CHAPTER SEVEN
PIERRE
"Ma, pwede ko bang gamitin ulit ang kotse ni Papa?" tanong ko kay Mama habang kumakain kami ng almusal.
Napansin ko agad ang makahulugang ngiti niya. Ito na naman ang nanay ko! Alam ko na agad nasa isip n'yan. Si Prianne na naman at ang pagiging daughter-in-law niya para kay Mama.
"Sabay na ulit kayong uuwi ng manugang ko?" nakangising tanong niya sa akin.
"Ma!"
Simula nang makita ni Mama si Prianne no'ng second year high school kami, boto na agad siya rito. Lalo pa no'ng nalaman niyang may gusto siya sa akin... noon.
Noon. Dahil magkaibigan na ulit kami ngayon. Magkaibigan na lang kami at sa palagay ko ay mas ayos ‘yon. Mas magtatagal kami sa gano’n.
Tumawa naman si Mama at hinimas niya pa ang tiyan niya. Only child ako dati, parang sina Kaylee at Prianne, pero ngayon hindi na. Six months nang buntis 'tong nanay ko, nabuo nila ang kapatid ko bago bumalik si Papa sa Dubai. Sa sobrang excited ni Mama, may pangalan na agad ang kapatid ko kahit na tatlong buwan pa siya sa tiyan ni Mama mananatili.
"Magui, narinig mo 'yon? Kuya will be using Papa's car again kasi sabay na ulit silang uuwi ni Ate Prianne mo, your sister-in-law."
Inihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko nang marinig ang sinasabi ng nanay kp.
"Ma, isa! Tigilan mo na! Pati ba naman sa kapatid ko, kung anu-ano ang sinasabi mo!"
"Ito 'nak, seryoso nga muna. Ibig sabihin ba n'yan, okay na kayo ni Prianne? Siya lang naman ang isinasabay mo pauwi, eh. Not unless..."
"Wala akong girlfriend kung 'yan ang gusto mong sabihin, Ma."
Hindi ako nagkaro'n ng chance na ipakilala sa Mama ko si Maica. Sandali lang naman naging kami, ni hindi nga lumagpas ng isang linggo. At isa pa, niloko at ginamit niya lang naman ako kaya hindi ko siya itinuturing na girlfriend o ex-girlfriend for that matter.
"Okay, here is the car key. Alagaan mo manugang ko, ha? Baka paiyakin mo na naman? Makakatikim ka sa akin!" banta niya sa akin sabay kurot sa tagiliran ko.
Minsan nga, pakiramdam ko, parang si Priane ang anak ni Mama at hindi ako. Nagagalit kasi talaga siya sa akin kapag nalalaman niyang napapaiyak ko si Prianne. Ayaw na ayaw niya na nalulungkot siya lalo na kung dahil sa akin.
"Magkaibigan lang kami, Ma. At oo, syempre. Susubukan kong 'wag na siyang paiyakin. Good boy na 'to," sagot ko naman at hinalikan ko na siya sa pisngi niya para magpaalam.
"Sige na, mag-i-ingat ka papasok sa school pati pauwi," bilin naman niya.
"I will, Ma. Ikaw rin, ha? 'Wag ka na masyado maglilikot dito sa bahay para safe kayo ni baby Magui."
Tumango na lang si Mama at ipinapatuloy na niya ang pagkain. Buntis kasi kaya lalo siyang tumakaw. Ako naman napangiti na lang habang pinapa-ikot-ikot ko sa daliri ko ang susi ng kotse ni Papa.
"Sigurado akong na-miss mo ang kaisa-isang babae na isinasakay ko sa shotgun," bulong ko habang nasa loob ako ng sasakyan at para akong tanga na nakangiti nang magsimula akong mag-drive.
* * *
"Pierre!" tawag sa akin ni Prianne nang makarating ako sa room namin. Na-late kasi ako dahil sa traffic do'n sa dinaanan ko. Pumunta pa tuloy ako sa Guidance Office para kumuha ng late slip for admission. Hassle!
"Oh, bakit Yahnie?" Napakunot agad ang noo ko nang makita ko ang lalaki na katabi niya. "Sino 'yan?" bulong ko sa kanya at ngumiti naman si Prianne na parang kinikilig-kilig pa sa harap ko.
"Si Andre, childhood friend ko. Bagong transferee siya rito. Naipakilala ko na siya kina Kaylee at Gian kanina. Late ka kasi," paliwanag niya pa sa akin.
Badtrip agad ako kahit na tinitignan ko palang 'tong childhood friend na ipinakilala ni Prianne. Wala naman siyang ginagawa, katabi lang naman niya si Prianne pero... s**t, hindi ko alam kung bakit parang iritado agada ko sa kanya.
Tumango sa akin ang childhood friend ni Prianne at siya pa ang nag-initiate na makipagkamay sa akin kaya nakipag-shake hands naman ako sa kanya. Ayaw ko namang magalit si Prianne at masabihan na wala akong manners kaya casual na lang akong nakipagkilala.
"Pierre," simple kong sabi.
"Andre," pag-ulit niya sa pangalan niyang ilang beses nang binanggit ni Prianne. “Nice to meet you, bro,” sabi niya naman pagkatapos kong bitiwan ang kamay niya.
"You, too."
I think he is okay kay but there is something about him that pisses me off. Dapat kasi hindi na tumatanggap ng transferee 'tong school namin kapag fourth year high school na. Pwede pa ba 'yon? Hindi na dapat.
"Mukhang magkakasundo kayo, ah. Tamang-tama Pierre, tabi-tabi tayo ngayong second grading dahil bago na ang seat plan natin," masayang sabi naman ni Prianne at ngumiti pa sa kanya si Andre.
Nasa'n ba sina Gian at Kaylee kung kailan kailangan mo sila? Bakit naman kasi ngayon pa excused 'yung dalawa! May inaasikaso raw sila pala sa organization nila. Badtrip talaga! Ayaw ko pa namang katabi 'tong asungot na kasama ni Prianne.
"Sige Cha, okay lang sa akin," sagot pa ni Andre sa kanya.
At ano raw? CHA!? Cha galing sa 'Chantal' ni Prianne? Aba, magaling! May nickname rin siya para sa kanya.
"I had her first," I uttered in a low voice, enough for Andre to hear. Seryoso akong tumingin sa asungot at nagsukatan kami ng tingin sa pwesto namin na parehong nasa magkabilang gilid ni Prianne.
Sabi na, may angas din ang isang ‘to.
"Ha, Pierre? Ano ang sinabi mo?" clueless na tanong naman ni Prianne habang nasa gitna namin siya ng asungot.
"Sabi ko, sige, tabi-tabi tayo para masaya," sabi ko na lang at ngumisi ako kay Andre nang may kahulugan bago maupo sa pwesto ko.
Sa gitna nakaupo si Prianne at nasa kanan niya naman ako habang nasa kaliwa niya si Andre. Nang makaupo silang dalawa, kakausapin ko pa sana si Prianne pero nagkaro’n agad sila ng sarili nilang mundo kaya kulang na lang ay langawin ako rito sa gilid habang nakikinig sa kanila.
At dahil ayaw kong magpatalo, nagpapansin ako. Papansin na kung papansin basta makagawa ako ng paraan para malipat sa akin ang atensyon ni Prianne.
"Yahnie..." tawag ko sa kanya. Pangalan niya lang naman ang binanggit ko pero lumingon din ang asungot sa tabi niya. ‘Yahnie’ na rin ba pangalan niya?
"Bakit, Pierre?" tanong naman niya sa akin pero hindi ako sumagot. Sa halip, unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Napalunok tuloy siya.
"T-teka... ano bang gagawin mo?" natatarantang tanong ni Prianne at nang malapit nang magdikit ang mga labi namin, pumagitna agad ang kamay ni Andre.
"Bro, not here..." pigil niya pa sa akin at sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Yahnie, may muta ka kasi sa mata mo. Tatanggalin ko lang sana," sabi ko naman nang bumaling ako sa kanya sabay punas do'n sa non-existent na muta niya.
Hindi nakapagsalita ang asungot, syempre napahiya siya. Akala niya siguro balak kong halikan si Prianne. Sus! Sinasabi ko na nga ba! May gusto 'tong asungot na 'to kay Prianne kaya nagkakaganyan siya. 'Yung mga titig pa lang niya, alam na alam ko na. Syempre lalaki rin ako, alam na alam ko mga galawang ganyan.
Dapat dumaan muna siya sa amin ni Gian bago siya makagalaw kay Prianne.
