Chapter Four

1136 Words
CHAPTER FOUR PRIANNE Sa sobrang pagod ko, dumiretso na agad ako sa room ko para magpahinga. Hindi na ako kumain ng dinner kahit na panay ang pilit sa akin ni Mama. Sinabi ko na lang na busog pa ako dahil marami rin akong nakain kanina. Nilibre kasi ako ni Andre, ang childhood friend ko na kakabalik lang dito. Humikab ako at handa na sana akong matulog pero narinig ko ang phone ko na tumutunog kaya sinilip ko muna rito kung sino ang nag-text.  Pierre: Pri, usap naman tayo, please? :( Sumimangot agad ako nang nabasa ko ang text message niya. Ayoko na sanang mag-aksaya ng oras pero nag-reply pa rin ako. Ang labo ko rin, eh. Hindi ko pa rin matiis. Me: Who is this? Stupid reply, I know. Naka-save pa rin naman ang number niya sa akin pero gusto kong patunayan sa kanya na kaya ko siyang alisin sa buhay ko, na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko. Isa pa, ito naman ang gusto niya, 'di ba? Ang mawala ako sa buhay niya? Kaya bakit pa namin kailangang mag-usap? Wala rin namang patutungahan kung mag-u-usap pa kami. Mas mabuti pa ang ganito, kunwari hindi na lang kami magkakilala. Kunwari, walang  Pierre na nag-e-exist sa mundo ng isang Prianne Chandria Velasco. * * * PIERRE Prianne: Who is this? Hindi ko inakala na pati number ko ay binura na niya. Kanina lang, i-me-message ko sana siya sa f*******: pero in-unfriend na pala niya ako. Siguro, inaalis na talaga niya ako sa buhay niya tulad nang hiniling ko sa kanya. Kasalanan ko 'to, eh. "Sagutin mo naman, please..." bulong ko pagkatapos kong i-dial phone number niya. Sinubukan ko siyang tawagan dahil baka sa ganitong paraan ay magkausap na kami pero ayaw niya talagang sumagot. After seventy tries (nakita ko sa call log), wala pa rin siyang sinasagot ni isa sa mga tawag ko. Ilang beses niya pa nga akong binabaan ng tawag kaya nakaka-badtrip din. Pero ako naman ang may kasalanan kaya hindi ko makuhang magalit. Sana lang nakikita ni Prianne ang effort ko para mapatawad niya na ako. Aaminin ko, hindi ako sanay na nakikipagpataasan siya ng pride sa akin tulad ng ginagawa niya ngayon. Dati kasi, kapag nagagalit siya sa akin, magpapa-cute lang ako at kaunting lambing lang ay okay na kami. Pero hindi na yata 'yon gagana ngayon. Gago ka kasi, inabuso mo. Napailing na lang ako at nagbuntong-hininga. Last na talaga 'to. Kung ayaw niya pa ring sagutin, hahayaan ko na muna siya. "ANO BANG PROBLEMA MO  PIERRE YOHANN ALVAREZ?! KANINA KA PA! HINDI MO BA MAINTINDIHAN NA AYAW KONG SAGUTIN ANG MGA TAWAG MO!?" sigaw niya sa akin nang sagutin niya ang tawag ko. Bahagya kong inilayo ang phone sa tainga ko dahil nakakabingi ang sigaw niya. "But you did... sinagot mo pa rin ang tawag ko," kalmadong sagot ko sa kanya. "Sinagot ko kasi nakakairita ka," inis niyang sabi. "Pri, please." "Stop calling me that. We are not friends anymore," balik niya agad sa akin nang tawagin ko siya sa nick name niya at napapikit naman ako. "I amm sorry. Please naman, will you listen to me first?" pakiusap ko sa kanya at narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. Halatang pagod na siya at kahit hindi ko siya nakikita, halatang ayaw na niyang makinig sa mga paliwanag ko. "Alam mo,  Pierre? Ang labo mo. Noong umamin ako sa'yo, sabi mo okay lang, sabi mo walang magbabago. Pero umiwas pa rin ako kasi nahihiya ako sa'yo. Tapos kung kailan na-overcome ko na ang hiya ko dahil sa naging pag-amin ko, ikaw naman ang umiwas. Tapos nagising na lang ako isang araw na parang hindi na tayo magkaibigan. And you know what? Every day, sinisisi ko ang sarili ko. Na sana hindi na lang ako umamin para okay pa rin tayo. Ang daya mo kasi, eh. Hanggang kailan ko kailangan saluhin lahat ng sakit dahil lang sa umamin ako sa'yo? Losing you as my close friend was enough. But to get my heart broken almost every time by you? That is just too much." "I am sorry."  Ito lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko kasi, parang kahit ano ang sabihin ko, hindi 'yon magiging sapat para mapatawad niya ako. At kung nasa harap ko siya ngayon, tanging yakap lang ang maibibigay ko dahil hindi ko alam kung paano ko babawiin lahat ng sakit na ipinaramdam ko sa kanya. Sobrang naging insensitive na nga ba ako? tanong ko sa sarili ko habang nanatiling tahimik ang kabilang linya. "No, you are not sorry. And you know what,  Pierre? I was never really mad at you. I was hurt... and I am still hurting," malungkot niyang sabi bago pinatay ang tawag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkatapos ng naging pag-u-usap namin. Dapat masaya ako, 'di ba? Ito naman ang gusto ko, eh. Ang lumayo siya sa akin, na tigilan na niya ako. Pero bakit ganito? Parang ang bigat ng pakiramdam ko at mas lalo lang akong nakokonsensya. "Gago ka talaga,  Pierre!"  Naihilamos ko na lang ang kanang palad ko sa mukha dahil sobrang badtrip ko sa sarili ko. Kung pwede ko lang i-untog ang sarili ko sa pader, eh. O kaya magpasapak kay Gian at magpasampal kay Kaylee dahil sa mga kagaguhan ko. Wala namang ginawang masama si Prianne, eh. She is right. This is too much and she does not deserve any of this. Gusto niya lang naman ako at hindi niya 'yon kasalanan. Hindi ko rin naman kasalanan na hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya pero kasalanan ko sa tuwing umiiyak siya nang dahil sa akin at sa tuwing nasasaktan ko siya. Aaminin ko, minsan sinasadya ko ring gumawa ng mga bagay na makakasakit sa kanya, na minsan ramdam ko ang possessiveness niya kahit hindi kami kaya sinasadya kong saktan siya para tigilan na niya ako. Oo, alam ko mali, na hindi ko 'yon dapat ginawa dahil magkaibigan pa rin naman kami. I was a jerk back then, and maybe until now. Kaya hindi ko alam kung magiging okay pa ba kami at kung mapapatawad niya pa ako. She is always the strong one. Siya ang tipo ng babae na kahit nasasaktan na, umiiyak na, alam kong nandyan pa rin siya para sa akin, na hindi siya mawawala. Maybe that is why I took her for granted. Kaya ngayon lang, ngayon ko lang naramdaman ang pagod niya, ang pakiramdam niya na nagsasawa. Ngayon ko lang naramdaman na lumalayo na talaga ang loob niya sa akin. At kasalanan ko ‘to. Sana lang, gumana ang plan B. Hindi niya ako sinukuan dati, dapat ngayon ako naman ang sumubok para sa pagkakaibigan naming dalawa. And if this plan B does not work out, the alphabet has twenty four more letters. Ang mahalaga, mapatawad niya lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD