to kung tutuusin. Ako pa nga dapat magpasalamat, eh. Ang gago ko mula pa dati pero ngayon lang ako nag-effort para itama ang mga mali na nagawa ko..." Tumayo pa siya at bahagya akong nagulat nang yakapin niya ako pero hindi ko 'yon ipinahalata. "Thank you dahil pumayag ka na maging magkaibigan ulit tayo. I honestly missed you and our friendship."
"I missed you too. Lalo na ang pagtawag mo sa akin ng 'Yahnie'. You gave that nickname to me, remember? It has been my favorite since then," nakangiti kong sabi habang yakap pa rin namin ang isa't isa.
This is it. Let go, Prianne. Kaya mo 'yan.
"And you wil be hearing that nickname a lot again starting today," naninigurado niya namang sabi at sincere niya akong tinignan nang humiwalay siya sa yakapan namin. "Subukan nating ibalik ang nawalang pagkakaibigan natin. Let us start fresh."
“Here is to a new start for us, Pierre.”
“I will cheers to that, Yahnie.”
Then we both smiled as we welcomed a new beginning for us, for our friendship.