"Sira ulo ka talaga!" iritadong sabi ni Prianne. Nilakihan niya pa ako ng mga mata bago hinampas ang braso ko.
"Masakit, ha!" nakatawang saway ko sa kanya. "Tinanggal ko na nga muta mo, ikaw pa galit. Sige ka, baka ma-turn off sa'yo 'yang si Andre," bulong ko pa.
"Turn off? Bakit naman siya ma-tu-turn off?" kunot-noong tanong niya sa akin. "Isa pa, hindi naman ako nagpapa-good shot sa kanya. Magkaibigan lang kami tulad natin, ano ka ba!" depensa naman niya at parang hindi ko nagustuhan ang narinig ko.
"Tulad natin? Parang hindi naman!" sabi ko agad. "He is just your childhood friend, someone in the past. Me? I am your close friend, matagal na tayong magkaibigan. Marami nang pinagsamahan. Mas matimbang dapat ako, 'di ba?"
"Fine, fine! Eh 'di ikaw na ang mas matimbang," sagot niya naman. "Pero syempre, kapag nagkaro'n na ako ng boyfriend, hindi na gano'n. Eh malay mo, maging boyfriend ko siya, eh 'di mas matimbang na siya sa'yo," duktong niya pa bago tumawa nang tumawa.
"B-boyfriend?" sabay turo ko kay Andre na abalang nagsusulat ng notes. "Bakit? Nanliligaw ba siya sa’yo?"
"Hindi naman," tanggi niya at parang nabunutan naman ako ng tinik. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganito ako pero siguro okay lang naman kung iba ang manliligaw rito kay Prianne, 'wag lang ang asungot na 'to dahil ayaw ko sa kanya. "Sinasabi ko lang naman ang posibilidad. Ano bang malay natin, ‘di ba?"
Hindi kaya gusto rin nitong si Prianne itong si Andre kaya niya nasasabi ang mga ganitong bagay? It seems like she is really considering him as her potential boyfriend.
"Bakit? Nagseselos ka na ba? That’s why you are trying to be competitive?" natatawang tanong niya pa sa akin at umiling agad ako.
"Uy, hindi, ah! Bahala ka! Eh 'di sagutin mo 'pag nanligaw sa'yo. Ilakad ko pa siya sa'yo, eh!" depensa ko naman at napalakas yata ang boses ko kaya tinawag kami ng teacher namin.
"Mr. Alvarez and Miss Velasco, would you like to go here in front and share with us your own topic? Nakakahiya naman sa mga kaklase niyong nakikinig ng lecture," sita sa amin ni Ma'am Cruz, ang Physics teacher namin.
"Ayieee!" sigaw naman ng buong klase at nangunguna pa sina Kaylee at Gian sa panunukso. Kababalik lang ng dalawa mula sa pagkaka-excuse nila kanina kaya panay ang kantyaw nila sa amin ni Prianne.
Si Andre lang ang hindi nakisali at hindi maipinta ang mukha. Napakadaling basahin ng isang 'to kaya hindi ko alam kung bakit parang hindi makaramdam itong si Prianne. Halata namang may gusto sa kanya ang childhood friend niya at ngayon ay nagseselos ito sa aming dalawa.
"No, Ma'am. Sorry po, this will never happen again," apologetic na sagot ni Prianne sa teacher namin.
"Dapat lang, Miss Velasco! You are disturbing my class kaya kapag naulit pa 'yan, papalabasin ko na talaga kayong dalawa. Are we clear?" mariing tanong ni Ma'am Cruz at tumango na lang kami ni Prianne kaya bumalik na siya sa pagdi-discus ng lesson namin tungkol velocity.
"Ikaw kasi," bulong niya sa akin.
"Ikaw kaya," balik ko sa kanya.
"Alam mo, ang mabuti pa, tumahimik na lang tayo pareho. Baka mapalabas na talaga tayo n'yan. Nakakahiya," seryosong sabi niya at ngumisi naman ako.
"Alam mo, ang sarap mo talagang asarin. Pikon ka kasi, eh."
Inilabas niya ang dila niya na parang bata at nag-make face pa siya sa harap ko kaya napangiti na lang ako. She looks cute with those antics of her. Ang taba pa ng pisngi niya, parang siopao.
Teka... ano, Pierre? Sino ang cute?
Si Prianne? I am probably just imagining things.
This is nothing.